Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGSASALIN SA MAS EPEKTIBONG WIKA TUNGO SA KAMALAYAN

SA MGA BATAS TRAPIKO AT MGA KARATULA NG


KUMPANYANG CONVERGE

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang:


Pagsasalin ng Kontekstong Filipino

Mga mananaliksik :

Katrina Rose I. Fiel


Helen May E. Gargantiel
Laurence C. Santos
Angela Estavillo
Mark Angel U. Papio
Jan Mark Nolasco

March 2020
Panimula

Malaki ang ambag ng tranportasyon para mapaunlad ang industriya ng isang bansa at sa

estado ng Pilipinas ay hindi pa ito masasabing maunlad, ngunit sa kasalukuyang administrasyon

ay mayroong programang “Build, Build, Build!” kung saan nakapaloob dito ang pagdaragdag ng

mga imprastraktura para mas mapadali ang pang araw-araw na buhay sa daan. Isa sa mga

pangunahing suliranin nito ay ang mabigat na trapiko na nagdudulot ng pagkawala ng 3.5 bilyong

pera sa ekonomiya ayon sa artikulo ng iMoney.ph at sinasabing mas lalaki pa ito sa mga susunod

na taon pag hindi nasulosyunan na malaking dagok sa bansa. Marami pang suliranin sa

transportasyon at minabuti ng mga mananaliksik na pag-aralan ang maaring mismong punot dulo

ng mga problema na tulad nalang ng mga batas trapiko, at nais tingnan kung tunay nga bang

may kamalayan ang mga drayber sa mga nasabing batas. Kung titingnan mabuti ay kapansin

pansin na ang mga batas na nakapaskil sa publiko ay nakasulat sa wikang ingles at nakalimutan

na natin na may mga pampublikong drayber na hindi ganun kabihasa sa wikang banyaga. Nais

tingnan ng mga mananaliksik kung alin ang mas epektibong wika tungo sa kamalayan sa mga

batas trapiko.

Ang isa pang gagawing pananaliksik ay tungkol sa industriya ng komunikasyon. Ayon sa

Wikipedia.org ay malaki na ang pinagbago ng internet sa bansa simula noong taong 1994

hanggang sa kasalukuyan, at tinatalang 44% ng populasyon ang gumagamit ng internet sa buong

bansa. Ngunit kumpara sa ibang bansa ay masasabing isa sa may pinakamabagal na

koneksyoon sa internet ang Pilipinas. Maraming ibat-ibang kumpanyang ang nagbibigay serbisyo

at isa na doon ang kumpanya ng Converge na nagsimula noong May 2017 at dumarami na ang
tumatangkilik. Nais ng mga mananaliksik na pag-aralan kung tunay nga bang naiintindihan ng

mga nagbabasa ang karatula ng nasabing kumpanya at kung ano ang mas epektibong wika rito.

Saklaw at limitasyon

Ang pangunahing dahilan ng pag sasalik ng mga magaaral sa napiling usapin ay


upang malaman kung alin ang mas epektibong wika tungo sa kamalayan at piniling
isagawa ang pananaliksik sa pamamagitan ng paghingi ng panayaman sa pampubliko at
pribadong drayber pati na rin ang pagtatanong sa mga gumagamit ng serbisyo ng
Kumpanyang converge sa bayan ng sta.maria, taong 2020.

Pangkalahatang layunin

Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang malaman ang kalagayan ng pagsasalin sa
industriya ng transportasyon at komunikasyon. Ito ay isinagawa upang malaman kung ano ang
mas eppektibong wika upang mas maipatupad ng naaayon at maayos ang bawat programa o
anumang saklaw ng pag aaral na ito.

Tiyak na layunin

I. Transportasyon

1. Sinalin ang mga salita at pangungusap upang mas maiging maintindihan ng mga
Pilipino

2. Sinalin ang mga artikulo upang mas mapalawak at mapalalimang kaalaman ng mga
Pilipino tungkol sa batas trapiko.

3. Ang mga artikulo at seksyon ay isinalin sa wikang Filipino upang mas lalo itong mahalin
at patuloy na gamitin bilang ating wikang pambansa.

II. Komunikasyon
1. Binuo ang pagsasaling ito upang maiparating ng wasto at medaling maintindihan ng
mga pilipinong mambabasa o nakikinig ang mensahe.

2. Isinalin ang mga salita sa Filipino upang mas maipahayag ng malinaw ang mensaheng
nais iparating ng programa.

3. Ang mga pangungusap ay isina;in sa wikang Filipino upang malaman kung ano ang
mas epektibong wika.

Rebyu ng kaugnay ng pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Literatura sa Transportasyon

Clarke et. Al (2002), Nalaman niya na ang mas mataas na edukasyon ng mga driver ay

hindi solusyon upang mabawasan ang mga aksidente sa kalsada. Mahina ang mga kasanayan

sa pagmamaneho at kakulangan ng kaalaman sa mga batas trapiko ang kinilala bilang mga sanhi

ng aksidente.

Ayon kay Royeca (2010), Tayong mga Pilipino ay hindi nabibigyan ng sapat na edukasyon

sa trapiko sa anumang antas ng edukasyon, tulad ng traffic sign orientation at kung paano

basahin ang mga ilaw sa trapiko. Ang kakulangan ng edukasyon sa trapiko ng pamahalaan ay

nagdudulot sa amin upang malaman lamang sa pamamagitsn ng pagmamasid na lumikha ng

maraming maling akala tungkol sa mga patakaran at regulasyon ng trapiko. Ang Gobyerno ay

may pananagutan na turuan ang mga tao tungkol sa wastong pag-uugali ng pagsunod sa batas,

at hindi dapat mawalan ng insentibo ang pamahalaan upang isagawa ang pagturo nito.

Ayon sa isang tauhan ng Printwand (2011), Ang karatula ay dapat magbigay ng kaalaman

at direktang malinaw na impormasyon, dapat rin ay malalaman nila kung ano ang maibibigay na

benepisyo ng nakasulat dito.


Ayon kay Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at tagapangulo ng

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), layunin natin ngayon na gamitin ang wikang Pambansa sa

mga usaping teknikal at maglikom ng mga salita mula sa Tagalog at iba’t ibang wikang katutubo

ng Pilipinas upang ipantumbas sa mga teknikal na salitang Ingles. “Hangga’t maaari ay

magsimula na tayo talaga na gumamit ng Filipino sa larangan ng agham dahil puwede namang

gamitin. Nakikita natin ngayon na kahit yung napakahirap na topics ay puwedeng gamitin ang

Filipino…Mas maiintindihan yung ating pinaguusapan kung nasa Filipino, kaysa nag-iInglesan

tayo ngunit hindi naman tayo nagkakaintindihan,” aniya sa isang panayam. Hinimok din ni Almario

ang lahat na maging mahilig sa wika at sa paggamit ng diksiyonaryo upang mapaunlad ang

kaalaman sa agham at wikang Pambansa.

Ayon pa kay Almario (2003) na ang pagsasalin ay isang malaking gampaning pambansa.

Ayon pa sa kanya ay kailangan ang pagsasalin upang maipon ang lahat ng kaalaman at

karunungan ng mundo.

Kaugnay na Pag-aaral

Isa sa mga kaugnay na pag-aaral na nalaman ng mananaliksik ay ang pag-aaral ni

Sorreta (1990). Ang pamagat ng kanilang pananaliksik ay “Mga Pananaw Hingil sa Paggamit ng

Wikang Filipino sa Pag-aaral ng Batas at ang Kahalagahan nito sa Paghubog ng Katauhan ng

Mag-aaral” Ang pag-aaral na ito ay naglalayong gumawa ng paraan upang ang pag-aaral ng

batas ay makatulong sa pagtugon ng matitinding usapin na hinaharap ng Pilipinas.

Isa sa mga kaugnay na pag-aaral na nalaman ng mananaliksik ay ang pag-aaral nina C.

Elento, J. Garcia et al.(2018), Gumamit sila ng talatanungan upang makuha ang mga datos sa

mga guro ng Filipino sa Unibersidad ng Pangasinan. Matapos makalap ang mga talatanungan ,

pinaghambing at inaalamang pagkakaiba ng pagsusuri ng respondent sa maikling kwento.


Ang mga binanggit ni Newman na mga paraan na maaaring gamitin ng tagasalin para sa

maayos na pagsasalin ay maaaring maging gabay ng mga tagasalin sa lilipas na mga taon. Sa

labindalawang prinsipyo ng pagsasalin tungkol sa pamamaraang gumagabay sa pagsasalin sa

ibat-ibang panahon na ibinigay ni Savory(1968) ginamit ng mga mananaliksik ang dalawa niyang

prinsipyo sa pagsasalin. Ito ay ang “ a translation of verse should be in verse” at ang “ a translation

of verse should be in prose”.

Metodolohiya

Ito ay tumatalakay sa disenyo at pamamaraan ng pangangalap ng datos sa pananaliksik.

Nakapaloob dito kung anong mga instrumento ang ginamit sa pangangalap ng impormasyon,

paraan ng pagkuha ng datos, at mga tagatugon ng pag-aaral o respondante. Gumamit ng

diskriptibong analitik na paglalahad ng mga datos na nakalap. Ginamit ito upang matukoy ang

Pagsasalin sa mas Epektibong Wika Tungo sa Kamalayan sa mga batas trapiko at mga

karatula ng kumpanyang Converge. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga

nakikinabang sa kumpanyang ng Converge at ang mga drayber ng pampubliko at pribadong

sasakyan sa bayan ng Sta.Maria . Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng

talatanungan upang malaman ang persepsyon nga magaaral hinggil sa Kahalagahan ng

Wikang Pilipino sa Batas Trapiko at Karatula ng Converge, na talatanungan ay hinati-hati sa

iilang bahagi ang una ay kinapalooban ng mga personal na impromasyon ng mga tagatugon,

katulad ng pangalan, at kung gaano na katagal gumagamit ng serbisyo ng kumpanya. Sa pag-

aaral na ito, ang paraan na ginagamit ng mga mananaliksik ay ang personal na pagtatanong ng

mga opinyon. Dumaan ito sa pagsuri ng tagapayo at iniwasto ang mga pagkakamali.

Pagkatapos maiwasto ay binalideyt na ang talatanungan. Pagkatapos mabalideyt ang


talatanungan ay humingi kami ng permiso sa aming kamag-aral napagdadausan ng sarbey.

Matapos ang sarbey, inayos at sinuring mabuti ang datos na nakalap upang maanalisa.

Sanggunian:

Clarke, D. D., Ward, P., and Truman, W. (2002). In-depth accident causation study of young

drivers. Retrieved from http://www.trl.co. uk/static/dtlr/pdfs/TRL542.pdf

Royeca, J. (2010, January 10). It’s not luck of discipline. Retrieved from Philippine studies:

http://emanila.com/philippines/it%E2%80%99s-not-lack-of-dicipline/

Anonymous (2011, November 30). 3 critical pieces of promotional literature for your new product

rlaunch. Retrieved from : https://www.printward.com/blog/3-critical-pieces-of-promotional-

literature-for-your-new-product-launch

Sullivan, K.J. (2008, August 20). Using everyday language to teach science may help students

learn, study finds. Retrieved December 24, 2016:

http://news.stanford.edu/news/2008/august20/teachsci-082008.html

Elento, C., et al.,(2018, February). Academia, Retrieved from Isang piling nailathalang maikling kuwento

sa wikang ingles:

https://www.academia.edu/36131737/ISANG_PILING_NAILATHALANG_MAIKLING_KUWENTO_SA_WIK

ANGINGLES_PAGSASALIN_AT_PAGSUSURI_SA_WIKANG_FILIPINO._ISANG_PILING_NAILATHALANG_MAI

KLING_KUWENTO

Sorreta, C.D (1990). Philippine law journal. Vol 65, Retrieved from:

https://heinonline.org/HOL/LandingPage?handle=hein.journals/philplj65&div=16&id=&page=

You might also like