Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE

Kabanata 1: Isang Salusalo

Dito isinasaad ang paghahanda ni Kapitan Tiago ng isang salusalo para sa pagdating ni
Crisostomo Ibarra galing Europa. Inimbitahan niya ang mga opisyal at mga prayle upang
magsipagdalo sa handaan. Mababasa dito ang pag uusap ni Padre Damaso at nang
nakapaisano tungkol sa pagpunta nito sa Pilipinas at sa hinanakit niya sa mga tao at sa
heneral dahil sa paglipat sa kanya sa ibang lugar.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Dito ipinakilala ni Crisostomo Ibarra ang kanyang sarili sa mga bisita. Sa kanyang
pagpapakilala, siya ay anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na nagmula sa Europa upang
mag aral.

Kabanata 3: Ang Hapunan

Mababasa dito ang pag aagawan ni Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera. Ang
pagkainis ni Padre Damaso dahil ang napunta sa kanya ay pakpak at leeg ng manok
habang si Crisostomo ay puros laman. Dito ipinakita ang kagaspangan ng ugali ni Padre
Damaso ng kutsyain niya si Crisostomo na hindi na dapat siya nagpunta ng Europa kung
iyon lamang ang kanyang natutunan at isinaad rin niya na hindi na dapat payagan ng
pamahalaan na pag aralin ang mga bata sa Europa dahil sila ay nagiging mapagmataas
lamang.

Kabanata 4: Erehe at Pilibustero

Mababasa dito ang pag uusap ni Crisostomo at Tenyente Guevarra patungkol sa totoong
nangyari sa kanyang ama. Kung paano ito nakulong sa bintang na siya ang dahilan kung
bakit namatay ang artilyero at dito naglipana ang mga lihim na kaaway ni Don Rafael na
pinagbibintangan siya ng mga bagay na hindi naman niya batid.

Kabanata 5: Isang Bituin sa Gabing Madilim

Nakaupo sa isang silya at nakamasid sa kalangitan si Crisostomo habang sinasariwa ang


mga alaala niya sa kanayng ama. Sa kanyang isip ay sinisisi niya ang kanyang sarili dahil
wala siyang nagawa upang tulungan ang kanyang ama kundi magpasarap ng buhay.
Sinabi rin ditto na inalala rin niya si Maria Clara.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago

Inilarawan dito si Kapitan Tiago at Ikinuwento ang kanyang buhay na siya ay nagpa alila
sa isang prayle upang turuan siya dahil hindi siya pinayagan ng kanyang ama na may ari
ng isang pagawaan ng asukal. Ipinakilala rin dito ang kanyang naging asawa na si Pia Alba
na taga Sanat Cruz, anim na taon na silang nagsasama ngunit hindi pa rin nagbubunga
kaya sila ay namamanata sa Obando upang handugan ng anak. Pinangalanan niya itong
Maria Clara mula sa Santa Clara.

Kapitan 7: Suyuan sa Asotea

Nag usap sila sa asotea at doon inalala ang kanilang mga nakaraan. Ang liham na ibinigay
ni Crisostomo kay Maria Clara at ang dahon ng sambong na kanialng pinaghahawakan sa
isa’t isa. Sila ay magkababata at itinakdang magpakasal sa tamang panahon.

Kabanata 8: Mga Alaala

Dito ay namasyal siya at naisip na wala pa rin itong ipinagbago kahit siya ay nawala sa
mahabang panahon. Hindi pa rin umuunlad dahil sa ito ay takot lumaban sa mga nang
aalipusta.

Kabanata 9 : Mga Bagay Bagay ukol sa Bayan

Dito mababasa ang pag uusap ng matandang pari at ni Padre Sibyla patungkol kay Ibarra
at Maria Clara. Isinaad rin niya ang pag iinitan ni Padre Damaso at ni Crisostomo.

Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego

Ang kasaysayan ng San Diego ang mababasa dito,kung paano nagsimula ang mga alamat.
Nagsimula ito sa isang mayamang kastila na si Don Pedro na bumili ng lupain sa San Diego
at kinabukasan ay nakitang nakabigti sa puno ng Balete. Ipinakilala dito si Don Saturnino
na anak ni Don Pedro at siya ang dahialn sa pagunlad ng bayan ng San Diego. Mababasa
rin kung paano nagkaroon ng isnag kastilang kura ang San Diego.

Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan

Masasabi na si Don Rafael ang pinakamayan sa buong San Diego ngunit hindi siya ang
makapangyarihan lalong hindi rin si Kapitan Tiago sapagkat sa maayos na pakikitungo ng
mga tao sa kanya ay pabulong siyang sinasabihan na sacristan. Hinid rin ang kapitan
sapagkat pwede siyang pagalitan ng alkalde mayor at pinaghirapan niyang bilhin sa
halagang limang libong piso kasama ang maraming pakiusap. Ang mga
makapangayarihan ay sina Padre Salvi at ang Aperes. Sila ay nagpapaligsahan sa taglay
nilang kapangayrihan ngunit sa kabila nito ay nagpapansinan at nagkakamayan pa rin
sila.

Kabanata 12: Araw ng mga Patay

Mababasa dito ang dalawang sepulturero na naghuhukay ng bagong libingan. Sinabi rin
niya na mas madiri ang nagyari sa kanya dahil ipinahukay sa kanya ang 20 araw na
bangkay upang ilipat sa libingan ng mga tsino ngunit hindi ito ang masaklap kundi ang
pagkahulog nito dahil sa natanggal ang pako sa ataul. Makikita si Pilosopo Tasyo na
hinahanap ang bungo ng kanyang asawa ngunit hindi niya ito Makita kaya ipinagtanong
niya ito sa isnag sepulturero, imbis na tulungan ay inalok niyang bigyan ng ibang
bungo kapalit ng pera.

Kabanata 13: Ang Unang Banta ng Sigwa

Dumating si Crisostomo kasama ang kanyang alila na matanda sa libingan ng kanyang


ama. Itinanong niya kung saan ito inilibing ngunit ang sagot ng matanda ay nilagyan niya
lang ng palatandaan dahil ang sabin ni Kapitan Tiago ay magpapagawa siya ng nitso.
Tinamnam niya ito ng adelpa,sampaga at pensamiyento. Hinanap nila ang libingan at
tinanong ang sepulturero. Ito naman ay nagsabi ng totoo na hinukay niya ang bangkay
ngunit hindi niya ito inlibing sa libingan ng mga tsino sa halip at itinapon sa lawa.
Nagdilim ang paningin ni Crisostomo lalo nang malaman ang kura ang may
kasalanan,sinigod niya si Padre Silva at ito ay nagsabi na hindi siya ang nagpahukay kundi
ang pinalitan niyang kura na si Padre Damaso.

Kabanata 14: Tasyo,Baliw o Pilosopo

Dito inilahad ang kanyang nakaraan, na siya ay dating Don at nakapag aral sa Colegio de
San Jose.Dahil sa kanyang katalinuhan ay pinapili siya kung mag aasawa o magiging
sacristan.Di pa amn natapos ang isnag taon ay siya ay nabalo at naullila,napabayaan niya
ang mga pamana ng kanayang ina kaya siya ay nagging mahirap.. Siya ay baliw sa
pananaw ng mga mahihirap at pilosopo naman sa mga mayayaman. Dito inimbitahan siya
ni G. Filipo Lino na pumanhik at nagsalaysay siya tungkol sa purgatoryo.

Kabanata 15: Ang Dalawang Sakristan

Masungit ang panahon ngunit nagtatrabaho pa rin sila Crispin at Basilio. Ditto inilahad na
pinagbintangan si Crispin na angnakaw ng ginto at hindi pagtutugtog ng kampana na
sunod sunod kaya sinabi ng sacristan mayor na hindi sila makakauwi sa ikawalo ng gabi
kundi sa ikasampu. Hinila ng sacristan mayor si Crispin sa isang silid at pinalo habang si
Basilio ay tumakas ng wala na siyang marinig na ingay galing sa silid.

You might also like