Professional Documents
Culture Documents
Parirala
Parirala
Parirala
Uri ng Parirala
1. Pariralang Karaniwan
Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan.
Halimbawa: Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman
2. Pariralang Pang-ukol
Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.
Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas
3. Parilalang Pawatas
Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.
Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan
4. Parirala sa Iba't Ibang Anyo ng Pandiwa
Ito ay binubuo ng pandiwa na nasa iba't ibang panauhan at layon
Halimbawa: Ang nagdurusa sa kasalanan ng lider ay ang mga mamamayan
5. Parirala sa Pangngalang Diwa
Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng
salitang ugat + layon nito.
Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap
6. Pariralang Pandiwa
Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng
pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito.
Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral
Gamit ng Parirala sa Pangungusap
1. Pariralang Pangngalan
Ang parirala ay ginagamit bilang isang pangngalan.
Halimbawa: Ang tanging pinahahalagahan ni Mayie ay "ang pagmamahalan nila ng
kanyang kasintahan."
2. Simuno
Ang parirala ang pangunahing diwa ng pangungusap.
Halimbawa: Laging tinatandaan ni Domeng ang ukol sa kanyang kinabukasan
ang mabuting mamayan ay nagbabayad ng buwis
3. Kaganapang Pansimuno
Ang parirala ay ipinapakilala ang simuno
Halimbawa: Ang tinalakay nina Feliz at Edward ay tungkol sa ikauunlad ng bayan.
4. Pamuno sa Simuno
Ang simuno at ang pariralang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
Halimbawa: Si Gail, ang pinuno ng aming klase, ay isang manunulat na.
5. Pariralang Pang-uri
Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukuhan.
6. Pariralang Pang-abay
Ang parirala ay sumasagot sa tanong na saan at kailan.
Halimbawa: Ang bata ay pupunta sa parke.
Sugnay
Ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong
dalawang uri, ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa.
b. Sugnay na Di-makapag-iisa
- mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag.
Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.
Halimbawa:
1. upang di pamugaran ng lamok.
2. nang sila ay dumating.
3. kaya pwede na akong maglaro sa labas.
Pangungusap
-ay isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa
o kaisipan. Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit
buo ang diwa.
Mga Halimbawa:
Isang salitang pangungusap – umuulan.
Isang pangkat ng mga salita – Hanggang ngayon, walang makapagsasabi kung paano
nagsimula iyon
A. Kaayusan ng Pangungusap
Kung ang panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang
ayos.
Karaniwan/ganap - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.
Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Juan.
Kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-
karaniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na
nasa di-karaniwang ayos.
Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.
Halimbawa: Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.
Leksikograpiya
Ang dibisyon ng Komisyon ng Wikang Filipino sa leksikograpiya ay may
dalawang tungkulin. Ito ay ang mga sumusunod: