Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TINAPAY NG BUHAY

PANGINOON, MAAWA KA

PARI:
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Panginoon, maawa Ka sa amin

BAYAN:
Panginoon, maawa Ka sa amin

PARI:
Ika'y tagahilom naming makasalanan
O Kristo, maawa Ka sa amin

BAYAN:
O Kristo, maawa Ka sa amin

PARI:
Ika'y tagapamagitan ng Diyos at ng bayan
Panginoon, maawa Ka sa amin

BAYAN:
Panginoon, maawa Ka sa amin

PAPURI SA DIYOS

KORO:
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!

At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin (KORO)

Pinasasalamatan Ka namin
Sa 'Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama (KORO)

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo


Maawa Ka sa amin, maawa Ka
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama (KORO)

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan


Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!

Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!

ALLELUIA

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Panginoon, ang Siyang daan
Ang Buhay at ang Katotohanan
Aleluya!

SANTO

Santo! Santo! Santo!


Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!


Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito


Sa ngalang ng Panginoon

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!


Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

SA KRUS MO

Sa krus Mo at pagkabuhay
Kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Poong Hesus naming mahal
Ngayon at magpakailanman

DOXOLOGY/GREAT AMEN

PARI:
Sa pamamagitan ni Kristo
Kasama Niya at sa Kanya
Ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo
Diyos Amang makapangyarihan
Kasama ng Espiritu Santo, magpasawalanghanggan

BAYAN:
Amen! Amen! Amen! (2x)

AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo


Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama

DOXOLOGY TO THE LORD’S PRAYER

Sapagkat sa 'Yo ang kaharian, kapangyarihan, at kapurihan


Ngayon at magpakailanman!
Ngayon at magpakailanman!

AGNUS DEI - KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo


Maawa Ka sa amin! Kordero ng Diyos, maawa Ka. (2x)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo


Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

You might also like