Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Dr.

Jose Protacio Rizal


Kabuuang pangalan:José Protasio Rizal Mercado y Realonda

Araw/lugar ng kapaanakan:isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861

Pangalan ng mga magulang:G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo

Mga paaralan na pinasukan:


 Biñan, Laguna
 Ateneo de Manila
 Unibersidad ng Santos Tomas
 Unibersidad Central de Madrid
 Colegio de San Juan de Letran
 Colegio de Santa Isabel

Mga guro:
 Ang kanyang ina na si Teodora Alonzo
 Leon Monroy
 Lucas Padua
 Justiniano Aquino Cruz
 Padre Jose Bech
 Remundo de Jesus
 Peninsula de Agustin
 Padre Villaclara at Padre Mineves

Mga nagging babae sa buhay ni Rizal:

 Julia Celeste Smith


 Segunda Katigbak
 Jacinta Ibardo Laza
 Leonor ”Orang” Velenzuela
 Leonor ”Luntian” Rivera
 Consuelo Ortega Y. Rey
 Gertrude “Gettie” Beckette
 Nellie Boustead
 Seiko “O Sei San” Usui
 Suzzane Jacoby
 Pastora Necessario Carreon
 Josephine Leophaldine Bracken

Mga kapatid ni Rizal:

 Saturnina (Neneng)
 Paciano
 Narcisa (Sisa)
 Olympia
 Lucia
 Maria (Biang)
 Jose Protasio
 Conception (Concha)
 Josefa (Panggoy)
 Trinidad (Trining)
 Soledad (Choleng)
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na
bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani.[2]

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang


anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo
Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma
sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya,
at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang
medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Parisat Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-
ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay
ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa
ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4], isang lihim na samahan na nagpasimula
ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa
ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong
pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan
lamang ang karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa
pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng
karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin
ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga
dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula
ang Himagsikang Pilipino.

Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong
ikadalawampu ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang
lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding
ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo


Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya
ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na
ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya
matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong
mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid,
kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente"
(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik.
Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang
klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang
isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal
na nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Por
tuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Personal na Buhay

Marahil ang buhay ni Rizal ang pinakadokumentado sa mga Pilipinong nabuhay noong ika-19
siglo dahil sa maraming mga talang isinulat niya at ukol sa kaniya.[16] Halos bawat detalye sa
kaniyang buhay ay naitala, dahil sa kaniyang regular na tagasulat ng kaniyang talaarawan at
dahil din sa kaniyang pagiging manunulat, at karamihan sa mga materyales na ito ay nananatili
pa rin. Naging mahirap sa mga biograpo ang pagsasalin ng kaniyang mga likha dahil sa ugali ni
Rizal na pagpapalit ng wika.

Kabilang sa mga nilalalaman ng mga tala ni Rizal ang pananaw ng isang Asyano na nakarating
sa Kanluran sa unang pagkakataon. Kabilang dito ang kaniyang mga lakbayin sa Europa,
Hapon at Estados Unidos, at maging sa kaniyang pananatili sa Hong Kong.

Matapos siyang makapagtapos mula sa Ateneo Municipal de Manila, bumisita si Rizal at ang
isang kaibigang si Mariano Katigbak upang bisitahin ang lola ni Rizal sa ina na naninirahan sa
Tondo, Maynila. Sinama ni Mariano ang kaniyang kapatid na si Segunda Katigbak, isang 14-
taong Batangueña mula Lipa, Batangas. Karamihan sa mga panauhin ng lola ni Rizal ay mga
mag-aaral sa kolehiyo, at alam nila na magaling sa pagpipinta si Rizal. Pinakiusapan siya na
gumawa siya ng larawan ni Segunda. Bagaman tumanggi si Rizal noong una, ginawan din niya
ng guhit si Segunda. Sa kasamaang palad, may kasintahan na si Katigbak na ang pangalan ay
Manuel Luz.[17]

Mula Disyembre 1891 hanggang Hunyo 1892, nanirahan si Rizal at kaniyang mga pamilya sa
Blng 2 ng Rednaxela Terrace, sa isla ng Hong Kong. Nangupahan si Rizal sa 5 kalye D'Aguilar,
Distritong Central, Isla ng Hong Kong bilang kaniyang klinika sa mata mula 2 ng hapon
hanggang 6 ng gabi. Kabilang sa mga naitala sa bahagi nito ng kaniyang buhay ay ang
kaniyang mga pagkahanga na kung saan siyam ang nakilala. Sila ay sina Gertrue Beckett, na
taga Londres, Nelly Boustead na nagmula sa pamilyang mangangalakal galing Inglatera at
Iberia, Seiko Usui (na tinatawag ding O-Sei-san) na kabilang sa lahi ng maharlikang Hapon, ang
kaniyang naunang mga pagkakaibigang sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, at ang
kaniyang panliligaw sa kaniyang malayong pinsan na si Leonor Rivera, na sinasabing
kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me Tangere

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang
pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya
at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa
Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas
ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Santiago.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang
Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging
makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon
ay Luneta).

PAGLALAKBAY NI RIZAL

Espanya:- sinimulan ang Noli Me Tangere>Barcelona- sinulat ang Amor Patrio;


ginamit ang pangalang "Laong Laan"- Diariong Tagalog (pahayagan
sa Pilipinas)>Madrid- nag-aral ng Medisina, Pilosopiya, pagsulat sa Unibersidad
Central de Madrid (dito nagtapos)Pransya- nag-aral ng optalmolohiya sa tulong ni
Dr. Louis de Weckert, tinuloy ang Noli Me TangereAlemanya>Heidelberg- patuloy
ang pag-aral ng optalmolohiya- A Las Flores de Heidelberg: tula na tungkol sa mga
bulaklak sa Heidelberg>Wilhemsfeld- natapos ang Noli Me
Tangere>Berlin- optalmolohiyaSwitzerland>Genova- pinakamagandang lugar daw
sa EuropaPilipinas- aayusin ang mata ng ina niya- makita ang epekto ng kanayng
nobelang NoliEstados Unidos- hindi pa masyadong malaya (racisim)London- nag-
aral tungkol sa mga iba't-ibang skolar ng Pilipinas- La Vision del Fray Rodriguez-
Liham Sa Mga Kadalagahan ng Malolos: hinangand ang mga babae na tignan ang
kanilangkakayahanPransya- itinayo ang samahang kidlat na naging Los Indios
Bravos- Sucesos de Las Islas de Filipinas: naging paglalakbay ni Padre Morga,
anatasyon ni RizalBelgium>Brussels- sinimulan ang El Filibusterismo- nagpapadala
ng mga artikulo para sa La Solidaridad>Genta- nailathala ang El FiliHong Kong-
nanatili dito, wag muna raw bumalik sa Pilipinas- Sanligang Batas ng La Liga
PilipinasPilipinas- nagbalik kasama si Lucia(kapatid)- itinatag ang La Liga Filipina sa
bahay ni Doroteo Ongjungco sa Tondo, Maynila- ipinatapon sa Dapitan

Cuba- dapat magiging seruhano- hindi nakapunta dito dahil nakatanggap ng liham
na huhulihin siya ng Kastila, dumiretsong

You might also like