Professional Documents
Culture Documents
Module 4
Module 4
Introduksyon
Bago pa man dumating ang mga KASTILA tulad ng mga nabanggit na sa mga unang modyul,
ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga Alamat, Kwentong Bayan, epiko, awiting Bayan,
bugtong, salawikain, palaisipan at Mga bulong na nagbibigay ng kasiyahan at nagtatampok sa
kalinangan at Kultura ng ating lahi.
Ayon kay Villafuerte ang mga anyo ng Panitikang ito ay nagpapakita ng ating panlipunan at
panlahing pagkakakilanlan, bagman karaniwan sa mga akdang ito ay pasalin-salin lamang sa
mga bibig ng mga matatanda, mayrooon na silang sistema ng pagsulat ginagamit nila ang
kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng punong kahoy bilang sulatan at ang ginagamit
nilang panulat at matutukis na kahoy, bato o bakal.
Sa bahaging ito matutunghayan ang paglalahad ng mga akdang tuluyan tulad ng mga alamat,
Kwentong Bayan, Mito, Mga Kwentong kababalaghan at iba pang Mga salaysay.
Ang Alamat
Ayon kay Villafuerte may dalawang bahagi ang Panitikang sinauna. Una ang KAPANAHUNAN
NG MGA Alamat na nagsimula sa lalong kauna-unahang panahon ng ating lahi, ayon sa kayang
ma abot ng Mga mananaliksik hanggang pagkatapos ng ikalawang pandarayuhan sa kapaluan
ng Mga Malaysia pali-palibot ng taong 1300AD.Ikalaalwa ang KAPANAHUNAN NG EPIKO O
TULANG BAYAN na nagsimula sa pa libot-libot ng taong 1300AD na natapos sa panahon ng
pananakop ni legaspi noong 1565.
Ang mga alamat ay likhang isip lamang kaya di-kapani-pabiwala at kulang sa katotohanan.
Bagman may ganitong katangian, nasasalamin naman dito ang mga paniniwala ng kaugaliang
Pilipino.
Ang mga Kwentong Bayan Mga Kwento ng Bayan ay Mga salaysay na laganap sa kumunidad o
pamayanan. Nasasalamin ang mga ito ng mga pangarap, mithiin, paniniwala, kaugaliang ng
ating Mga ninuno lalo na ang ating pagiging mapamahiin.
Sa mga Kwentong nilikha ng ating mga ninuno ay naihahayag din ang sistemang pulitikal at
sosyal pati na ang uri ng pamamahala ng nga pinuno noong unang panahon, mga kautusan
ng mga namumuno na dapat sundin pati na ang kaukulang parusa sa mga lumilihis dito.
Siyempre, dahil sa hindi pa gaanoong maunlad ang sistemang pagsulat, kaya pasalin-salin
lamang sa bibig ng mga matatanda ang mga salaysay na ito.
Ayon kay Villafuerte, et al. (2000), ang mga kwentong ito ay nauukol sa pakikipagsapalaran,
pakikipagkaibigan. Kwento rin ito ng katatawanan,katatakutan. Nakakatulong ito upang
mapahalagahan natin ang kapaligiran, makilala ang ating katauhan at maiayos ang ating
pananaw sa buhay.
Ang Mito
Ang Mito ay salaysay na naglalahad ng mga kwento o pangyayaring mahiwaga at ang mga
tauhang gumaganap ay ang mga diyos at mga diyosa.
Dahil sa sadyang mapanaliksik, napaikot nila ang kanilang imahinasyon kaya madali nilang
nakuha ang paliwanag sa mga pangyayari,kababalaghan at kahiwagaang nagaganap sa paligid.
Bathala-pangunahing diyos
Halimbawa ng
Mito
Isda at Tiyanak
Pabula
Isa sa lumalaganap na tuluyang salaysay bago dumating ang mga kastila ay ang pabula.
Ang pabula ayon kina Abueg(1981), ay tuluyang salaysay hinggil sa mga hayop na binigyang ng
mga katangian ng tao at nagbibigay ng aral.
Ayon naman kay Rivera (1982) qang karaniwang pabula ay mga kwento, na hayop ang
gumaganap ngunit kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao. Madalas na ilalarawan ang
dalawang hayop na mag kaiba ang ugali at nag iwan ng aral.
Halimbawa