Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FILIPINO –REVIEWER

LUPANG HINIRANG
-Ang pamagat ng ating pambansang awit at hindi "Bayang Magiliw".
-Si JOSE PALMA ang sumulat sa titik nito at nilapatan ng musika ni JULIAN FELIPE.

PEDRO PATERNO
-Ay ang may-akda ng "Ninay". Ang "Ninay" ay ang kauna-unahang nobelang Panlipunan sa wikang
Kastila na sinulat ng isang Pilipino.

AMADO HERNANDEZ
-Ang mga sagisag niya sa panulat ay ang : "Amante Ernani ", "Julio Abril", at "Herminia dela Riva".

BAYBAYIN
-Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.

PAGMAMALABIS O HYPERBOLE
-Ay pag eeksaherada o pagmamalabis sa isang kalagayan at kaya nman ay naging hindi kapani-
paniwala.

Halimbawa :
"Hindi ko kaya ang mabuhay sa mundo kung mawawala ka sa piling ko."

LIWAYWAY ARCEO
-Siya ang may-akda ng kwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa".
-Ito ay tungkol sa kwento ng mga taong uhaw sa pag-ibig, at silang lahat ay maihahambing sa
tigang na lupa na nauuhaw sa patak ng ulan.

GENOVEVA MATUTE
-Siya ang may-akda ng maikling kwento na "Kwento ni Mabuti".
-Ito ay tungkol sa buhay ng isang karaniwang guro na may suliranin sa buhay ngunit ito ay hindi
naging sagabal sa kanyang tapat na paglilingkod.

KUNDIMAN
-Isang awitin tungkol sa pag-ibig.

GRACIANO LOPEZ JAENA


-Siya ang may-akda ng "Fray Botod".
-Ang akdang "Fray Botod" ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga
prayle.

HERMOGENES ILAGAN
-Siya ang may-akda ng dulang ang "Dalagang Bukid" na siyang naging batayan ng awiting pan-
Zarsuela.

INDARAPATRA AT SULAYMAN
-Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki upang
patayin ang mga halimaw sa kabilang bundok.
-Ito ay tinaguriang alamat ng Mindao.
LUALHATI BAUTISTA
-Siya ang may mga akda ng mga sumusunod, "Dekada `70" , "Gapo" , " Bulaklak ng City Jail" at
ang "Nena", at "Bata, Bata, Pano ka Ginawa".

CELSO AL CARUNUNGAN
-Siya ang may-akda ng "Satanas sa Lupa" .

JUAN ABAD SANTOS


-Siya ang may-akda ng "Tanikalang Ginto". Ito ay ang unang dulang itinanghal sa panahon ng
Amerikano.

AURELIO TOLENTINO
-Siya ang may-akda ng "Kahapon ,Ngayon at Bukas".

BODABIL
-Ito ay isang uri ng dula na pinaghalu-halong awitan,sayawan, drama at katatawan.

MARCELO H. DEL PILAR


-Siya ay si "DOLORES MANAPAT".
-Ilan pa sa mga sagisag sa panulat ni del Pilar ay ang "Plaridel", "Piping Dilat".

DAELENG
-Ay isang awit sa pista .

SAMBOTANI
-Ay isang awit sa tagumpay.

SALAGINTOK
-Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan.

ANDRES BONIFACIO
-Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na "Agap-ito Bagumbayan".
-Iba pang sagisag sa panulat niya ay "May pag-asa", "Magdiwang ".

DASALAN AT TOCSOHAN
-Ay akda ni del Pilar . Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa
dasal na ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga kasalanan ng mga prayle noon.

CAIINGAT CAYO
-Ay isang akdang isinulat ni Del Pilar na nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal. Ito ay sagot sa
Caiingat Cayo ni Padre Jose Rodriguez.

APOLINARIO MABINI
-May sagisag panulat na Paralitiko at ang tinaguriang "Utak ng Himagsikan".
-Siya ang kanang kamay ni Emilio Aguinaldo.

EMILIO JACINTO
-Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na "Dimas-ilaw".

JOSE DE JESUS
-Isang manunulat na Pilipino na may sagisag sa panulat na "Huseng Batute".
ANTONIO LUNA
-Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na "Taga-ilog".

JOSE DELA CRUZ


-Isang Pilipinong manunulat na may sagisasag panulat na "Huseng Sisiw".

LOPE K. SANTOS
-Ay isang tanyag na Pilipinong manunulat at tinaguriang "Ama ng Balarilang Tagalog."

LANGKAPAN
-Ay uri ng pangungusap ayon sa kayarian.

PONOLOHIYA
-Ay ang tawag sa pag-aaral ng mga ponema.

MORPOLOHIYA
-Ito ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika .

PAYAK
-Ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na binubuo ng isang sugnay na makakapag-iisa.

Halimbawa :
"Nasusunog ang bahay !"

HUGNAYAN
-Ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at
isang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
"Umiyak si Ana habang siya ay nagbasa ng isang sulat."
.
ESTRELLA ALFON
-Isang Cebuana na ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago
makadigma.

-Nagwagi ng mga karangalan mula sa maikling kwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca
Awards at iba pa.

A CHILD OF SORROW
-Ay isang akda ni Zoilo Galang.
-Ang kauna unahang nobelang sinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles .

JESUS BALMORI
-Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na "BATIKULING " at nahirang
Makatang Laureado.

HUDHUD
-Ay isang epiko ng mga Ifugao na tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang
bayani ng Ifugao na ang tanging bida ay si Aliguyon.
ALIM
-Ito ay isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan.
-Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.

BIAG NI LAM-ANG
-Ang tinaguriang pinakasikat a epiko ng mga Ilokano.
-Ito ay akda ni PEDRO BUKANEG.
BIDASARI
-Epiko ng mga Muslim.

AWIT
-Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at
hango sa tunay na buhay .

PASTORAL
-Ay isang tulang liriko na naglalayong ilarawan o ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.

MORO-MORO
-Ay isang tulang padula na nagpapakita ng hidwaan ng mga Kristyano at mga Di-Kristyano.

TULANG PATNIGAN
-Ay isang uri ng pagtatalong patula na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata.

TULANG PASALAYSAY
-Akdang pampanitikan na patula ito ay tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino.

DALIT
-Isang awit na pumupuri sa Diyos.

EPIKO
-Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may
pambihirang katangian.

ANEKDOTA
-Ay mga pangyayari na hango sa tunay na buhay, karanasan at kapupulutan ng aral.

PARABULA
-Isang kwento mula sa Bibliya.

PABULA
-Ay tungkol sa kwento na ang nagsisiganap ay mga hayop.

MITOLOHIYA
-Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng ibat ibang paniniwala sa mga
diyos at diyosa .

BALBAL
-Ang pinakamahabang antas ng wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa usapang kalye.

Halimbawa:
"Neneng ang pangalan ng aking ermat."
ANADIPLOSIS
-Ay isang uri ng tayutay na kung saan inuulit ang huli at unang bahagi ng isang taludtod o pahayag.

Halimbawa:
Sabihin mo na ang totoo ...

IDYOLEK
-Ay isang barayti ng wika na kung saan iba ang wika ng bawat isa dahil ang bawat tao ay may
kanya-kanyang personal na paggamit nito.

Halimbawa:
"Hindi po namin kayo tatantanan" at "Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras" ay mga tanyag na
pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon.

LALAWIGANIN O DAYALEKTO
-Ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.

Halimbawa:
"Maupay na Aga!" ng mga taga Samar.

PAGPAPALIT-SAKLAW
-Ay ang pagbanggit ng isang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.

Halimbawa:
"Apat na mga mata ang tumititig sa kanya."

PAGPAPALIT TAWAG
-Ay ang paggamit ng isang pangalan upang tukuyin ang isa pang pangalan na pinapalitan nito.

Halimbawa:
"Ang palasyo ay nag- anunsyo na walang pasok bukas".

UMBAY
-Isang awiting bayan para sa paglilibing.

SOLIRANIN
-Isang awitin bayan para sa pagaod ng bangka.

DIONA
-Isang awiting bayan para sa panliligaw.

OYAYI
-Ito ay isang awiting bayan na ginagamit sa pagpapatulog ng bata .

EPIPORA
-Ay isang uri ng tayutay na kung saan inuulit ang huling bahagi ng isang taludtod o pahayag.

Halimbawa:
Ipaglalaban kita dahil mahal kita....
TAGALOG
-Ito ang batayan ng kauna- unahang wikang pampansa dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na
ng mas nakakararaming Pilipino.

TANONG RETORIKAL
-Ay isang tanong na may pangunahing layunin na makuha ang atensyon ng mambabasa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tanong na hindi naman kailangang bigyan ng kasagutan.

Halimbawa:
"Natutulog ba ang Diyos?"

TEORYANG POOH-POOH
-Ito ay ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay nilikha bunga ng masidhing damdamin ng
tao gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

HINILAWOD
-Ito ay isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique at
Aklan.
-Ang tinuturing na pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay.

ALIBATA
-Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.
-Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na "alif-ba-ta.
-Ito ay may 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig.

KOLOKYAL
-Ay isang halimbawa ng impormal na antas ng wika na kung saan pinapaikli ang isang salita mula sa
orihinal na salita.

Halimbawa:
Meron akong nalalaman,`Di ko sasabihin sa iyo.

KARANIWAN AYOS
-Ang tawag sa isang pangungusap kung nauna ang panaguri kaysa sa simuno.

Halimbawa:
Nakatulong si Janette.

DAYALEKTO
-Ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa isang wika na sinasalita sa isang pook, rehiyon o lugar.

ANAPORA
-Ay ang pag uulit sa unang bahagi ng taludtod o pahayag.

Halimbawa:
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin,
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko,
Sa kanya lamang at wala ng iba.
DI-KARANIWAN AYOS
-Ang tawag sa pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panaguri.

Halimbawa:
Ang aking pag-ibig ay tanging sa iyo lamang.

ALEJANDRO ABADILLA
-Ang may-akda ng tulang "Ako Ang Daigdig."
-Ang tulang ito ay isang tulang malayang taludturan na umiikot sa tatlong salita : Ako, daigdig, at
tula.

OSE CORAZON DE JESUS


-Ang "Makata ng Pag-ibig", at "Hari ng Balagtasan", sa kanyang panahon.
-Tinagurian siyang "Hari ng Balagtasan" matapos manalo laban kay Florentino T. Collantes .

JOSE GARCIA VILLA


-Kilala sa paggamit ng mga matatalim na mga salita.
-Ang kanyang sagisag panulat na "DOVEGLION" ay mula sa dove , eagle at lion.

AMADO V. HERNANDEZ
-Ang may akda ng tulang "Isang Dipang Langit"
-Siya din ang tinagurian na "Makata ng Manggagawa".

LOPE K. SANTOS
-Ang nagbalangkas ng Abakada.

SEVERINO REYES
-Ama ng zarsuelang tagalog.
-nagtatag ng unang samahan sa dula, ang "Gran Compania de Zarzuela Tagala."
-Ang kanyang Zarsuelang "Walang Sugat" ay ang tinuturing na kanyang obra-maestra.

Inihanda ni : Carl C. Clark

2-1-16

You might also like