Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Rio Ysabel A.

Cañal Bilang sa Klase: 20


Sekisyon: IV- Charm Petsa: Pebrero 17, 2014
Pamagat sa Akdang Sinuri: Dugo sa Bukang Liwayway

Unang Bahagi: BUOD

Sa simula, ang nobela ay tungkol sa isang magsasaka, si Tano, at kanyang


buntis na asawa na si Melang, na namatay nung nasilang yung anak nila na si Simon,
dahil hindi pinahiram ni Paterno Borja yung sasakyan niya.1 Pagkatapos ng onting oras
para sa sarili niya, kinuha ni Tano si Simon para ipalaki ng magisa niya sa labas ng
nayon, pero paglaki na ni Simon ng onti, pinaaral ni Tano ito sa may nayon, kung saan
nakilala niya si Duardo at Ador.2 Isang gabi, may dumating na bagyo at lumabas sina
Simon at Tano para may masagip sila na palay.3 Nagkasakit si Tano, at bumalik yung
mag-ama sa nayon, na nag-aaral parin si Simon, at nagsasaka pa rin si Tano.4 Isang
araw, sumuka si Tano ng dugo, at kahit sinubukan niya itago kay Simon, nahalata parin
niya; ito yung ikinamatay ni Tano.5 Pagkatapos mamatay si Tano, umalis si Simon para
maghanap ng trabaho at mag-aral, dahil ipinamigay yung lupa kung saan sila
nagtrabaho.6 Pumunta siya sa Maynila sa tulong ni Duardo at Ardo, pero nung bumalik
siya sa San Roque at sinubukan niya puntahan yung puntod ng kanyang magulang,
hindi nyia mahanap dahil binili ni Borja yung lupa kung saan sila nakabaon.7 Umalis si
Simon at pinangako niya hindi siya babalik hanggang kaya niyang humiganti.8 Bumalik
si Simon pagkalipas ng 16 na tao, at ginawa niya yung pinangako niyang paghihiganti
sa pagtutulong sa San Roque, at sa paglalaban niya sa mga Borja.9 At dahil alam niya
gumagana yung plano ni Simon na tanggalin yung pamilya niya sa kapangyarihan,
binaril ni Alejandro Borja si Simon sa harap ng mga taong nayon.10

Ikalawang Bahagi: PAGPAPAKILALA NG MGA TAUHAN

1. Tano
Isang magsasaka sa San Roque. Tatay ni Simon, na pinalaki niya ng mag-isa.

2. Simon
Sumisilbing bida ng kwento. Anak ni Tano at ni Melang, na namatay nung pina-
anak si Simon.

3. Duardo
Isang kaibigan ni Simon na tumulong sa kanya sa mga oras na kinailangan niya.
Parang kapatid na rin niya, dahil sabay sila sinuso ni Ka Tindeng, yung ina ni
Duardo.

4. Paterno & Alejandro Borja


Pinakamayaman na pamilya sa San Roque. Sumisilbing mga kontrabida ng
kwento.
5. Ka Tindeng
Nanay ni Duardo at nagsilbing “nanay” ni Simon, dahil pinasuso niya ito nung
bata pa siya. Tumulong kay Melang nung nanganganak siya, at tumulong din kay
Simon.

Ikatlong Bahagi: PAGSUSURI

Pinaanak si Rogelio Sicat noong Hunyo 26, 1940, sa San Isidro, Nueva Ecija.1
Yung San Isidro daw yung basihan ng San Roque, yung nayon sa kwento.2 Makulay
niyang isinalarawan yung nayon, na parang nandoon ka rin.3

Sa takbo ng nobela, “iba” yung mga gamit niyang salita.4 Katulad ng “kangina”
imbis sa “kanina”.5 Maliban sa paglarawan ng mga lugar o pangyayari, maganda din
yung pagdetalye niya ng mga tao.6 Lohiko naman iyon, dahil yung mga tauhan daw sa
kwento ay nakabase sa mga taong kilala talaga niya.7 May magsasaka daw na
nagsilbing modelo para kay Tano, isang kaklase niya na kaklase rin ni Simon, atbp. 8
Hindi lang iyon, pero sabi din niya na siya mismo ang naging mga tauhan niya.9 Sa
isang bahagi daw ng buhay niya, para siyang si Tano, sa iba, si Simon o kaya si Ador. 10
Pag-alam mo na iyon, mas madali intidihin yung mga tao sa nobela niya.11 Maliban
doon, maiintidihan mo naman talaga yung pagiisip at pangangatwiran nila, kasi ganoon
din naman yung pagkilos ng mga tao.12 Kaya mong ipalagay na ikaw si Tano,
pagkatapos mamatay si Melang.13 Ikaw rin, kakailangan ng oras para sa sarili.14 O kaya
si Ka Tindeng, nung inakala niya baliw si Tano at sinubukan niya kunin si Simon.15 At
pagdating kay Simon, maiintidihan mo talaga siya.16 Paano kung, pagbalik mo sa lugar
kung saan ka pinalaki, nawala na yung puntod ng mga magulang mo?17 Buti pa sana
kung nawala dahil sa sunog, bagyo, o iba pang natural na sakuna, pero hindi - nawala
sila dahil binili yung lupa kung saan sila nakabaon.18 Hindi ba magagalit ka rin sa taong
bumili ng lupa, na sa sitwasyon na ito, ay si Borja?19

Kaya nung bumalik si Simon nung 1957, at sinubok niya awayin yung mga Borja,
hindi mo mapigilan na umasa na “mananalo” siya.20 At dahil napunta tayo sa 1957,
dahil 1940 pinaanak si Rogelio Sicat, binata siya noon.21 Siguro naman ay tama yung
mga deskripsyon inya ng nayon at mga tao na nandoon.22 Isa siyang anak ng WWII, na
makikita mo sa huling bahagi ng ikalawang bahagi ng nobela.23 Hindi lang niya
binanggit yung mga pangyayari sa digmaan, pero yung mga pangyayari din sa nayon. 24
Posible na nagsalita siya sa sarili niyang karanasan, o yung karanasan ng mga kabayan
niya.25

Nakakatuwa basahin yung libro nito pagkatapos mong malaman gaano ka


konektado yung nobela nito sa buhay ni Rogelio Sicat.26 At hindi lang iyon, pero maikli
siya at madali naman basahin.27 Para sa akin, hindi lang nagpapakita ito ng kahusayan,
pero yung pagmamahal at pagiisip na binigay niya sa nobela niya.28

You might also like