Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“ANG AHAS NA TRAYDOR AT ANG PUSANG MAPAG-PATAWAD”

Ahas: Uyy, alam niyo ba si pusa mabilis mapikon,maarte pa tapos feeling maganda pa (habang
kakwentuhan ang magkapatid na rabbit)
Rabbit (Joszielle):talaga ano ba yan akala ko pa naman mabait yun….may ugali din naman pala.
Rabbit (Yy Ll):oo nga katulad din naman pala siya ng iba..tsk tsk

Nabalitaan ito ng mga hayop sa bayan.

Manok: (Nag-punta ito sa kaniyang mga kaibigan upang ibalita ang chismis) uyy, mga kaibigan alam niyo
ba yung chismis tungkol sayo pusa?
Pusa: Ano yun?
Tuko:Oo nga pusa kalat na yun sa bayan.
Bibe:Ahhh alam ko yun….sinabi ni ahas na mabilis ka daw mapikon,maarte at feeling maganda ka pa…
Pusa:Hala alam ko naman kung paano makitungo sa ibang tao..tyaka tinuring ko siya na parang tunay na
kaibagan,traydor naman pala
Inang Pusa:Anak!umuwi kana at kakain na!....
Pusa:Opo Inay!susunod na po ako!...
Manok:Geh na mga kaibigan ako’y uuna na rin baka hinahanap na ako sa amin…

(Nag-paalam sa isa’t isa ang mga mag-kakaibigan),(Nag-lakad pauwi si pusa at dumaan ito sa
bayan),(pinag-titinginan siya ng mga kapwa niya hayop)

Palaka (Yancy):Diba siya yung pusang mabilis mapikon ,maarte at feeling maganda?(tanong nito sa
kanyang kapatid na palaka)
Palaka(Xian):Oo, siya yun halata naman pala

KINABUKASAN
(pumunta si pusa sa kanyang mga kaibigan at humingi ito ng tungkol upang makausap si ahas)

Pusa:Mga kaibigan samahan niyo naman ako kay ahas upang linawin sa kaniya na masama ang kanyang
ginawa hindi ko na kayang tiisin ang sakit na aking nararamdaman sobra sobra na toh ang akala ko ay
totoo siyang kaibigan yun naman pala siya’y isang traydor at plastic pa.
Manok:Oo, nga naman sige kaibigan sasamahan ka namin sa kanya at upang magsisi na rin siya sa
kanyang maling nagawa.

(Pumunta ang mag-kakabigan sa kinaroroonan ni ahas)

Tuko:Uyy ahas bawiin mo lahat ng sinabi mo kay pusa alam mo bang mali yun.
Manok:Oo nga naman, bawiin mo mag-sisi ka sa mga nagawa mong pagkakamali.
Ahas:Nakikiusap ako sa inyo ipaggawa niyo na sakin lahat upang mapatawad niyo lamang ako lahat ng
aking mga kaibgan ay iniiwasan ako.
Pusa:Sige may papaggawa kami sayo.
Manok:Oo nga,kunin mo yung plastic doon na may mga lamang papel tapos umakyat ka sa mataas na
lugar ikalat mo ito lahat.
Ahas:Yun lang! sus ang dali dali naman sige hintayin niyo ko dito.
(Bumalik na si Ahas)
Ahas:Ohh tapos na napatawad niyo na ba ako?
Pusa:Hindi pa yun tapos kunin mo lahat ng kinalat mong papel.
Ahas:Hah!ehh nakalat na yun hindi ko na mababawi pa.
Tuko:Ohh, diba yan yung ginawa mo kay pusa nakalat mo na at hindi mo na mababawi pa dahil alam na
ng lahat at nakita na ng lahat.
Pusa:Ngayon alam mo na?
Ahas:Oo, alam ko na pasensya na talaga na inggit lang naman ako kasi lahat na lang ng atensyon ay nasa
iyo

(lumapit ang iba pang mga hayop kay pusa)

Matsing(Joma):pasensya ka na din kung nahusgahan ka namin, ngayon alam na namin na mali ang aming
naggawa.
Matsing(Mach):Oo nga,pasensya na talaga di na mauulit.
Pusa:Suge na pinapatawad ko na kayo basta wag niyo na yun uulitin ahh.
Lahat:Oo, pangako namin yan sayo.

AT NABUHAY NG MASAYA AT MASAGANA ANG MGA HAYOP NG WALANG INGGIT SA KANILANG KAPWA
AT NAG-KAKAISA SILA SA LAHAT NG GAWAIN AT SULIRANIN NG KANILANG BAYAN.

You might also like