Nawasak Na Pangarap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Wasak na Pangarap

Eksena 1
Tagapagsalaysay: May iba’t-ibang kaganapan ang bawat tao na hindi natin inaasahan. Sadyang meron
talagang dadating na pagsubok na susubukin tayo. Gayun paman, sa mga panahong ito, sino-sino kaya
ang masasandalan mo? Meron ka pa bang matatakbuhan o wala na? Sa kabila ng karanasan ni Thraia ay
nasubok talaga ang katatagan ng loob niya. Ngunit ating tunghayan kung siya ba ay nagpadaloy ng
kanyang problema o lumaban ba siya sa buhay. Si Thraia ay isang taong nangangarap para maiahon niya
ang kanyang pamilya sa kahirapan. Siya ang bunso sa magkakapatid at ang responsible sa pamilya dahil
ang kanyang nakatatandang kapatid ay may sakit at ang kanyang nanay nalang ang bumubuhay sa
kanila. Ngunit itong nanay niya ay hindi ka aya-aya dahil nga sa pagkamatay ng kanyang tatay na isinisi
kay Thraia. Kahit ganun paman nagpapasalamat parin siya na meron siyang matalik na kaibigan na
gumagabay at masasandalan niya. Ngunit hanggang kailan kaya ito mananatili. Makakamit kaya niya ang
kaunlaran at pagkaayos sa kanyang ina? Meron bang darating na maaaring makatutulong sa kanya o
lalong masisira ang kanyang buhay dahil sa presensya nito?

*Sa paaralan

Thraia: Eury, paano na tu kailangan ko na talaga ng pera para mabayaran ko na ang enrollment form ko.

Eury: Eh ito lang meron ako eh, kulang na kulang pa tu.

Thraia: Hayst, kung pwede lang sana makapag advance ng sahod sa aking trabaho.

Eury: Humingi ka nalang kasi sa nanay mo

Thraia: Alam mo naman yun e at ayaw ko din magpapabigat ako sa kanya.

Eury: Paano na pag aaral mo niyan

Thraia: Di bale na Eury, makakahanap rin ako ng paraan. Makakapag tapos rin ako.

Eksena 2
Tagapagsalaysay:Sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakilala si Thraia na maaaring makatulong sa
kanya. Sa unang pagkakataon hindi maayos ang kanilang pagkikita. Inis na inis si Thea. Paano ba naman
kasi yung mga requirements sa scholarship na pinag aapplyan niya ay nabasa lang ng isang maiinom na
hawak ng lalaki dahil hindi ito tumitingin sa dinadaanan at nabunggo niya ang mesa kung saan nakalagay
ang mga requirements.

*sa canteen

Thraia: Ano ka ba naman, mag ingat ka naman. Alam mo bang importante iyang nabasa mo. Grabe,
sisirain mo naman yung pangarap ko eh.

Ethan: Pasensya na miss, di ko naman sinasadya eh.


Thraia: Oo nga hindi, pero alam mo ba itong nabasa mo? Nagpakahirap akong kunin tu tapos ito lang
gagawin mo.

Ethan: Di bali miss, gagawan ko yan ng paraan.

Thraia: Dapat lang.

Eury: Anong nangyari dito? *natigilan pagka kita niya sa lalaki

Thraia: Hayst, Eury pano nato.

Eury: Hala saying pinaghirapan mo yan.

Ethan: Ako na bahala niyan at pasensya na sa abala.

Eksena 3
Tagapagsalaysay:Hindi makapaniwala si Eury na nakita niya ang kanyang kasintahan nuon na hanggang
ngayon mahal niya pa rin. Walang ka alam alam si Thraia. Hanggang sa sumunod na araw, nagawan nga
ng paraan ng lalaki. Hindi makapaniwala si Thraia na fully paid na ang tuition niya sa paaralan na iyon.
Lubos na nagpapasalamat si Thraia.

Thraia: Grabe Eury, hinigitan pa nya ang bawi niya sa nabasa niyang scholarship form ko.

Eury: Oo nga.

Thraia: Saan ko kaya siya makikita para na din makapagsalamat ako sa kanya ng personal.

Eury: Hayaan mo nalang. Kasalanan naman niya eh. Nararapat lang na gawin niya yan sa iyo.

Thraia: Kahit na. Kung magkikita kami magpapasalamat talaga ako.

Eksena 4
Tagapagsalaysay: Sa may bandang silid-aklatan nakita ni Thraia si Eury at yung lalaki na nag uusap.
Parang may hindi siya alam sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit ibiniwala nalang niya ito dahil baka
wala lang yung iniisip niya. Mas nangingibabaw ang tiwala niya sa kanyang kaibigan. Umuwi nalang siya
pagkatapos ng klase nila dahil wala rin siyang pasok sa trabaho ngayon.

Nanay: Thraia, ewan ko nalang talaga ha pero wala na tayong pambabayad ng kuryente tapos meron
pang mga pangangailangan yang kapatid mo.

Thraia: Pasensya ka na nay, wala talaga akong maibibigay ngayon eh naibayad ko kasi mga kailangang
bayaran sa paaralan.

Nanay: Bakit ba kasi nag aaral ka pa na pwede ka naman mag trabaho na. Makakatulong ka pa samin.
Kung buhay lang sana tatay mo.

Thraia: Di bale po nay mababayaran rin po natin yan.


Nanay: Aba dapat lang Thraia. Baka nakakalimutan mo, kung di dahil sayo maayos sana buhay natin
ngayon.

Thraia: Di ko nakakalimutan yun nay wag kang mag alala hanggang ngayon sinisisi ko parin sarili ko.

Eksena 5
Tagapagsalaysay: Hindi niya maatim ang trato ng nanay niya sa kanilang bahay kaya umalis muna siya at
inilibang niya ang kanyang sarili sa may parke. Gusto niyang mapag isa at ibuhos ang sama ng loob.
Hanggang sa dumating ang lalaki na tumulong sa kanya.

Ethan: Hindi maganda sa magandang babae yung umiiyak.

Thraia: Hmmm. Salamat nga pala sa tulong mo.

Ethan: Walang anuman. Gabi na ah, bakit mag isa ka lang dito?

Thraia: Wala. Nagpapahangin lang.

Ethan: Sige na ibuhos mo lang yan. Handa akong making.

Thraia: Wala akong kwenta eh. Dahil sa akin na wala tatay ko. Dahil sa akin nagkasakit kapatid ko. Dahil
sa akin hindi maayos buhay namin. Hirap na hirap na ako sa buhay. Parang gusto ko nalang mawala ng
parang bula.

Ethan: Wag ka ngang ganyan. Pagsubok lang yan.

Thraia: Pagod na ko.

Ethan: Alam ko malalampasan mo din yan. Lumaban ka pa.

Thraia: Salamat. Ano nga pala pangalan mo?

Ethan: Ethan Mercadejas.

Thraia: Ahh parang pamilyar yung apelyedo mo. Thraia Fuentebella pala.

Ethan: Alam ko.

Eksena 6
Tagapagsalaysay: Sa mga panahong iyon, Malaki ang tulong ni Ethan kay Thraia. Isa siya sa naging
sandigan niya sa buhay. Naging magkalapit sila sa isa’t-isa. Nalaman naman ito ni Eury na may kakaiba sa
kanila.

Eury: Napaghahalataan ko na ha. Parang may kakaiba.

Thraia: Ano k aba, kaibigan ko lang yung si Ethan.

Eury: Okay, sabi mo eh.


Thraia: Pero alam mob a eury, ang bait niya.

Eury: Alam ko.

Thraia: Ha? Ano sabi mo? Magkakilala ba kayo?

Eury: Hindi no

Thraia: Ah. Eury kunting tiis nalang maiaahon ko na pamilya ko sa kahirapan. Iyan muna ang bibigyan ko
ng atensyon. Dapat makabawi at mapatawad na ako ni mama.

Eury: Wag kang mag alala. Makakatapos ka rin.

Eksena 7
Tagapagsalaysay: Hindi masabisabi ni Eury na si Ethan yung tinutukoy niyang kasintahan niya nuon. Si
Ethan yung lalaking nasaktan niya nuon dahil nagloko siya. Pero pinagsisihan niya iyon. Mahal parin ni
Eury si Ethan hanggang ngayon pero hindi na siya matatanggap pa ni Ethan. Hindi kayang sabihin ni Eury
kay Thraia dahil nahihiya siya at isa pa meron na siyang kutob sa kanila, ayaw din naman niyang
masaktan kaibigan niya dahil nagsinungaling siya. Kaya ng malaman ni Eury na may kakaiba sa kanila ni
Thraia, gumawa ng paraan si Eury para makuha niya si Ethan muli.

Eury: Ethan, ano bang meron sa inyo ni Thraia?

Ethan: Ano ba pakialam mo?

Eury: Nagtatanong lang parang wala naman tayong pinagsamahan.

Ethan: Wag muna isipin yun Eury. Nakaraan nay un.

Eury: Kahit nakaraan yun Ethan may nararamdaman parin ako sayo.

Ethan: Wala na akong paki sa nararamdaman mo kaya tumigil kana.

Eury: Kung di man tayo magkakabalikan sisiguraduhin ko ring hindi kayo magkakatuluyan ni Eury.

Ethan: Nahihibang ka na ba?

Eury: Tandaan mo yan Ethan. Matagal kitang hinanap. Hindi ko hahayaan na mapupunta ka lang sa iba
at lalong lalo na hindi ako makakapayag na mapunta ka sa kaibigan ko.

Eksena 8
Tagapagsalaysay: Masakit sa kalooban ni Eury na wala na talagang nararamdaman si Ethan sa kanya at
lalong nagalit siya dahil sa kaibigan niya pa siya nagkagusto. Habang si Thraia walang kaalam-alam.
Patuloy parin siyang nagpupursigi sa buhay. Hindi niya maikakaila na malaki talaga ang tulong ni Ethan
sa kanya. Pinapagaan nito ang buhay ni Thraia. Unti-unti ng nahuhulog ang loob ni Thraia kang Ethan.
Habang nagkakasundo sila ni Ethan lumalayo naman si Eury sa kanya.

Thraia: Hindi ko maintindihan tung si Eury, parang di na niya ako kilala. Iniiwasan niya ako.
Ethan: Thraia, may sasabihin ako sayo.

Thraia: Ano yun?

Ethan: Mukha kasing wala kang alam. Kasintahan ako ni Eury nuon.

Thraia: Ano? Ikaw ba yung tinutukoy niyang minahal niya pero nagkamali siya kaya nagkahiwalay kayo?

Ethan: Oo, ako yun.

Thraia: Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Ethan: Hindi ko rin alam eh.

Eksena 9
Tagapagsalaysay: Gulong-gulo si Thraia. Hindi niya alam anong gagawin niya. Mahal na niya si Ethan
ngunit mahal niya rin kaibigan niya. Pero hindi niya maiwasang magalit dahil wala man lang sinabi si Eury
at galit siya sa sarili niya bakit hindi man lang niya inalam muna.

Thraia: Eury, mag usap tayo.

Eury: Ano pag-uusapan natin?

Thraia: Bakit di mo sinabi? Makakatulong pa sana ako.

Eury: Huli na Thraia. Inangkin muna eh. Atsaka ikaw ang hindi nagsabi sa inyong dalawa. Kung sinabi
mulang sana edi alam muna ngayon nga siya yung lalaking tinutukoy ko. Kaya ka rin siguro kumakapit
dahil isa siyang stock holder sa isang kompanya. Hindi ba?

Thraia: Eury hindi ko alam yan. Ang alam ko nag aaral pa lang siya.

Eury: Kung hindi mo alam iyon,siguro naman alam mo na isa siyang kilalang engineer sa larangan ng
kanyang field.

Thraia: Hindi ko alam yan lahat. Ang alam ko lang isa siyang simpleng tao na nangangarap din. Pasensya
kana sa lahat Eury.

Eury: Wala na Thraia. Hindi na niya ako matatanggap muli dahil sayo. DAHIL SAYO.

Thraia: Ako magpapalaya.

Eury: Dapat lang Thraia, kung hindi rin naman kami magkakatuluyan sisiguraduhin kung hindi rin kayo.

Thraia: Eury, kahit pagkakaibigan lang natin maibabalik ko. Pasensya sa mga pnahong nawalan ako ng
oras dahil nalibang ako kay Ethan.

Eury: Wala na Thraia.


Eksena 10
Tagapagsalaysay: Dahil lang dun nagkasiraan silang dalawang magkakaibigan. Naging miserable ang
buhay ni Thraia dahil duon. At lalong hindi siya maka focus sa pag aaral dahil sa mga problema niya.
Problema sa kaibigan, sa pamilya, sa paaralan at sa iba pa. Hindi maatim ni Thraia na magkatuluyan sila
ni Etha dahil kasintahan ito ng matalik na kaibigan nuon ngunit mahal na niya ito.

Ethan: Thraia, mahal na kita. At alam kung mahal mo rin ako.

Thraia: Bakit di mo sinabi na hindi ka pala simpleng tao. Bakit nagpanggap ka pa na ka uri ko ha?

Ethan: Ayaw ko kasi na mahalin mo ako dahil sa meron ako, gusto ko mahalin mo ako kung sino ako
Thraia.

Thraia: Tigil mo na iyan Ethan. May pangarap ako at alam kung magiging sagabal ka lang.

Ethan: Sinasabi mulang yan dahil may sinabi si Eury sayo. Wag ka naman magpadala sa kanya Thraia.

Thraia: Please. Bumalik ka nalang sa kanya. Pangarap ko kaligayahan ng mga taong mahal ko.

Ethan: Pano kaligayahan ko? Kaligayahan mo?

Thraia: Tama na Ethan.

Eksena 11
Tagapagsalaysay: Hindi lubos masabi ni Thraia kung gaano niya gusto na sa piling ni Ethan dahil alam
niyang hadlang siya sa mga plano niya sa buhay at sa pamilya niya. Pipiliin at pipiliin parin ni Thraia ang
pamilya niya. Ang hindi niya alam, masagana na ang buhay niya kay Ethan dahil merong inilaang pera sa
bank account ni Thraia si Ethan. Sinadya ni Ethan ito upang makamit niya ang pangarap na ninanais ni
Thraia na makapagtapos at makamit ang masaganang buhay. Nabalitaan nalang niya ito ng sinabi ito sa
kanyang Nanay.

Nanay: Ang bait naman pala nung manliligaw mo. Akalain mo ba namang “secured” na ang iyang
kinabukasan.

Thraia: Ano pinagsasabi mo dyan nay?

Nanay: Ano ka ba naman. Ang laki kaya ng pera mo sa iyong bank account.

Thraia: Ano?

Nanay: Parang di mo naman alam.

Thraia: *tinawagan si Ethan

*sinagot ni Eury

Eury: Thraia pumunta ka sa hospital ngayon na.

Thraia: Ano nangyari kay Ethan?


Eury: Nabaril siya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabaril si Ethan. Hindi lubos makapaniwala si Thraia sa kaganapang
iyon.

*sa hospital

Thraia: Ethan, hoy gumising ka. ETHAAAN di na ako natutuwa. Ethan

Eury: Thraia? Patawarin mo ko.

Thraia: Ano ginawa mo? Akala ko ba mahal mo siya? Ha?

Eury: Makinig ka muna. Hindi ko inaasahan na babarilin pala siya ni Luke na mangliligaw ko. Alam niya
ano nangyari sa amin dalawa ni Ethan. Wala akong kaalam-alam na maygalit na pala siya kay Ethan dahil
sa mga sinabi ko. Di ko talaga alam Thraia.

Thraia: Ethan? Please.

Eksena 12
Tagapagsalaysay: Sadyang kawasakan ang nadarama ni Thraia sa panahong iyon. May mga tao talagang
magiging instrument mo sa pagkamit ng iyong mga pangarap sa buhay pero di mo mamamalayan mas
higit pa ang halaga ng presensya niya sa lahat ng bagay. Nadurog si Thraia sa mga kaganapan niya sa
buhay. Makakaahon pa kaya siya? Kung ang mismong taong nagbigay ng lakas sa kanya para lumaban ay
nawala na.

*Burol

Thraia: Ethan ang tanga ko. Hindi man lang ako nakapagsalamat sa lahat ng bagay na nagawa mo sa
akin. Noong sinabi kung pangarap ko kaligayahan ng mga mahal ko, hindi ko man lang nasabi na kasali ka
sa pangarap na yun. Binigyan mo buhay pangarap ko sa pamilya ko pero nawasak pangarap ko para sa
kaligayahan nating dalawa.

Group 2 (DULA)
Manunulat (writer): Cherry Mae Duron

Contributor: Gleisel Amemita, Fatima Daguman Richard Enriquiz

You might also like