Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang hapon sa inyong lahat.

Isa pong karangalan na makasama ko kayo sa araw na ito. Ako ay nagsilbi ng mahabang panahon sa ating
gobyerno. Ito marahil ang dahilan kung bakit malapit sa aking puso ang mga kawani ng gobyerno.

Alam ko ang inyong sitwasyon, dama ko ang inyong hinaing, at kinikilala ko ang inyong mga sakripisyo. Sa
kasalukuyan, binigyang-pansin ng ating pamahalaan ang mga kawani at tinitiyak na matatanggap nila ang
mga benepisyo at pagkilala na nararapat lang na matanggap nila kapalit ng kanilang walang-sawang
paglilingkod sa mamamayan at pagbibigay puri at dignidad sa serbisyo publiko.

Hindi po biro ang gawain natin sa gobyerno. Hindi rin po biro ang madalas ay hindi pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga mamamayan at ng kawani ng gobyerno.

Madalas nating marinig na kapag sinabing government employee, kadikit nito ang mga salitang tamad,
masungit, o ang mas masaklap, kurakot. Masakit pakinggan, pero nangyayari po yan, at masakit mang
sabihin, mayroong ilan sa hanay natin ang may ganyang mga katangian.

Ngunit tiwala ako, at alam kong ito ay patutunayan ninyo, na karamihan sa ating mga kawani sa gobyerno
ay masipag, maasikaso, matiyaga at may dangal.

Sinasabi ko po sa inyo ito ngayon dahil nais kong maalala ninyo na dakila kayong mga kawani ng
gobyerno. At alam ko na lahat tayo ay nagpupursigi upang maiangat ang ating bayan.

Maraming salamat sa patuloy na pgtupad ng inyong tungkulin. Magandang gabi sainyong lahat.

You might also like