Buhay Ni Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DR.

JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO


REALONDA

Makabayan, Manggagamot at Manunulat


PINAGMULAN

Dr. – natapos ng kursong medisina sa Espanya at nagkaroon ng lisensya sa sa Unibersidad


Central de Madrid.

Jose- pinangalan ng kanyang ina na isang deboto ni San Jose na isang patron.

Protacio- nanggaling sa San Protacio, isang martir na kapistahan niya tuwing ika- 19 ng Hunyo.

Rizal- hango sa salitang Espanyol na “ricial” na nangangahulugang “luntiang bukirin”.


Pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang upang hindi siya maiugnay sa mga aktibidad
ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na paring si José
Burgos.

Mercado- tunay na apelyido ng kanyang ama. Hango sa salitang Espanyo na nangangahulugang


“palengke”

Y- at

Alonzo- tunay na apelyido ng kanyang ina

Realonda- ginamit na apelyido ng kanyang ina na nanggaling naman sa ninang nito.

KAPANGANAKAN/ KABATAAN

- Isinilang si noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna


- Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes
- Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
- pampito sa labing-isang magkakapatid na sina Saturnina (Nena), Paciano, Narcisa (Sisa),
Olympia (Ypia), Lucia, Maria (Biang), Jose (Pepe), Concepcion (Concha), Josefa (Panggoy),
Trinidad (Trining) at Soledad (Choleng).
- Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa
ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na
naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong
siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at
upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang
kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).

- Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina
Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa
Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida
de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng
Realonda noong 1849.

- Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang pamilya sa


Calamba. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga
Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600
na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo. Maliban sa pagsasaka ang
pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay. Ang ina ni Rizal ay mayroong
isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan
ng hamon. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa
Calamba. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.
Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat. Naipadala ng mga
Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

EDUKASYON NI RIZAL
- Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya
ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo").
Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz
sa Biñan, Laguna.

- Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan
noong ikadalawa ng Enero 1872. Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya
ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente (excellent) sa lahat ng
aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang
sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
- Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng
Santo Tomas. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot/medisina sa nasabing
Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng
katarata.
- Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang diskriminasyon, tagibang
at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo
siya sa Espanya.
- Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay
natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod
na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.
- Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si
Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo,
Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga
katutubong wika ng Pilipinas.
NAGING PAGLALAKBAY

- Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora upang sa
Espanya ipagpatuloy ang pag aaral.
- Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal
ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.
- Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid. Nagpatala si Rizal sa Universidad
Central de Madrid sa mga kursong Medisina, Pilosopiya at Pagsulat
- Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay
kabilang sa samahan ng mga Mason. Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga
taong may malayang kaisipan. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang
tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.
- Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa
kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid. Ipinagbili ni
Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal. Kumuha si Rizal ng
pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian.
- Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya
- Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot
sa mata. Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr.
Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula
Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.
- Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para
sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya
- Matapos ay nagtungo siya sa Berlin. Para sa kadahilanang Palawakin ang kaalaman sa
optalmolohiya , Palawakin ang kaalaman sa agham at wika, Magmasid sa kalagayang
pulitikal at kabuhayan ng Alemanya, Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman at
Ipalimbag ang Noli Me Tangere.
- Naghirap si Rizal sa Berlin Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba, Kumakain
lamang ng isang beses sa isang araw, Naglalaba ng kaniyang sariling damit, Naghihinala
siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis
- Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa. Sabay na
naglakbay patungong Dresden, Leitmeritz, Prague, Geneva at mga lungsod sa Italya.
- ANG UNANG PAGBABALIK SA PILIPINAS. Nagdesisyong bumalik para gamutin ang
mata ng kanyang ina, Paglingkuran ang kanyang mga kababayan, Makita ang epekto ng
kanyang nobelang Noli.
- Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba. hindi hiniwalayan ni Paciano si
Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa
kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.
- Naging maingay sa mga batikos ang kanyang Noli dahil dun nanganib ang kanyang
kaligtasan. Nagkaroon ng mga lihim na kaaway si Rizal dahil sa kanyang aklat at dahil na rin
pakikilahok niya sa isyung agraryo sa hacienda sa Calamba na mahigpit niyang kaaway ang
mga prayle.
- Dahil sa lumalaking isyu at pagpapadala kay Rizal ng mga pagbabanta Napilitang umalis si
Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing kadahilanan. Napapasanganib na rin
ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. Mas higit siyang
makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang
bansa.
- Dumating si Rizal sa London ng Mayo 25, 1888.
- Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal sa kanyang pagsasaliksik
pangkasaysayan sa London.
- Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda. Itinatag ng mga Pilipino sa
Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na Asosacion La Solidaridad na
pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884. Nahalal siyang pangulo ng kilusan.
- Nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La Solidaridad na nagpapasalamat sa
kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng samahan.
- Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang
makabayan na may pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling
linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng kilusang propaganda.
- Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad
- a. Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipina
- b. Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas upang
malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya
- c. Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng
pamahalaan.
- d. Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
- e. Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay, demokrasya, at
kaligayahan.
- Los Agricultores Filipino - ang unang artikulo na isinulat ni Rizal para sa pahayagang
La Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa nasabing artikulo ay kanyang sinabi
na ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang Pilipino ay ang napakaraming
balakid sa kanyang pagsulong.
- Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett at nilisan ang London patungo
ng Paris. Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa gaganapin noon ang Pandaigdig na
Eksposisyon na darayuhin ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang panig ng mundo kung
saan maraming akda ang isinali.
- Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890). Dito niya sinimulang sulatin ni Rizal
ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa
La Solidaridad.
- Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita tungkol sa isyung agraryo at pag
uusig ng mga prayle sa kanyang pamilya.
- Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi, sa
dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga
magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang
balaking umuwi ay sinalungat ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga
kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce.
- Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na
nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at
dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.
- Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion Hispano-
Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at
El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at
kababayan sa Calamba. Ngunit siya ay nabigo.
- Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si rizal sa Biarritz. Tinapos ni Rizal ang
nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng Paris.
- Lumuwas si Rizal patungong Belgium at Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya
ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at noong
Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at nagpadala ng
kopya sa kanyang mga kaibigan. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng
GOMBURZA.
- Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila sa pangalawang pagkakataon.
- Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina isang samahan na ang mithiin ay ang mabago
ang nagahahring sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang
paraan at hindi ang paghihimagsik.
- Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa
dahilan sa bintang na pagdadala ng mga proyektong kontra-simbahan
- Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago. Sumunod na araw
inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan. Dinala si Rizal sa Dapitan sa
pamamagitan ng barkong Cebu.
- Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo
Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar. Doon nanirahan at nanggamot
ng mga mahihirap na tao at gumawa ng ibang proyekto. Nagturo din siya sa mga kabataan
doon.
- Ng nalaman ni Rizal na mayroong sigalot sa Cuba. Nagboluntaryo si Rizal upang
maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang manggagamot. Ang kanyang kahilingan ay
tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo
1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano.
- Muling naglakbay si Rizal palabas ng bansa. At habang sakay ng barko palabas ng bansa
ay nabalitaan niya ang nangyayaring himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
Habang siya ay nasa paglalayag nakatanggap siya ng telegrama na nagsasabing siya ang
utak ng himagsikan.
- Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa
Barcelona.
- Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal)
ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
- Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa
Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol .
- Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong
Colon.

PAGLILITIS AT KAMATAYAN

- Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na


pagbabantay.

- Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na
madugong himagsikan sa Pilipinas. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at
pagtatatag ng isang bawal na samahan.

- Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal
sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensiya
laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino para isabit si
Rizal sa nagaganap na himagsikan.
- Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel
Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon.
- Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa
gaganaping paglilitis sa kanya.
- Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polavieja ang
kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.
- Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan
na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga.
- Matapos yun ay bawat oras mayroon siyang bisita. Pinuntahan siya ng kanyang pamilya,
mga kaibigan at maging mga kaaway niya.
- Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng
Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa
likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa
isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong
Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.
- Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay
upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.

- Bago siya bitayin Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap,
subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya,
siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil
sa pamahalaan.

- Consummatum Est (naganap na) huling kataga ni Rizal

- Alas 7:03 ng umaga noong Disyembre 30, 1896 - binaril si Rizal sa Bagumbayan.
- Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang
katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.
- Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.

MGA AKDA

- Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na
naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil
bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo.
- Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me Tangere (Huwag
Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola.
Na may 64 na kabanata. Isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa,
makulay at may taglay na tuwa na patungkol sa Inang Bayan.
- At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Ghent,
Belgium (1891); Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait,
pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa.
- Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga
Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
- Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam) na
itinago sa isang lampara na binigay kay Trinidad na walang pamagat.
- Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad,
isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa
ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar
bilang Plaridel.

You might also like