Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Loger Kent C.

Bernabe Marka:_______

BSEd 2-B Pebrero 03, 2020

Retorika ng Pagkabigo

Naranasan mo na bang magpakabaliw dahil sa pag-ibig? Nagmahal ka na ba? Nasaktan, tapos


iniwan? Umiyak kana ba dahil iniwan ka ng taong mahal mo? Naging kabilang o isa ka na sa mga
taong hindi dinadalaw ng antok sa loob ng mahabang panahon nungit laging binibisita ng mga
alaalang iniwan ng lumisan at asabayan pa ng mga awiting magsisilbing gasolina na patubig sa
yong mga mata. Sa madaling salita, naranasan mo na ba maging sawi o mabigo sa pag-ibig?

Hindi ito ang pagkasawing humiwalay na ang kaluluwa mula sa iyong katawan, ito yung
pagkasawing pinatay yung puso mong nagmamahal at iniwang duguan. Ito yung pagkasawing
hindi kana kumakain tuwing launch break mabigyan mo lang siya ng roses and chocolates sa
valentines pero naunahan kana pala ng tropa mo. Ito din yung sawing gumigising kapa ng
maaga para magsabing "Good morning(with smiling pacute na emoji pa)" sabay pahabol na
chat ng " Huwag kakalimutang kumain ha" tapos ang reply niya sayo " Hoy, boyfriend niya to
wag kana magchachat dito". Ito pa mas matindi , ito yung mga sawing walang kasintahan, sila
yung araw araw nalang katingin sa bituin na nais nilang makamit pero unti-unti nawawala sa
paningin dahil mayroon ng buwang lalamon sa kanilang liwanag hanggang sa hindi na ito
makita, gustuhin mo mang tumingin pero masakit na parang nalagyan ka ng sabon sa mata
habang naliligo tapos nawalan ng tubig sa banyo.

Hindi nga ito yung literal na salitang sawi ngunit paramg nanaisin mo nalang rin na sana nga
maging katulad nalamang ng isang bangkay na walang pakiramdam kaysa maramdaman ang
mga sakit na dulot ng love nayanl. Bakit ba kailangan pang masaktan? Bakit kasama lagi yun
kapag nagmamahal? Bakit hindi ako? Bakit siya... Bakit hindi nalang tayo? Mga tanong na
nasabi ko nung mga panahong mala zombie na yung pagmumukha ko kaiiyak, kapupuyat,
kaiisip at kaiinom ko.

Oo, isa ako, I mean NAGING isa ako sa napa Liza Soberano sa movie niyang My Ex and whys sa
dami ng "Bakit"ko noong mga panahong sawi o broken pa ako. Siguro maraming matatawa at
magatataka dahil sa lalaki ako pero uso sa akin yung salitang broken kasi madalas sa mga babae
lang ito maririnig. Sa katunayan maging ako natatawa sa sarili ko hanggang ngayon dahil sa mga
bagay na nagawa ko dahil sa broken thing nayan. Pero hindi ko pinagsisihan ang mga bagay
nayun dahil inaani ko na ngayon lahat ng mga natutunan ko sa mga pangyayaring yun.

Nagsimula ang lahat noong unang araw ng pasukan, second semester at grade 11 palang ako
nun. Oo na, alam ko maaga ako lumandi. Syempre second sem. bagong room, bagong
classmates pero di kami nagkahiwalay ng mga tropa ko at kami ang masasabi kong f4 ng klase
nung mga time nayun kasi kami lang talaga yung tunay na lalaki na nandun kaya wala na silang
no choice. Dito ko siya unang nakita at dito rin ang unang beses na tumama sa akin ang pana ni
kupido. LMabilis naman na nakuha ko ang loob niya at di nagtagal inamin ko ang feelings ko sa
kanya at niligawan ko siya.

Nagsimulang nagbago ikot ang mundo ko at hanggamg sa dumating ang pagkakataong siya na
ang naging mundo ko. Lagi na siyang kasama sa mga panalangin ko. Magchachat sa kanya ng "
Wag papalipas ng gutom" habang naririnig ang pag-angal ng tiyan ko. Oo, nagseryuso ako pero
hindi ko pa nakakamit yung matamis niyang OO. Kasing bilis ng mga sasakyan sa movie na Fast
and Furious ang mga araw at linggo magtatatlong buwan narin akong umiibig sa kanya at
napatanong sarali na " Bakit hindi pa kaya ako sinasagot nito". Siguro hindi lang ako sanay na
tumagal ng ganon katagal dahil nasanay ako sa mga easy to get ang mga batchmate ko noong
Junior high palang ako, pero take note! Wala ni isa akong seneryuso ko sa kanila, just landi lang
ganun.

Pero isang araw, isang tao ang nagpaalala, na itigil ko na dahil hindi ako nag- iisa. Kumunot ang
aking noo sa mga narinig ngunit nanatiling kampanti at pinapaniwala ang sariling malabong
mangyari ang sinsabi ng kaibigan ko. Pero hindi maiiwasang ang duda at pagtataka. Kaaya
pala.... Sa tuwing nagbabalak akong ihatid ka sa bahay niyo bigla kang nawawala, tuwing
hihiramin ko ang cellphone mo ay tatad ito ng mga numerong kailangan ko pang sagutin para
makapanalamin, kaya pala sa tuwing sasabihin kita ng " Good night,Iloveyou" isang mabilis na
"Thank you" ang reply mo akin.

Dito na nagsimulang gumulo ang mundo ko na parang nagkaroon ng world war 3 sa isip ko. Ang
dating maliwanag na mundong punong puno ng pagmamahal ngayon ay unti-unting nilalamon
ng dilim na dulot ng duda, selos at pagkamuhi. Ang dating kalmadong pagkakahawak sa
buhangin ay nagkaroon ng pwersa. Dinaig ko pa yung mga security ng presidente kakabantay
sayo, naging masahol pa ako sa nanay mo kakapangaral sa iyo at nakatipid ka pa ng pamasahe
kahahatid sundo ko sayo. Ayos lang sa akin kahit hindi ako makapag recess basta may gas akong
pangsunod dahil sa motor ko lang nararamdaman na akin siya, sa motor ko lang nararanasan
ang yakap niya tuwing magpepreno ako at lalo pang humigpit ang yakap na iyon kapag binilisan
ko ang takbo, galawang hokage ika nga sa social sa media.
Kasabay ng pagbabago ng pakikitungo sa kanya ang pagbabago din palanng tingin niya akin.
Hindi na pala paghanga o pagmamahal ang nararamdaman niya mula sakin kundi takot at
pangamba. Dumating sa puntong ang itinuturing kong mundo ay hindi maaring tirhan pa dahil
ito ay unti-unti ng nasisira tila naging isang lobo na punong-puno na ng hangin ay puputok na.
Ang mga buhangin sa aking mga kamay hindi ko namalayang unti-unti na palang naubos dahil
sa higpit ng pagkakahawak ko. Umalingaw sa aking mga tenga ang masasakit na mga salitang
nagmula sa kanya. Ito ang mga salitang dumilig sa aking mga mata at umapaw sa aking pisngi.
Walang anestisya ang makakatanggal ng sakit na nadama ko noong mga panahong iyon.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang tinapos na. Ang tinaapos na hindi pa nasisimulan. Ang
dalawang letrang pinapangarap kong marinig sa pagtapat ng aking pag-ibig ay mangyayari
nalang sa panaginip. Kasalanan ko ang lahat, ginawa kong mundo ang dapat na tao lang, tao
lang na dapat minamahal hindi sinasakal.

Walang salitang kayang makapaglarawan sa nararamdaman ko ng mga panahong yon. Hindi ko


maipaliwanag kung galit, sakit, selos at kung ano-ano pang mga emosyon ang nararamdaman
ko. Ito na na siguro yung pakiramdam ng sawi, totoo ngang kung gaano kasarap ang pag-ibig ay
ganoon din kasakit ang kabaligtran nito. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero tikop na
ang mga bibig at tenga mo. Kaya ang ginagawa ko dadaanin ko nalang sa isang mahabang text
ng kadramahan ko sabay lagay ng group message(Gm) sa ibaba at may pahashtag pang "
bumalik kana sa akin baby ko" pero naalal ko ikaw kang pala laman ng phonebook ko.

Naalala ko pa noong minsang niyaya ko ang F4 sa bahay para saluhan ako sa bagong mundo ko,
isang maliit na baso at boteng bilog ang nagsisilbing pampatulog sa utak kong gising na gising sa
kaiisip ng kung ano-ano. Nagpakasabog ako di alintana ang maaring idulot ng spirito ng alak
dahil yun naman talaga ang gusto ko. Dito ako nagkakalakas ng loob at nagiging kasing tapang
ni Cardo ng Probinsiyano para tawagan ka at sabihing "miss na miss na kita".

Dinaig ko pa ang mga babae noon sa kapopost ng mga kadramahan sa facebook. Ito yung
feeling na halos lahat ng mabasang kong mga love post ay pinost o sinulat para sa akin kaya
dalidali ko itong bibigyan ng reaksyong umiiyak sabay pindot ng arrow na simbolo at lalagyan pa
ng caption na " relate much" isang tanda ng kajejehan ko. Ito yung naging kakampi at
pinagkukunan ng lakas dahil sa mga motibasyon na ibinigay nito sa akin. Naging sarado ang isip
ko para sa iba, tanging sarili ko ang pinaniniwalaan ko na iniwan ako para sa ibang tao, na
iniwan ako dahil hindi pa ako sapat, iniwan niya ako pero hindi minahal at ginamit lang. Ito ang
mga nasa isip ko, kinukulong sa salitang ito ang aking sarili dahilan para tila maging isang
bilanggo ako.
Buong bakasyon kong hindi makikila ang aking sarili, maging ako ay naguluhan sa mga bagay na
ginagawa ko para lang masabi o makita nilang nasasaktan parin. Sa tuwing makikita ko ang
mga post mo na tila mas masaya ka nung wala ako na para bang nakalaya ka sa kuko ng isang
agilang nakabaon sayo at ngayon ay malayang lumilipad kasama ang mga ibong tunay na
nagpapasaya sayo. Dito ko napagtanto na mali ako, mali lahat ng pinaniniwalaan ko. Hind pala
ako iniwan dahil nagkulang ako. Iniwan ako dahil sumobra ako, nag- astang jowa mo kahit wala
pa palang tayo. Naging malinaw sa akin ang mga pagkakamali ko at nagsisi sa mga salitang
nasabi at napagkalat noong mga panahong sabog ako at sinapian ng espiruto ng alak. Pero huli
na sabi nga sa isang kanta " 'di na mababawi ang inwang sakit ng mga salitang binitiwan mo" ,
isa na itong mga pilat sa nakaraan na kahit anong gawin ay hinding-hindi na mabubura pa.

Mali ang ating kaasipan na kapag broken dapat umiyak, sisihin ang sarili, maglasing o ano pang
mga bagay na wala naman talagang magagawa sa sitwasyon. Ang mga bagay na ito ay hindi
makakatulong para pakawalan ka sa pagkakakulong sa mga salitang sawi at sa mga maling
kaispang nakapaloob dito. Sa halip na parusahan ang sarili at dibdibin ang mga nangyari ay
gumawa ng mga bagay para itama ang mga nagawang mali, magmunimuni sa mga bagay na
ikauunlad ng sarili at tanawing isang motibasyon at aral ang mga leksyon ng pagkabigo.

Ang pagkabigo sa pag-ibig ay isang parte ng buhay ng tao, hindi naman pwedeng kapag gusto
mo ay makukuha mo dahil may mga bagay na hindi itinadhana o nakatadhana sa isang tao. Ang
bawat pagkabigo o pagkasawi ang nagbibigay kulay sa buhay ng isang tao. Dapat nating
tanggapin ang buhay ay weather weather lang ika nga kuya Kim, minsan nasa punto tayong tirik
ang ang araw at napakaganda ng panahon pero hindi maiiwasang dumating ang ulan o ambon
kasabay ng mga kulog at kidlat para sirain ito. Laging tandaan na sa pagtatapos ng ulang ito
mulling sisilip ang liwanag at kasabay pa ng bahagharing magbibigay ng kulay sa buhay.

"Lahat ng sobra ay nakakasama" mga salitang sumasalungat sa kasabihang "Hindi baleng


sumobra huwag lang magkulang". Dalawang kasabihang sumasalamin sa uri ng pagmamahal ng
mga tao, ito ang maaring maging dahilan ng pagkabigo mo. Dapat bang luwagan ang sinturon o
higpitan ito at mahirapan kang huminga. Ngayon nasa punto na ako ng buhay ko na tanaw ko
na ang bahaghari at ang liwanag ng araw, ang dating mundong sinira ko ay muli kong inalagaan,
sa huli pag-ibig parin ang nagwagi ang yes, kami na uli.

You might also like