Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1st Quarter PERFORMANCE TASK in MTB-MLE 3

Goal: Makagagawa ng tatlong makahulugang photo collage na nagpapahayag ng obligasyon, kagustuhan,


at kahilingan ng isang responsableng bata.
Role: batang ambassador
Audience: guro, at buong klase
Situation: Upang mahikayat ang ating mga kababayan na maging responsable sa mga bagay na pinipili nilang
gampanan o naising makamit sa buhay, ikaw at ang iyong mga kagrupo ay magiging mga batang
ambassador na humihikayat na maging responsible sa kanilang mga desisyon. Maisasakatuparan ito
sa pamamagitan ng paggawa ng tatlong makabuluhang photo collages na nagpapahayag ng mga
obligasyon, kagustuhan, at kahilingan sa buhay ng isang responsableng bata.
Product: Tatlong mabisang at makahulugang photo collage na nagpapahayag ng mga obligasyon, kagustuhan,
at kahilingan sa buhay ng isang responsableng bata.
Standards: Ang mga photo collages na bubuuin ay dapat magtaglay ng mga pamantayang nasa kabilang kahon.

Mga Pamantayan: 5 4 3 2 1
1. Nakabuo ng mga photo collages na makahulugan.

2. Magkaugnay ang mga larawan sa bawat photo collage.

3. Mahusay ang pagkabuo ng tatlong photo collages at pinagbuhusan ng panahon.

4. Nakagawa sa takdang panahon at nakapagpasa sa tamang panahon.

Kabuuang Puntos

5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – Sadyang Di-mahusay


4 – Mahusay 2 – Di-gaanong Mahusay

Mga kagamitan:
 tatlong (3) 1/8 illustration boards
 pandikit
 gunting
 mga larawan na bubuo sa bawat photo collage na sumisimbolo ng obligasyon, kagustuhan, at kahilingan
 mga kagamitang pangkulay
 marker/pentel pen
 tali (string)

Halimbawa ng inaasahang produkto:

***Ang bawat miyembro ng bawat pangkat ay


inaasahang magdadala ng tig-lilimang (5) larawan
para sa bawat photo collage na bumubuo sa
obligasyon, kagustuhan, at kahilingan.

*** Ang iba pang mga kagamitan ay iaatas sa mga


miyembro ng bawat pangkat at inaasahang dadalhin
sa ika-9 ng Agosto, araw ng Huwebes.
Obligasyon, Kagustuhan, at Kahilingan

Ang obligasyon ay mga tungkuling kailangang gawin o gampanan. Ang bawat bata
ay mayroong mga obligasyon sa tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.
Halimbawa:

 Tungkulin kong sumunod sa payo ng aking mga magulang.


 Kailangan ko tumulong sa mga gawaing bahay.
 Nag-aaral ako ng mabuti.

Ang kagustuhan ay pagpapahayag ng pagnanais na makamit ang isang bagay. Ito


ay may posibilidad na mangyari kung magsusumikap.
Halimbawa:

 Gusto ko maging doktor paglaki ko.


 Sana magkaroon ako ng mataas na marka sa aking pagsusulit bukas.
 Nais kong magkaroon ng maraming kaibigan.

Ang kahilingan ay pagpapahayag ng pagnanais sa mga bagay na imposibleng


mangyari.

 Sana umulan ng tskokolate mamaya.


 Gusto ko maging kasinglakas ni Superman.
 Sana magkaroon ako ng mga pakpak at makalipad sa langit.

You might also like