Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

___________ Petsa: ______________

Banghay Aralin sa
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

I.LAYUNIN
1. Nabibigyang kahulugan ang kontekstong entrepreneurship
2. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship”
3. Nakikilala ang sariling kakayahan na magagamit sa paghahanapbuhay

II.PAKSANG ARALIN
Ang kahalagahan ng Entrepreneurship
Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
K to 12 EPP4IE-0a-1
LAMP 1.1
Kagamitan: flow chart, manila paper, mga larawan ng nagnenegosyo

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Ipakita sa mga mag-aaral ang flow chart.
(Pahina 19 ng Patnubay ng Guro)

1. Sino ang bumibili ng produkto?


2. Sino ang naghahanap buhay? Nagtatrabaho?
3. Sino rin ang pumipili ng produkto?

1
B. Paglalahad
Ipagpalagay na may kapitbahay kang may negosyo ng mga damit. Nakikita mo na maraming bumibili ng
damit dahil mababa ang presyo nito. Ngunit, pagkalipas ng isang lingo, tumaas ang presyo ng mga damit.
1. Ano ang magiging epekto nito sa mga mamimili?
2. Ano sa palagay mo ang katangian ng may-ari ng tindahan?
3. Makatutulong kaya sa pagsulong ng kabuhayan ang ganitong uri ng may-ari ng
tindahan?
4. Ano ang masasabi mo sa pagiging entrepreneur niya? Gusto mo ba siyang tularan?

C. Pagpapalalim ng Kaalaman
Punan ang dayagram ng mga kahalagahan ng isang entrepreneur. Isulat ang sagot.

KAHALAGAHAN NG
ENTREPRENEUR

D. Paglalahat
Pangkatin ang klase sa apat. Maghanap at mag-ipon ng mga bagay sa loob ng silid-aralan na maaaring ipagbiling
isang entrepreneur. Magpakita ng mga katangian ng isang entrepreneur sa pagbebenta ng mga gamit na nalikom mula sa inyong silid
sa pamamagitan ng isang skit.

IV. Pagtataya
Isulat ang TAMA kung ang isinasaad tungkol sa entrepreneur ay wasto at MALI kung hindi.
_______ 1. Ang entrepreneur ay nakapagbibigay ng mga bagong hanapbuhay.
_______ 2. Ang entrepreneur ay hindi nangangailangan ng makabagong paraan para mapaghusay ang kanilang kasanayan.
_______ 3. Ang isang entrepreneur ay mahina ang loob.
_______ 4. Dapat binibigyan ng personal touch ng isang entrepreneur ang kanyang mga produkto.
_______ 5. Ang entrepreneur ay nangungunang pagsamahin ang mga salik ng produksiyon.

V.Takdang - Aralin
1. Ilarawan mo ang iyong sarili bilang isang taong may kasanayan sa pamamahala. Gumawa ng collage gamit ang mga
larawan ng iba’t ibang entrepreneur.
2.Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa. Sabihin sa mga mag-aaral na bilang mga entrepreneur, bigyang halaga ang
mga bagay na maaaring gamitin sa laro. Isulat sa pisara ang halimbawa. (Pahina 21 ng TG)

2
Pakitang-turo ni:

ARLENE A. PEDROCHE
EPP Teacher
Observed by:

___MAY ANN G. VALLEJO_____


Master Teacher in Charge

NATIVIDAD V. NACINO
PRINCIPAL IV

You might also like