Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

B…

Wikibooks

Hana

Noli Me
Tangere/Kabanata
20 : Ang Pulong sa
Tribunal
< Noli Me Tangere

Ang bulwagang pulungan ng San Diego ay


dinadaluhan ng mga kinikilalang
mamamayan na pawang nagbibigay ng
opinyon para sa ikakaganda ng bayan.

Sa loob ay makikita ang dalawang grupo


ng mga panauhin. Ang una ay ang mga
konserbatibo o grupo ng mga nakakatanda
na pinamumunuan ng Kabesa. Ang ikalawa
naman ay ang mga liberal o grupo ng mga
nakakabata na pinamumunuan naman ni
Don Filipo. Ang paksa ng pagpupulong ay
ang gaganaping pista labing-isang araw
mula sa araw na iyon. Kabilang din sa
pagpupulong ang pagtatayo ng paaralan
sa bayan.
Iminungkahi ni Don Filipo na magkaroon ng
talaan ng mga gastos sa bawat gawaing
isasakatuparan.

Bukod dito, plano din niyang magtayo ng


isang malaking palabas kagaya ng
komedya sa plasa sa loob ng isang linggo.
Plano din niyang maglagay ng mga
paputok upang mas maging maganda ang
pista bagay na tinutulan ng lahat ng nasa
bulwagan.

Para naman sa Kabesa, dapat gawing


simple lang ang pista at tipirin ang
pagdiriwang na gaganapin. Hindi rin siya
sumang-ayon sa pagbili ng mga paputok
na siyang iminungkahi ni Don Filipo.

Ang mga panukalang inilahad ng dalawang


grupo ay parehas na hindi sinang-ayunan
dahil nakapagdesisyon na ang kura sa
mangyayaring pista.

Magkakaroon ng anim na prusisyon,


tatlong sermon, tatlong misa mayor at
isang tanghalan katulad ng komedya sa
pista.

You might also like