Unang Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG PAGBASA: Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Pablo sa mga taga-Corinto 7, 25-31

Mga kapatid, tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong


maibibigay na utos mula sa Panginoon. Ngunit bilang isang
taong mapagkakatiwalaan dahil sa habag sa akin ng Panginoon,
magbibigay ako ng aking kuru-kuro.

Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong


mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. Ikaw
ba’y may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa
bang asawa? Huwag mong hangaring magkaasawa. Kung ikaw
ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang dalaga’y
mag-asawa, hindi siya nagkakasala. Ngunit magdaranas sila ng
mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang ibig kong maiwasan
ninyo.

Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: malapit na ang takdang
panahon, kaya’t mula ngayon, ang may-asawa’y mamuhay na
parang walang asawa; ang mga nananangis, na parang di
nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak; ang
mga namimili, na parang walang ari-arian, at ang mga
nagtatamasa sa sanlibutang ito, na parang di nila ito alintana.
Sapagkat ang lahat ng bagay sa daigdig na ito’y mapaparam.

Ang Salita ng Panginoon.


SALMONG TUGUNAN: O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y
ulinigin.

O kabiyak nitong hari, ang payo ko’y ulinigin;


ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Sa taglay mong kagadahan ang hari ang paibigin;
siya’y iyong panginoon, marapat na iyong sundin….tugon

Ang prinsesa sa palasyo’y pagmasdan mo’t anong ganda;


sinulid na gintu-ginto ang niyaring damit niya.
Sa makulay niyang damit, sa hari ay pinapunta,
haharap sa haring yaong mga abay ay kasama……tugon

Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak


na pumasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari,
kapalit ng ninuno mo sa sinumang mga lahi….tugon
Lucas 6, 20-26
Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa
mga alagad, at kanyang sinabi,

“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang


Diyos ang maghahari sa inyo!”

“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,


sapagkat kayo’y bubusigin!”

“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon,


sapagkat kayo’y magagalak!”

“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao


kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at
inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong
pangalan ay kinasusuklaman.
Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y
mangyari, sapagkat malaki ang inyong
gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa
ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”

“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon,


sapagkat nagtamasa na kayo ng
kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon,
sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat
kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng
tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng
kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

You might also like