Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SPIN THE BOTTLE

"Lia halika na pasok na tayo!" Yaya saakin ni Hyun Agad kong sumunod sakanya.
Nagkukwentuhan kami habang naglalakad papuntang classroom. Nang may nakita kaming
nagsusuntukan.
"Ano ba naman yan? Kasisimula palang may nag aaway agad." Naiinis na saad ko kay
Hyun. Nagkibit balikat nalang siya at hinila na ako papuntang classroom.
Pagkarating ay naabutan namin sila Blaire na nakaupo na sa kanilang upuan. Nakita
naming may dalawang bakanteng upuan sa gitna nila.
"Uy nakita niyo ba sila Waki at Charles nagsusuntukan?" Tanong saamin nila Blaire.
Nagkatinginan kami ni Hyun
"Sila pala yung nagsusuntukan sa hallway? Sabagay parehong basagulero yung mga yun
eh. Pero diba magkaibigan sila?" Tanong ko rito.
"Sabi nila dahil daw sa babae kaya nagsuntukan" paliwanag si Gel saamin.
Napatigil kami sa pag uusap ng pumasok sila Waki at Charles. Mukha namang nagkaayos
na sila. Nagulat ako ng matiim silang tumitig saakin. Hala! Anong ginawa ko sainyo?
Umiwas nalang ako at nakipag kwentuhan ulit saaking mga kaibigan.
Hindi parin mawala sa isipan ko yung titig nila lalo na yung kay Waki. Nakakainis
naman kasi bakit pa ako nagkacrush dun sa singkit na yun eh. Tapos may gusto na
yata yung iba. Hmp. Bahala siya diyan may RM pa naman ako eh.
********
Dahil First Day of School namin ngayon ay pinagbigyan kami ng guro naming gumawa ng
kahit ano. Kaya napagtripan ng mga kaklase kong maglaro ng spin the bottle.
"Okay ganito yung mechanics. Alam niyo naman diba itong laro? Kaya lalagyan natin
ng twist. Alternate yung truth saka dare. Halimbawa ako truth pagkatapos yung sunod
na tatapatan ng bote ay dare. Tapos kapag hindi nagawa yung dare, ihahug niya si
crush." Paliwanag saamin nang aming presidente.
Nagsing ayunan kaming lahat. After ng ilang ikot ay biglang tumapat saakin yung
bote. Kamalas malasan naman ay dare ang napunta saakin. At yung magtatanong saakin
ay si Waki. Wah! Nakakahiya!
"Hmm, ano ba pwedeng idare sayo?" Tanong niya habang nakalagay ang kamay sa ibaba
ng kanyang baba.
Knowing Waki, malakas mangtrip to. Hayst! Huhuhu! Kawawa naman ako!
He cleared his throat. Mukhang nakaisip na to ng kabalbalan ah! Kumuha siya ng
papel at may isinulat.
"Basahin mo yan ng malakas" utos niya saakin sabay abot ng papel.
"I Love You! Can i be your girlfriend?" Basa ko rito. Nagtataka ako at the same
time ay namumula.
Naghiyawan yung mga kaklase ko. Para silang nanalo sa lotto.
"Di na torpe si Waki!"
"Ayiee! Walang Poreber!"
"WakiLia! Supportt!"
"Hell yeah baby, sayo lang ako forever" sabi niya saakin habang sinamahan ng
kindat.
"Hoi, alagaan mo yang kaibigan namin ah! Tatamaan ka saakin kapag sinaktan mo yan!"
Banta ni Jam kay Waki.
"Syempre di ko yan sasaktan. Diba babe?" Sabi niya at marahang hinigit ang aking
beywang.
"I Love You Lia"
"I Love You Too!"

You might also like