Professional Documents
Culture Documents
Demo Ucsp
Demo Ucsp
Department of Education
Region VI – Western Visayan
Schools Division of Escalante City
OLD POBLACION NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Old Poblacion, Escalante City, Negros Occidental
I. OBJECTIVES:
The learners demonstrate an understanding of social stratification as
CONTENT STANDARD
the ranking of individuals according to wealth, power, and prestige.
PERFORMANCE The learners shall be able to identify one’s role in social groups and
STANDARD institutions.
LEARNING Identify characteristics of the systems of stratification.
COMPETENCY (UCSP11/12HSO- IId-31)
II. CONTENT
A. Subject Matter: Social Stratification
B. Reference/s: Balena, Ederlinda D. (2016) Understanding culture, society and politics for
senior high school. Cubao, Quezon City: Educational Resources Corporation.
www.youtube.com
C. Materials Needed: laptop, slide deck presentation, projector, padlet, kahoot
D. Value Focus: Concern for Others
D. Activity The teacher group the students into Students give the standards
three (3). The teachers asks the when having a group activity
students the standards when having a like choosing a leader,
group activity and give the instruction secretary and rapporteur, and
for each group. Afterwards, the teacher working collaboratively.
gives the rubric of their activity.
Students work with their
Bodily-Kinesthetic Group. Role-play groupmates to accomplish the
the lifestyle highlighting the activity.
distinguishing characteristics of a
family where the parents are stock
holders and investors of SM
SuperMalls and Coca-Cola Bottlers
Company.
I. Evaluation Students are asked to get a 1/4 sheet of Students answer the test.
padpaper and answer the following:
Key Answers:
Directions: Identify whether the 1. A
following is a characteristic of (A) the 2. C
upper class; (B) the middle class; or 3. A
(C) the lower class. Write the letter 4. B
only. 5. C
1. The elite families who are most
prolific and successful in their
respective areas.
2. These are skilled and unskilled
craftsmen, underemployed and
indigent families.
3. Mingle with the same class.
4. They live in spacious houses usually
situated near the large cities.
5. They live in smaller houses.
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who
earned 80% in the
evaluation
B. No. of learners who
require additional
activities for remediation
who scored below 80%
C. Did the remedial
lessons work? No. of
learners who have
caught up with the
lesson
D. No. of learners who
continue to require
remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor
can help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
use/discover which I
wish to share with other
teachers?
Attachement:
_______________________________
signature over printed name
Date: __________
______________________________
signature over printed name
Date: __________
_______________________________
signature over printed name
Date: __________
Dalawa… dalawang uri ng transportasyon, kotse at motorbike, ang sa amin ay nagdala sa unang
destinasyon, ang pook ng Washington. Habang nasa daan patungo rito, ramdan ang pagkasabik ng
bawat isa. Malugod na pinagsasaluhang pag-usapan ang mga lugar na pupuntahan habang
kumakaway naman sa daan ang mga halamang nagsisilbing pagkakakilanlan ng probinsya ng Negros
Occidental - ang mga tubó. Biro… tawa.. kwento… hanggang sa natigilan ang bawat isa ng bumungad
sa bawat mata ng mga manlalakbay ang makukulay na istraktura. Narating na pala namin sa wakas
ang plaza at Brgy. Hall ng Washington sa loob ng humigit kumulang 15 minuto. Sa makabagong
desinyo nito na kinulayan ng puti, dilaw, at kayumanggi ay pumanhik kami sa kanilang Brgy. Hall. Doo’y
masaya kaming sinalubong ng isa sa mga staff ng barangay at ang mahahalagang tanong tungkol sa
pook ay agad naibulalas ng bawat isa. “Nganong Brgy. Washington man ang tawag aning Barangaya”,
agad kong naitanong. “Gipangalan ni siya in honor of George Washington, the president of United
States of America during that time”. At doon ko napagtanto na ang pangalan ng pook ang isa sa
mahahalang bakas na iniwan ng mga Amerikano ng minsan nilang sinakop ang ating mahal na bayan.
Ngunit naikwento din ng staff na bago ito pinangalang Washington, ang orihinal na pangalan ng pook
ay Bagroy. Pangingisda, at pagtratrabaho sa hacienda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito.
Tatlo… tatlong lugar ang nakatakda naming puntahan; ang Paaralang Elementarya ng
Washington, “Ang Puti nga Bato”, at ang Pulo Bantayanon. Sa paaralan, sinipat ng aming mga mata
ang sinasabing Gabaldon building ngunit nakaayos sa ibang desinyo at ang tawag nila dito ay military-
type. Pagkatapos ay napagdesisyunan na ng grupo na tumulak papuntang Sitio Pangahuyan, ang
kinaroroonan ng tanyang na Puti nga Bato at Pulo. Habang nasa daan papuntang sitio, nadaanan
namin ang isang mangingisda na naghahanda sa kanyang gagamitin na panghuli ng isda. Ito ay yari
sa nylon na kinabitan ng “tagá” o hook sa kabilang dulo. Ayon kay kuya, “Idungan ni siyag hulog sa
dagat nga may pa-on nga ibutang sa tagá aron makasukbit ug isda”. Bagong pamamaraan ng
pangigisda ang aking nalaman at patuloy kaming naglakad patungo sa tabing dagat. Doon ay
nakadaupang-palad namin ang isa namang mangingisda na nanghuhuli ng pambitag na tinatawag
nilang hipan-hipan. Hindi matatawaran ang pasensya ni kuya habang naghuhukay sa buhanginan
upang mahuli ang nasabing hipan-hipan. Tuloy ang paghakbang; lakad-takbo ngunit maingat upang
marating ang nasabing Puti nga Bato. At hindi naglaon ay narating ito, nakahugis arko, nakausli sa
dalampasigan at nagsisilbing boundary ng Sitio Pangahuyan at Sitio Puting Bato. Katapat lamang nito
ang nakatagong paraiso na pinangalanang Pulo Bantayanon. Maari itong marating sa pamamagitan
ng paglalakad kung mababaw ang tubig-dagat at kailangan naman ng bangka kung mataas. At dahil
wala kaming masasakyang bangka sa panahong iyon at mataas ang tubig-dagat ay tinanaw na lang
namin ito sa malayo. Ngunit mababanag pa rin ang ganda ng isla.
Apat… apat na minuto bago mag-alas dyes ng umaga ay tumulak na kami sa ibayong pook, ang
Alímango. Ang pangalan nito’y nagpapahiwatig ng kasaganaan ng yamang-dagat na alimángo sa
nasabing komunidad. “Ingon nila, sauna kay musaka ra gani sa kabalayan ang alimángo sa kadaghan
maong dili na kinahanglan manakop pa sa katunggan,” masayang kwento ni Kagawad Akó. Sa
paggawaan ng asin at “punong” o fish pond naman ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito.
Hindi kinaligtaang puntahan ng aming pangkat ang paggawaan ng asin at namangha habang
ipinapaliwanag kung paano ito ginagawa. Hindi rin namin kinaligtaang puntahan ang bagong tayóng
tourist attraction ng pook, ang Marino del Norte Resort and Hotel. Isang multi-million at world class na
resort at hotel na pag-aari ng lokal ng pook na si Ginoong Edgar Mellama.
Lima.. limang destinasyon pa ang sa ami’y naghihintay kaya agad na kaming dumiretso sa
kasunod na pook, ang Old Poblacion, ang minsang naging sentro ng sibilisasyon ng Bayan ng
Escalante. Una naming pinuntahan ang Walong-Dekadang Bahay ng mga Niñal na yari sa “pagatpat”
at “lawaan”. Namangha kami sa mga lumang gamit na makikita sa loob dito kagaya ng telebisyon,
piyano, at plaka. Ngunit pinangangambahan na ng pamilya na maaring sa mga darating na taon ay
tuluyan ng gumuho ang bahay dahil na rin sa kalumaan nito. Amin ding dinayo ang dalawang port ng
Old Poblacion, ang Danao port at Barcelona port na nagsisilbing daungan ng mga barko mula
Tabuelan, Cebu at nagsisilbing tulay ng komersyo sa pagitan ng Negros Island at Cebu Island.
Anim… anim na beses ko na yatang napuntahan ang susunod na destinasyon pero hindi ko
inakala na may bago pa pala akong matutuklasan sa napakatanyag na Jomabo Island Resort. Bukod
sa maganda nitong anyo ay may nakakubli din pala itong magandang kasaysayan. Ang pangalan na
Jomabo ay nagmula sa pangalan ng may-ari na si Jose G. Montalbo. Ngunit bago pa ito nabili ng mga
Montalbo ay tinawag itong Bag-ong Banwa na pagmamay-ari pa ng mga Barredo noon. At may
nakakatawang kwento din sila kung paano napunta ang isla sa mga Barredo, “Gibaylu-an ra nig sangot
sir para mailaha”. Totoo man o hindi, ito ay mananatiling bahagi na ng kwento ng nakaraan ng nasabing
isla. May nagaganap din pala na fluvial parade dito tuwing ika-30 ng Hunyo bilang pagbibigay pugay
sa santong sina Pablo at Pedro. Mula Old Poblacion ay sumasakay ang mga deboto sa mga bangkang
de motor sakay ang dalawang imahe ng santo patungong Jomabo Island. Pagkatapos ay inililibot nila
sa isla ang imahe ng mga santo sapagkat sinasabing nakatayo sa mismong isla na ito ang kanilang
orihinal na kapilya.
Pito… pito silang naiwan sa isla, at anim kaming naunang bumalik sa Old Poblacion. Habang
nasa bangka, unti-unti naming naramdaman ang pagiging hindi kalmado ng dagat dahil sa malalakas
na hampas ng alon sa aming sinasakyang bangka. Ngunit mababanaag sa mga mukha ng bantay-
dagat, ang nagdadala ng bangka, ang pagiging kalmado kaya naging panatag na din ang loob ko.
Pagdating sa Cabli Beach Resort, ang isa ring tanyag na beach sa Escalante, ay dumiretso na kami
sa merkado ng pook.
Walo… walong hakbang na lang ay mararating na namin ang nilulutong pan bisaya na
pinangangasiwaan ng pamilya Dayday. Ito ay tinapay na may palamang “kinudkod” na niyog na may
“nilatik” na asukal. Ayon kay Aling Vicky, dalampu’t pitong taon niya na itong ginagawa at sa trabahong
ito niya napagtapos ang kanyang apat na anak, dalawang Criminology at Business Administration
graduates. “Sa ako jud ni nakong mama naantiguhan. Taga-Toboso to siya maong siguro digto jud ni
gikan ang ideya sa pagluto ani” dagdag ni Aling Vicky. Sapagkat ang tinapay ay ginagawa sa
improvised na hurno, dalawang malalaking lata ng matika at pinaiinit ng sinigaang balat ng niyog o
coconut husks.
Siyam… siyam na araw bago ang ikaapat ng Oktubre ay nagnonovena ang mga tao ng pook
bilang pagdiriwang sa kapistahan ni San Fransciso ng Assisi. Dalawang mahahalangang simbahan sa
harap ng merkado and makikita, ang Church Ruins at St. Francis of Assisi Parish na agad naming
pinuntahan matapos makipag-usap kay Aling Vicky. Pinaniniwalaang naitatag ang simbahan noong
taong 1860 sa tulong ng mga misyonaryo ng Order of Augustinian Recollect. Ang orihinal na bahay
sambahan ay yari sa coral stones na nagpapahiwatig ng pagpupursigi ng mga mananampalataya na
makakulekta ng mga ito upang maitatag ang simbahan.
Nakakapagod pero may ngiti sa labi ang bawat isa dahil sa magaganda at hindi matatawarang
kultura na aming nasilayan sa lugar kung saan halos ang lahat ay namulat. At dahil din sa paglalakbay
na ito ay mas nagkaroon ang lahat ng mas malalalim na pagkakakilanlan bilang mga Escalantahon.
Kwentong nagsimula sa isa at natapos man sa sampu, ang mga ala-alay mananatili naman sa aming
mga puso.