Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gabay

Talumpati tungkol sa kahirapan

Talumpati tungkol sa kahirapan

By France on April 22, 2018

“Kahirapan: Problema ng Bayan” ni Hannalet Roguel

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba
maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay
napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang
ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos
ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung ating
gugustuhin.marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang
kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gusting makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga
batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga
squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon.kung ating
susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may
mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan.
Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang
pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay umunlad.

Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagigingisang mahirap at hindi maituturing na
basura lamang sa isang lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral.
Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat
ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan n
gating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.

You might also like