Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

St.

John Academy of Visual and Performing Arts


229 Mabini Ave., Poblacion 2, Tanauan City, Batangas
(043) 741-1980 / st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Fb page: St. John Academy of Visual and Performing Arts – premiere account
Petsa: UNANG BUWANANG PAGSUSULIT / SY 2019-2020 Seat No.
Qtr/Sem: 1st FILIPINO 7 Iskor: /50
Equiv.%
Pangalan:
Baitang: 7 Seksyon: ABUEVA Guro: LESLIE ANNE L. PACIA

PANGUNAHING PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Iwasan ang
pagbubura. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lapis.

I. MULTIPLE CHOICE
A. Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng kathang-isip na kung saan mga hayop ang gumaganap na mga tauhan.
a. Parabula b. Epiko c. Pabula d. Alamat
2. Sa anong bansa umusbong ang pabula?
a. Pilipinas b. Indonesia c. Singapore d. India
3. Sino ang tinaguriang Ama ng Sinaunang Pabula?
a. Aesop b. Socrates c. Kasyapa d. Jean de la Fontaine
4. Sino ang itinuturing na dakilang tao sa panahon ng sinaunang Hindu?
a. Romulus b. Kasyapa c. Socrates d. tradisyunal
5. Sa paglipas nang humigit kumulang _____ na taon nagpatuloy ang paglaganap ng pabula sa
iba’t-ibang bansa.
a. 600 b. 800 c. 700 d. 900
6. Bakit hayop ang ginamit na tauhan sa pabula?
a. Dahil maraming mga hayop noong sinaunang panahon.
b. Dahil mahilig si Aesop sa mga hayop.
c. Dahil si Aesop ay isang hamak na alipin lamang kung kaya’t wala siyang karapatang
mamuna.
d. Dahil may galit si Aesop sa mga hayop.
7. Nang magsimula ng magsulat ng pabula ng si Aesop, ano ang naging paksa niya?
a. Buhay at kalikasan c. mga hayop
b. Moralidad d. pag-ibig
8. Sino ang nagpalaganap ng pabula sa Cheriton?
a. Odon b. Ambrose Bierce c. Phalacrus d. Jean de La Fontaine
9. Ito ay tumutukoy sa panahon at pook kung saan naganap ang pangyayari sa kwento.
a. tunggalian b. tagpuan c. panahon d. banghay
10. Ito ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari.
a.tagpuan b. panahon c. banghay d. tunggalian
II. Basahin Mo!
B. PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na kwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

“Ang Manok at ang Bayawak”

Maaga pa nang pumunta si Aling Martang Manok sa sapa upang manguha ng usbong ng
kangkong.
Maayos siyang nangunguha ng mga usbong nang biglang lumabas si Bokyong Bayawak,
mabilis siyang nakatakbo at laking tuwa niya na nakaligtas siya. Hingal na hingal at putlang-
putlang pa rin sa takot si Aling Martang Manok nang dumating sa kanilang bahay.
“Bakit po tila takot na takot kayo?” ang takang-takang tanong ni Sisong Sisiw sa ina.
“Aba, muntik na akong mapahamak kay Bokyong Bayawak at mabuti na lamang, mabilis
akong nakatakbo.” ang sagot ni Aling Martang Manok.
Noon nalaman ni Sisong Sisiw na hindi lamang sina Luciong Lawin at Minong Manunggak
ang kinatatakutan ng kaniyang ina, kasama na rin si Bokyong Bayawak.
Ayon kay Toniong Tandang na kaibigan ni Sisong Sisiw, na siya man ay takot kay
Bokyong Bayawak sapagkat siya ang nakapatay sa kaniyang kapatid.
Isang hapon, muling nagpunta si Aling Martang Manok at ang kaniyang mga anak sa
sapa. Malayo sila sa dating pinagkakitaan ni Aling Martang Manok kay Bokyong Bayawak.
Habang nag-aagawan ang mga sisiw sa maraming pagkaing kanilang natagpuan, biglang may
kumaluskos sa isang puno na katabi lamang ni Aling Martang Manok. Hindi siya pinanghinaan ng
loob at hindi tumakbo. Tama siya, si Bokyong Bayawak na naman.
Buong tapang niyang pinagpupulok sa mukha si Bokyong Bayawak na ikinatakot nito at
tuluyang tumakbo papalayo kay Aling Martang Manok.
Nang makauwi na sila sa bahay.
Tuwang-tuwa namang ibinalita ni Sisong Sisiw kay Toniong Tandang ang nangyari. Kaya’t
buong pagmamalaki niyang sinabi na, “Lahat pala ay gagawin ni ina para sa amin at kahit
kapahamakan, kaniyang haharapin.”

11. Batay sa ikinilos ni Aling Martang Manok na lumaban kay Bokyong Bayawak, tama ba ang
kanyang ginawa?
a. Tama, para mapatunayan niya na mas malakas siya kaysa kay Bokyong Bayawak.
b. Tama, dahil handa niyang gagawin ang lahat huwag lang mapahamak ang kanyang anak.
c. Mali, dahil pwede niyang ikasawi ang paglaban kay Bokyong Bayawak
d. Mali, dahil maari naman na tumakas na lamang sila ng kanyang anak.
12. Kung ikaw si Aling Marta, paano mo ipagtatanggol ang iyong anak?
a. Tatakbo at magtatago na lamang
b. Gagawin ang lahat upang hindi makita ng anak
c. Palalayuin ang anak at mag-isang lalaban kay Bokyong Bayawak
d. Handang itaya ang buhay para sa kaligtasan ng anak
13. Tama ba na ipagmalaki ni Sisong Sisiw ang kanyang ina?
a. Tama dahil napatunayan niya na handang lumaban ng patayan ang kanyang ina para sa
kanya.
b. Tama dahil malakas at matapang ang kanyang ina
c. Hindi, dahil baka dumami pa ang sumugod na Bayawak sa kanila
d. Hindi dahil nakakahiya na malaman ng iba na nakikipag-away ang kanyang ina
14. Kung ikaw si Toniong Tandang, paano mo aalisin ang takot kina Luciong Lawin, Minong
Manunggak kay Bokyong Bayawak?
a. Hindi na ako lalabas ng aming tahanan.
b. Lagi akong magdadala ng sandata para may pananggalang
c. Lilipat na ng tirahan na malayo kina Luciong Lawin, Minong Manunggak ay Bokyong
Bayawak
d. Palalakasin ko ang aking sarili at sisikapin kong magkaroon ng lakas ng loob upang
maging handa ako kung sakaling mapahamak.
15. Paano hinarap ni Aling Marta si Bokyong Bayawak?
a. Pinalaban niya si Sisong Sisiw
b. Hinarap niya ito ng may takot sa dibdib.
c. Hinarap ng buong tapang at buong lakas si Bokyong Bayawak
d. Pinagtulungan nila ni Sisong Sisiw si Bokyong Bayawak.
16. Kung ikaw si Aling Marta, ano ang pahahalagahan mo?
a. Ang pahahalagahan ko ay ang aking buhay.
b. Ang pahahalagahan ko ay ang makatakas agad sa kapahamakan.
c. Ang pahahalagahan ko ay ang matiyak na ligtas ang aking anak sa anumang paraan.
d. Ang pahahalagahan ko ay ang aking pangalan na makilala sa aking katapangan na kaya
kong harapin ang lahat ng kaaway.

(Bilang 17-21)

“Ang Mag-inang Gamugamo ”

Isang gabi, tinawag ng inang gamugamo ang kanyang anak. “Anak, makinig kang
mabuti. Wala na tayong pagkain. Aalis ako sandali. Kailangan kong lumabas para manghuli ng
kulisap. Huwag na huwag kang lalapit sa ilawang iyon ,ha?” ani ng Inang Gamugamo.” Opo,
Inay. Dito lang po ako maglalaro.” tugon ng anak.
Patuloy na naglaro ang batang gamugamo. Walang anu-ano, napatingin ito sa ilawan.
“Ang ganda ng apoy ng ilawan! Parang masarap hipuin. Kaya lang laging sinasabi ni Inang
Gamugamo na huwag akong lalapit sa ilawang iyon. Mainit daw iyon at tiyak na ako’y
mapapaso. Pero gusto kong makita sa malapit ang apoy kahit hindi ko mahipo.” wika ng anak.
Sinunod ng batang gamugamo ang kanyang gusto. Nakalimutan nito ang bilin ng
kanyang nanay. “Hayan malapit na ako sa ilawan. Kaya lang gusto kong subukang hipuin ang
apoy. Makalipad pa nang kaunti malapit sa ilawan. Kaya ganda ng apoy. Kay sarap lumipad sa
apoy. Hipuin ko nga. Aray! Ang init! Ang pakpak ko, nasusunog. Hindi na ako makalipad. Inay!
Inay! Tulungan ninyo ako.

17. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


a. Mag-inang paruparo. c. Mag-inang lampara
b. Mag-inang gamugamo d. Kulisap
18. Saan nagpunta ang nanay na gamugamo?
a. Sa loob ng silid c. Sa bubong
b. Sa gilid ng ilawan d. Sa labas ng bahay
19. Saan gustong lumapit ng anak na gamugamo?
a. Sa apoy ng ilawan c. Sa apoy ng posporo
b. Sa apoy ng kalan d. Sa kanyang kalaro
20. Bakit iniwan ng inang gamugamo ang kanyang anak?
a. Upang sunduin ang kalaro ng kanyang anak.
b. Upang manguha ng mga dahon.
c. Upang makalanghap ng sariwang hangin.
d. Upang humanap ng makakain.
21. Ano ang nangyari sa batang gamugamo sa pagtatapos ng kwento?
a. Napagalitan ng kanyang ina. c. Naglaro sa apoy
b. Natakot sa apoy d. Nasunog ang pakpak.
22. Ano ang aral sa kwento.
a. Sundin ang sarili.
b. Makinig sa payo ng magulang
c. Maging mabait
d. Huwag magpapasilaw sa mga bagay na maganda sa paningin.
(Bilang 23-27)

“Ang Matalinong Matsing at ang Buwaya”

Si Malak, ang matsing at si Buwag ang buwaya ay magkaibigan. Isang araw, ang asawa
ni Buwag ay nagkasakit. Lungkot na lungkot si Buwag sa kalagayan ng kaniyang asawa. Lahat
ng manggagamot sa asawa niya ay nagsabing ang makapagpapagaling lamang sa sakit ng
kaniyang asawa ay atay ng isang matsing.
Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kaniyang asawa. Malapit na
siya sa isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing na si Malak.
Lumapit siya sa puno na kinauupuan ni Malak. “Magandang umaga sa iyo, Malak!
Masayang bati ni Buwag. “Bakit malungkot ka at nakaharap sa ilog?”
Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil hindi ako marunong lumangoy.”
Sagot ni Malak
Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay
sa likod niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha ang atay nito.
Inalok niya si Malak na sumakay sa kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si
Malak sa likod ni Buwag hindi alam ni Malak na nanganganib ang kanyang buhay.
Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak niyang gawin kay
Malak. Natakot si Malak.
Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog nang magsalita si Malak.
“Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan
mong atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno.” Sabi ni Malak.
Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya’t ibinalik niya ito. Agad na
lumundag sa itaas ng puni si Malak.
Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, “Salamat sa pagpapasakay mo sa akin. Ang
kailangan mong atay ay narito sa aking katawan. Dahil sa kaibigan kita ay ipagkakaloob ko ito sa
iyo kung makaaakyat ka rito sa itaas ng puno.”
Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng
puno. Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.

23. Sino ang tauhan sa kwento?


a. Si Buwag b.Si Malak c.Si Malak at Si Buwag d. Wala sa nabanggit
24. Nabigyan ba ng lunas ang asawa ni Buwag?
a. Oo, dahil nakuha ni Buwag ang atay ni Malak matapos niya itong lunurin.
b. Oo, dahil nakaakyat siya ng puno.
c. Hindi, dahil naisahan ni Malak si Buwag.
d. Hindi, dahil nalunod si Malak
25. Sa pagtatapos ng kwento, naging magkaibigan pa rin ba sina Malak at Buwag?
a. Oo, dahil napatawad din Malak si Buwag.
b. Oo, dahil sa simula ay magkaibigan sila.
c. Hindi, dahil hindi na kailanman nagpakita si Buwag kay Malak
d. Hindi, dahil nawalan na ng tiwala si Buwag kay Malak.
26. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Buwag gagawin mo din ba na lunurin si Malak para lamang
mailigtas ang iyong asawa?
a. Oo, dahil kung iyon lamang ang kinakailangan para lamang mailigtas ko ang aking asawa
sa kanyang karamdaman.
b. Oo, dahil alam kong mauunawaan din naman ako ni Malak kaya ko yun gagawin.
c. Hindi, sa halip mas mananalig ako sa Panginoon dahil alam ko na Siya lamang ang tanging
makapagliligtas sa aking asawa.
d. Hindi, dahil naaawa ako sa aking kaibigan.
27. Ano ang aral sa kwento?
a. Huwag magtitiwala sa kahit na sino.
b. Dapat hindi na lang sabihin ang kailangan para maisagawa ang plano.
c. Minsan kung sino pa ang may masamang balak sila pa ang napapahamak.
d. Maging matalino sa pagdedesisyon.
(Bilang 28-30)

“Sa Daigdig ng mga Kulisap”

Nagkakagulo ang buong nayon. Silang lahat ay uhaw na uhaw. Walang makuhang tubig
sa paligid.
Isang araw, nag-usap-usap sina Tipaklong, Gamu-gamo at Lamok. Hindi nila alam kung
anong gagawin. Napagkasunduan nilang pumunta kay Haring Palaka.
Napansin ng mga kulisap na si Haring Palaka ay may malaking leeg. Kailangang
mapalabas nila ang tubig sa loob ng leeg ni Haring Palaka. Gumawa ang tatlo ng nakatutuwang
palabas sa harap ni Haring Palaka. Nagpasirku-sirko sila at talaga namang nakatutuwa.
Hindi napigil ni Haring Palaka ang sarili. Ibinuka niya ang kanyang bibig at tumawa siya
nang tumawa. Lumabas ang maraming tubig sa kanyang leeg. Ang buong nayon ay natuwa.

28. Sino ang tinutukoy na malaki ang leeg?


a. Mga Kulisap b. Gamu-gamu c. Lamok d. Haring Palaka
29. Nakakuha ba ng tubig ang buong nayon?
a. Oo, dahil hindi na napigil ni Haring Palaka ang sarili kaya lumabas ang maraming tubig.
b. Oo, kinabitan na ng tubig ang buong nayon.
c. Oo, dahil pinutok ng mga kulisap ang leeg ng Haring Palaka.
d. Hindi, dahil naging madamot ang Hari sa pagbibigay ng tubig sa nayon.
30. Nakuha ba ng mga kulisap ang kiliti ng Haring Palaka.
a. Oo, dahil kiniliti nila ang Hari.
b. Oo, dahil ginawa nila lahat para lang mapatawa ang Hari.
c. Hindi, dahil matigas ang puso ng Hari.
d. Hindi, dahil natutulog ang Hari.

II. Tukuyin mo!

Panuto: Isulat sa patlang ang D kung nagpapahayag ng matinding damdamin, E kung ang paraan ay
tiyakang nagpapadama ng emosyon at C kung ang paraan ay nagpapahiwatig ng gusto at ayaw.

_____ 31 Yehey! Makakapamasyal na kami sa Enchanted Kingdom.

_____ 32. Nakakaasar talaga siya hindi man lamang niya ako iniintay kanina.

_____ 33. Ang bango talaga ng sampaguita.

_____ 34. Naku po! Nakalimutan ko nga pala ang aking pitaka sa bahay.

_____ 35. Nakakatuwa talaga ang batang may mabuting kalooban.

_____ 36. Nakakainis ang palabas kanina pinaiyak ba naman ako.

_____ 37. Sobrang kapal ng tao kanina sa sinehan.

_____ 38. Hay naku! Palagi na lang makalat ang iyong silid.

_____ 39. Nakahahabag ang matandang palaboy-laboy.

_____ 40. Wala na talagang mas sasarap pa sa pagbibisikleta sa Probinsya dahil sariwa ang hangin
doon.
II. CROSSWORD PUZZLE

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon.

43.

44.

45.

41.

42.

PAHALANG

41. Pinagpupulok ni Aling Martang Manok ang mukha ni Bokyong Bayawak.

42. Dahil sa hindi niya pag-iingat ay nahulog siya sa patibong na inihanda ni Daga.

PABABA

43. “Nakikiusap ako sa iyo kung maaari sanang ilagay ang ibang pasan ko sa iyo,” pagsusumamo
ni Kalabaw.

44. Naaninag niya ang sikat ng araw matapos niyang hawiin ang kurtina sa kaniyang silid.

45. Pilit nilundag ni Lobo ang ubas sa puno subalit hindi niya talaga ito napagtagumpayang
makuha.
V. SANAYSAY

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng katanungan. Isulat ang sagot sa ibaba.

46-50 Kung ikaw ay magiging tauhan sa isang pabula? Ano ka at bakit? (5 puntos)

BATAYAN SA PAGMAMARKA
Kaangkupan ng ideya 2
Nilalaman 2
Kaayusan 1
Kabuuan 5 puntos

“Huwag kang matakot magkamali, normal lang yun! Subalit iyong pakatatandaan
na hindi lahat ng pagkakamali ay dapat pagbigyan.”

Inihanda ni: Iniwasto ni:

___________________ ____________________________
LESLIE ANNE L. PACIA BRYAN F. DELOS SANTOS, LPT
Guro sa Filipino JHS Coordinator

Inibalweyt ni:

______________________
ROGELIO T. LAROZA
Punongguro
SUSI SA PAGWAWASTO NG FILIPINO 7

1. C
2. D
3. A
4. B
5. D
6. C
7. A
8. A
9. B
10. C
11. B
12. D
13. A
14. D
15. C
16. C
17. B
18. D
19. A
20. D
21. D
22. B
23. C
24. C
25. D
26. C
27. D
28. D
29. A
30. B
31. D
32. E
33. C
34. D
35. C
36. E
37. C
38. E
39. E
40. C
41. Pinagtutuka
42. Pakana
43. Pagmamakaawa
44. Nakita
45. Tinalon

You might also like