Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Juan: O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito.

Mayroong palasyong kumikinang


sa loob nito.

(Naglalakad-lakad si Juan at Nakita nito si Donya Juana)

Juan: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.

Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako’y manghang-mangha at ikaw ay narito.
Ang aking ngalan ay Donya Juana.

Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin ditto upang ika’y makita.

(lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi
ngumingiti, ang mukha nito’y nababalot ng galit)

Juan: Kung walang pagmamahal na ika’y nadarama, kitilin mo na lamang ang aking
buhay. Ano pa ang halaga nito kung ikaw ay hindi rin lang makakamtan? Tinahak ang
balong kasindak-sindak upang ika'y masilayan lamang. Ngunit, ngayo'y ikaw ay
nasilayan, sawi pa rin ang aking buhay.

Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito'y naglaho,
patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako
Juan: O, aking prinsesa. Ako'y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang
magsasaysay.
Juana: Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa
akin? Kapag ika'y makita nito, tiyak na kamatayan ang ang iyong aabutin.
Juan: Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko ang

Higante upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.

Higante: Juana!! Amo'y ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!

Juana: Hindi ko alam.

Higante: Kung sinuswerte ka nga naman, (tawa) hindi ko na kailangan pang


mamundok upang makahanap ng makakain, gayong may kusang lumapit.

Juan: Higante! Tumahimik ka! Ako'y hindi mo makakain!

Higante: Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi kaya ikaw ay
magiging aking pagkain!

(paglalaban)

Juan: Aking mahal na prinsesa, ika'y malaya na.

Juana: (niyakap si Juan) Salamat, Juan! Salamat!

Juan: Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito. Juana: Sandali, Juan. Hindi ko
maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon siya sa loob ng palasyo at bantay
niya'y isang serpyente. Ang aking hiling ay sana siya ay iyong iligtas din.

Juan: Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.

Juana: Ngunit, ako'y natatakot. Baka ikaw ay masawi at ako'y maiiwang mag-isa.

Juan: Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (niyakap si Juana)

Leonora: Pangahas! Sino ka? At bakit ka naparito?

Juan: Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kapangahasan. Ang ngalan ko'y Juan.

Leonora: Hindi mo ba alam na kamatayan lamang ang iyong makakamtan sa pagparito.


Kaya bago pa dumating ang serpyente, ika'y umalis na!
Juan: Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito'y sa iyong harap lamang.

Leonora: Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa aking harapan. Umalis ka
na at manghinayang sa makikitil mong buhay.

Juan: Ano ba ang iyong ikinagagalit? Kung ako man ay marahil na nagkasala, ito lang
ay dahil sa pagsinta. Kaya't susundin ko kahit ano man inyong iuutos ngunit ang
umalis sa iyong paningin ay hindi ko magagawa. Dahil kapag ako'y lumayo sa iyo ng
titig, ang hininga ko ay tiyak na mapapatid. Sa gipit kong kalagayan, ikaw na
Prinsesang mahal ang magbigay ng hatol. Ikaw ba'y sasama sa aking paalis sa lugar na
ito o hahayaan ang aking kamatayan sa iyong harapan?

Leonora: (nilapitan si Juan) Hindi rin ako nakatiis. Don Juan, hindi ko nais na ika'y
habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig.

You might also like