Humss Samuel Rebyuwer Sa Malikhaing Pagsulat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

REBYUWER SA MALIKHAING PAGSULAT - Pagpapalit-saklaw – ito ay isang uri ng

pagpapalit-tawag na ang bahagi ay tumutukoy


Malikhaing akda – ay isang isinusulat upang magbigay- sa kabuuan.
aliw sa mambabasa at bigyan sila ng pag-unawa sa - Balintuna – ay nagsasalungatang pahayag na
kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan. maaaring may katotohanan.
- Pagtatambis – ito ay pariralang binubuo ng
Teknikal o Akademikong pagsulat – ay may higit na dalawang magkasalungat na salita.
estriktong estruktura sap ag-ayos ng mga ideya at ang
karaniwang layunin ay magtalakay ng paksa, magpakita Diksiyon – ay ang mga salita, parirala, o pahayag na
ng datos, at magbigay-kaalaman. pinipiling gamitin ng manunulat; mahahalagang
elemento ng panitikan dahil ginagamit ito sa
Malikhaing pagsulat – ay isang sining na hinango mula pagpapahayag ng aksiyon, paglalarawan ng lunan,
sa karanasan ng manunulat. Pumupukaw ito ng pagpapakilala ng tauhan, pagtukoy ng tema,
damdamin at isipan habang binibigyan ng iba’t-ibang paghuhudyat ang atityud, atbpa.
lente sa pagsipat sa ating sarili at sa ating.
Bahaging bumubuo sa Tula:
Makathaing pagsulat – ay malikhaing pagsasatitik ng - Taludtod – ay pangkat ng mga salita na inayos
nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan, at sa isang linya.
nadarama. - Saknong – ay binubuo ng mga taludtod.
- Sukat – ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa
Mga Motibasyon sa Pagsulat ng Malikhaing Akda: bawat taludtod.
- Pagpapahayag ng damdamin - Tugmaan – ang pagkakapareho ng tunog ng
- Prestihiyo huling pantig sa bawat dulo ng bawat linya.
- Kabuhayan
- Pagmulat at pagkilos Uri ng Saknong:
- Couplet – binubuo ng dalawang taludtod.
Imahen – ay salita at pahayag na nag-iiwan ng - Tercet – binubuo ng tatlong taludtod.
kongkreto at malinaw na larawan sa isipan ng mga - Quatrain – binubuo ng apat na taludtod.
mambabasa. - Quintet – binubuo ng limang taludtod.
- Sestet – binubuo ng anim na taludtod.
Pagbuo at Paggamit ng Imahen:
- Gawing kongkreto ang abstrak Apat na Antas ng Tugmaan:
- Paigtingin ang pandama - Karaniwan – 1. (tugmaang patinig) –
- Gumamit ng simbolo magkatulad ang mga huling patinig at tunog sa
dulo. 2. (tugmaang katinig) – magkakatulad ang
Tayutay – ginagamit upang mapanatili o mapaigting mga huling patinig at tunog.
ang bisa at maging mas marikit at makulay ang tula o - Tudlikan – ang mga salita ay hindi lamang
kuwento. dapat na magkakatulad ang mga dulong
patinig at katinig, kundi maging ang mga
Uri ng Tayutay: bigkas.
- Apostrope – kausap ng isang tao ang mga - Pantigan – pare-pareho ang bigkas at tunog sa
bagay na hindi naman karaniwang kinakausap. dulo ng mga salitang pinagtutugma.
- Personipikasyon – binibigyan dito ng - Dalisay – ang mga salitang pantugma ay hindi
katangian ng tao ang mga bagay na walang lamang dapat na magkakatulad ang mga tunog
buhay, kasama na ang mga halaman. sa dulo, bigkas, at dulong katinig at patinig,
- Pagtutulad/Pagwawangis – inihahambing kundi maging ang patinig sa penultima ng mga
ditto ang magkakaibang bagay, tao, hayop, o ito.
pangyayari gamit ang mga katagang parang,
katulad ng, tila, atbpa. Padron ng Tugmaan:
- Metapora – tiyak ang paghahambing dito at - Salitang tugma (a-b-a-b)
hindi na gumagamit ng parang, katulad ng, tila, - Sunurang tugma (a-a-b-b)
atbpa. - Inipitang tugma (a-b-b-a)
- Pagmamalabis – ginagawa nitong eksaherado
ang mga paglalarawan. Apat na Uri ng Pagbigkas sa Filipino:
- Pagpapalit-tawag – ito ang pagbibigay ng - Malumay – binibigkas ito nang dahan-dahan at
ngalan sa isang bagay gamit ang ngalan ng may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig
bagay na kaugnay nito. buhat sa hulihan.
- Malumi – kagaya rin ng malumay nginit may katulad ng sesura o saglit nah into sa bawat taludtod,
impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi, bilang ng pantig, tugmaan, atbpa.
palaging nagtatapos sa tunog patinig.
- Mabilis – binibigkas ito ng tuloy-tuloy at ang Kumbensiyon ng Malayang Taludturan
diin ay nasa huling patinig. - Taludtod at saknong
- Maragsa – kagaya rin ng mabilis ngunit may - Estruktura o balangkas
impit o pasarang tunog ito sa hulihan. - Nilalaman

Elemento ng Tula: Pormalismo – pagbasang nakatuon sa anyo ng akda.


- Tono – tumutukoy sa damdaming malilikha ng
tula depende sa kung paano pinili at ginamit Enjambment – ang paghahati ng taludtod na
ang salita; kung paano pinagsama-sama ang nagpapatuloy ang isang sintaktikong yunit mula sa
mga imahen; at kung ano ang pananaw o isang taludtod patungo sa susunod na taludtod.
saloobin ng manunulat sa paksa.
- Karikitan – ayon kay Lope K. Santos, kung ang Anyo ng Eksperimental na Tula:
sukat at tugma ang panlabas na anyo o mukha - Konseptuwal na Tula – isang bagong kilusan sa
ng tula, ang karikitan, kasama ang talinghaga, panitikan.
ang tunay na kaluluwa. - Tulang Tuluyan – ay katumbas sa Filipino ng
- Imahen – tumutukoy sa salita at pahayag na prose poem ng Ingles o poeme en prose ng
nag-iiwan ng kongkreto at malinaw na larawan Pranses. Tinatawag na hybrid.
sa isipan ng mga mambabasa. - Kongkretong Tula – may malayang taludturan
- Persona – ang nagsasalita sa tula. at walang padron ang bilang ng mga linya at
- Tema – ang pangkalahatang mensahe ng tula. saknong.
- Biswal na Tula – nalulusaw ang linyang
Tulang may Katutubong Anyo: naghahati sa teksto at sining.
- Tanaga – binubuo ito ng apat na taludtod at - Performance Poetry o Spoken Word Poetry –
ang bawat isa ay may pitong pantig. tulang itinatanghal sa harap ng awdiyens.
- Dalit – binubuo ito ng apat na taludtod at ang
bawat isa ay may walong pantig. Elemento ng Maikling Kuwento:
- Diona – binubuo ito ng tatlong taludtod na - Tauhan – ang kaniyang mga desisyon at kilos,
may tigpipitong pantig. ang karaniwang nagpapatakbo ng kuwento.
- Haiku – binubuo ng tatlong taludtod; ang - Tagpuan – sinasabing ang tao ay produkto ng
unang taludtod ay binubuo ng limang pantig, kaniyang panahon at espasyong ginagalawan.
ang ikalawa ay pitong pantig at ang ikatlo ay
limang pantig. Uri ng Tauhan:
- Pangunahing tauhan o bida
Tulang may Kanluraning Anyo: - Katunggaling Tauhan o kontrabida
- Soneto – tulang liriko na binubuo ng 14 na - Katulong na tauhan o sekondaryang tauhan
taludtod.
- Rondeau Uri ng Paglago ng Tauhan
- Villanelle - Bilugang karakter
- Sestina - Walang dimensiyong karakter
- Tiyak na karakter
Dalawang Anyo ng Soneto: - Stereotyped
- Petrarchan (Francesco Petrarch) – ay may
dalawang saknong; ang unang saknong ay may Kalagayan ng Tauhan
walong taludtod o octave (a-b-b-a)2 at ang - Dinamiko o nagbabagong tauhan
ikalawang saknong ay may anim na taludtod (c- - Estatiko o hindi nagbabagong tauhan
d-e, c-d-e o c-d-c).
- Shakesperean (William Shakespeare) – Presentasyon ng Tauhan
binubuo ng isang saknong na may 14 na - Tuwirang presentasyon
taludtod na ang tugmaan ay (a-b-a-b, c-d-c-d, - Di-tuwirang presentasyon
e-f-e-f, g-g).
Pagtalakay sa Tagpuan
Malayang taludturan – niluluwagan ang paggamit ng - Panahon at pook
patakarang estriktong estruktural na batas sa panulan - Milieu o mundong binubuo sa kuwento
- Sensibilidad
Punto de Bisita – ay isa sa mga pinakamasalimuot na Mga makukuha sa Tema:
sangkap ng maikling kuwento. - Aral o Moral – ay ang leksiyong maaaring
makuha ng mambabasa sa kuwento.
Tatlong Paraan ng Pagsasalaysay ng Punto de Bisita: - Dramatic Premise – laging may layunin sa mga
- Unang Panauhan (central narrator & aksiyon natin gaano man kasalungat ito sa
peripheral narrator) *ako* ating personalidad.
- Pangalawang Panauhan *ikaw* - Insight – Luma man ang tema ng maikling
- Pangatlong Panauhan (omniscient, limited kwentong binabalak sulatin, maaaring bago o
omniscient o objective *siya* naiiba ang sariling ideya bilang manunulat.

Istorya – ay serye ng mga pangyayaring inilalahad nang Tono – ay ang saloobin ng awtor sa paksa.
kronolohikal o ayon sa time sequence nito.
Mood – ay ang naghaharing damdamin sa mga
Banghay – ay serye rin ng mga pangyayari ngunit ang nambabasa habang binabasa ang isang eksena o ang
tuon ay sa ugnayan ng mga sanhi at bunga ng mga kuwento.
pangyayari.
Foreshadowing – ay ang sining ng maingat at
Uri ng Banghay: estratehikong paglalantad at pagbibigay ng babala.
- Tradisyonal na Banghay – karaniwang
ginagamit ang Freytag’s Pyramid; limang Dalawang bahagi ng Foreshadowing:
bahagi ng banghay: eksposisyon, umiigting na - Plant (unang bahagi) – ay ang bahaging
aksiyon, kasukdulan, pababang aksiyon, at nagbibigay ng palatandaan sa mga mambabasa
resolusyon o kongklusyon. na may mahalagang mangyayari kalaunan sa
- Linear na Banghay – o naratibo ay nagsisimula kuwento.
sa punto A at tumutungo sa punto B sa - Payoff (ikalawang bahagi) – kapag nailapat na
pamamagitan ng lohikal na progresyon ng mga ang plant siguruhing kalaunan sa kuwento ay
time-bound na pangyayari. mangyayari ang payoff.
- Modyular/Episodik – uri ng di-linear na
banghay (disjointed narrative) na maaaring Simbolo – ay salita, imahen, o pangyayaring nang-iwan
tumalon talon ang yugto ng mga pangyayari. ng iba’t-ibang pagpapakahulugan sa tagapakinig,
mambabasa o manonood.
Tunggalian – sinasabing pinakamahalagang sangkay ng
banghay. Limang Simbolo:
- Kongkreto o tipikal na simbolo – ang
Uri ng Tunggalian: pangkaraniwang ginagamit sa pagsulat.
- Panloob – (tao laban sa sarili) - Arketipo o prototipong simbolo – simbolong
- Panlabas – (tao laban sa tao, tao laban sa sumasagisag sa mga karanasan ng isang lahi o
lipunan, at tao laban sa kalikasan) particular na bansa.
- Konseptuwal na simbolo – ay ginagamit ng
Ironiya – ay isang retorikal na kasangkapan na manunulat ayon sa kanyang pag-unawa, batay
ginagamit hindi kamang sa panitikan, kundi sa sa pangangailangan ng kuwentong kaniyang
pananalita, sining, at araw-araw na buhay. isinusulat.
- Moral na simbolo – ay karaniwang bunga ng
Tatlong Uri ng Ironiya: paningin ng lipunan kung ano ang mabuti at
- Berbal – ginagamit ito kapag magpapahayag masama, tama at mali, karapat-dapat at ‘di-
ng isang bagay na ang kahulugan ay salungat sa karapat-dapat, o katanggap-tanggap o ‘di
kahulugan ibig ipahayag. katanggap-tanggap.
- Sitwasyonal – ay ang pinagkakaiba sa pagitan - Sosyolohikal na simbolo – ay naglalantad ng
ng anyo at ng katotohanan, o ng inaasahang karanasan ng mga tao sa lipunan.
pangyayari at ng aktuwal na pangyayari.
- Dramatiko – ang mga pangyayari ay batid ng Motif – ay anumang elemento, paksa, ideya, o
mga mambabasa o awdiyens ngunit hindi ng konseptong umiiral sa kabuuan ng kuwento.
tauhan.
Flashback – upang ipakita ang mga naganap bago ang
Tema – ay ang namamayaning kaisipan o pangunahing kasalukuyang pangyayari.
larawang isip na lumilitaw sa mga akda.
Flashforward o prolepsis – upang dalhin ang kuwento
sa hinaharap.

Narrative hook o literary hook – ay isang paraan upang


masigurong hindi bibitawan ng mambabasa ang iyong
kuwento.

Pamahalaangg Amerikano – sumibol ang maikling


kuwento sa Pilipinas.

Unang Maikling Kuwento:


- Pasingaw
- Dagli

Sakdalista at Aristokrata - samahang panitikan na


nangangahulugang sakdalista dahil tumututol sa
namamayaning paraan ng pagsulat ng maikling
kuwento, at aristokrata dahil lahat umano ng isinusulat
ng mga kasapi ng samahan ay maipalalagay na obra
maestra.

Deogracias A. Rosario – ang tinaguriang Ama ng


Maikling Kuwentong Tagalog.

Protest Literature – paglikha ng panitikang


pagpoprotesta noong Batas Militar.

You might also like