Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TIBAGAN HIGH SCHOOL

7th Avenue, East Rembo, Makati City


ARALING PANLIPUNAN 7
MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan: ______________________________________ Iskor:_____________________


Antas:_________________________________________ Petsa:_____________________

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang naging dahilan ng pagkakaroon ng ugnayan ng Asya at Europa bago pa ang panahon ng
pagtuklas at pananakop.
a. Palitan ng kalakalan c. Paglalakbay ni Marco Polo
b. Impluwensya ng relihiyon d. Pagkakaroon ng “muling pagsilang”

2. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakahikayat sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya, maliban sa
isa. Alin ito?
a. Krusada c. Pagsakop ng Turkong Muslim
b. Pagbagsak ng Constantinople d. Merkatilismo

3. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya
a. Pag-unlad ng kalakalan c. Pagkakaroon ng kaalyadong bansa
b. Pagkatuklas sa mga bansa sa Asya d. Pakikinabang ng Kanluranin sa mga yamang likas
4. Nagkaroon ng malaking pagbabago ang kultura, politika, at pamumuhay ng mga Asyano dahil sa
pananakop ng mga Kanluranin. Alin sa mga sumusunod ang pinakamasidhing pagbabagong naganap?
a. Makabagong teknolohiya c. Damdaming Nasyonalismo
b. Imprastraktura d. Pagkakaroon ng Edukasyon

5. Aling prinsipyong ekonomiya ang umiral na kung may maraming ginto at pilak ay may pagkakataon na
maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa.
a. Merkantilismo c. Renaissance
b. Krusada d. Kapitalismo

6. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang
Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga kanluranin?
a. Nagkaroon ng pag-unlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot ng mabilis na
paguwas ng mga kalakal.
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng
mga Kanluranin.
c. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan.
d. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin.

7. Ito ay tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o
makuha rito ang iba pang pangangailangan.
a. Monopolyo c. Protectorate
b. Kolonyalismo d. Imperyalismo

8. Patakaran ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang bansa ang naghahangad
upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop.
a. Imperyalismo c. Kolonyalismo
c. Monopolyo d. Neokolonyalismo

9. Alin sa mga sumusunod ang naging pagbabago sa ekonomiya dulot ng Kolonyalismo.


a. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o middle men
b. Ang kaugalian ay nahaluan
c. Pagpapairal ng wikang Kanluranin bilang wikang gagamitin sa paaralan
d. Ang istilo ng mga pamamahay ay iginaya sa kanluranin

10. Paano binago ng Kolonyalismo at Imperyalismo ang pamamahala ng mga Asyano?


a. Nagdala sila ng bagong ideolohiya na naging dahilan ng pagbabago ng bansa.
b. Nagtatag ang mga mananakop ng sentralisadong pamahalaan.
c. Pinalitan ng mga dayuhan ang paniniwala at pilosopiya ng mga katutubo.
d. Sinanay nila ang mga Asyano na gumamit ng mga dayuhang produkto.
11. Sanhi ng pinairal na patakarang pampolitika, pang-ekonomiya at panlipunan, may mga umiral na
tradisyong Hindu at Muslim ang ipinagbawal tulad ng Suttee o Sati .Ano ang ibig sabihin ng tradisyon
Suttee?
a. Ang boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng asawa.
b. Ang pagsuot ng itim na blusa sa paglilibing ng asawang namatay.
c. Paglilibing ng bangkay ng asawa sa isang banga at pagtatago nito sa kuweba para sa pangalawang
paglilibing.
d. Ang boluntaryong paglibing sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay ng asawa at
pagtapon nito sa dagat.

12. Bakit sumiklab ang Rebelyong Sepoy?


a. Dahil ibinaba ng mga Ingles ang antas sa lipunan ng mga Brahman.
b. Dahil pinatawan nila ng buwis ang mga may-ari ng lupain.
c. Dahil ginawa ng mga Ingles na tanging lahing puti lamang ang may mataas na posisyon sa
pamahalaan.
d. Dahil nabalitaan ng mga Hindu at Muslim na ang taba ng baboy at baka ang ginamit ng mga Ingles na
panlinis sa kanilang sandata.

13. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na naging magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ng kababaihan.
a. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon
b. Pagpayag sa mga kababaihan na magkaroon ng sariling edukasyon
c. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng Suttee o Sati.
d.Pagbabawl sa matandang kaugalian tulad ng footbinding at concubinage.

14. Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng apat na pangunahing salik. Isa na rito ang
Nasyonalismo. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng nasyonalismo.
a. Nais ng mga nasyon na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang karibal
na bansa.
b. Nangangailan sila ng pagkukunan ng mga hilaw na materyales.
c. Namumuhunan ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes
d. Ipinasasailalim sa kaisipan ng mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning bansa.

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga Salik ng Imperyalismo?
a. Nasyonalismo c. Kapitalismo
b. White Man’s Burden d. Neokolonyalismo
16. Ano ang naging magandang epekto sa mga Hudyo ng pakikialam ng mga Kanluranin sa mga isyung
political at sosyal sa Kanlurang Asya?
a. Ipinatupad ang Balfour Declaration c. Nakalaya sila sa Turkong Ottoman
b. Napaalis sa Palestine ang mga Arabe d. Kinupkop sila ng mga Europeo

17. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng pagbabago ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap
sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi natanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng sistemang ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
18. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang
kanilang pagtutol sa mga Ingles?
a. Passive Resistance c. Armadong Pakikipagkalakalan
b. Pagbabago ng Pamahalaan d. Partido Politikal

19. Naghangad din ng kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang
kaniyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin c. Itinatag ang Indian National Congress
b. Binoykot ang mga produktong Ingles d. Tinulungan ang mga Ingles sa digmaan
20. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa dalawang
estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ang bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu
b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
21. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing manipestasyon ng Nasyonalismo?
a. Pagbubuklod at pagtutulungan ng mga mamamayan sa iisang kultura, saloobin at hangarin.
b. Pagtangkilik ng mga mamamayan sa produkto, ideya at kultura sa sariling bayan.
c. Sa pamamagitan ng pagiging makatwiran at makatarungan.
d. Sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kapamilya, kapuso at kapatid.

22. Pangyayaring naganap sa India noong Abril 13, 1919, kung saan maraming mamamayang Indian ang
namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles.
a. Rebelyong Sepoy c. Civil Disobedience
b. Amritsar Massacre d. Holocaust

23. Bakit di-agarang naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang Nasyonalismo di tulad ng mga bansa
sa Timog Asya.
a. Dahil di sila nagkaroon ng pagkakaisa.
b. Dahil karamihan sa kanila ay ginusto na masakop ng mga Kanluranin
c. Dahil naghihintay sila ng tamang panahon na magkaroon ng himala
d. Dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag na Imperyong Ottoman

24. Ano ang di magandang epekto ng magkaibang paniniwala ng mga Indian sa paglaya nila sa mga
Kanluranin?
a. Nahati sila sa bansa ng mga Muslim at Hindu
b. Nawalan sila ng sariling bansa
c. Nagpunta sa ibat-ibang lugar ang mga mamamayan ng India
d. Namatay ang dalawang kinikilalang pinuno ng India na lumalaban para sa kanilang kalayaan

25. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang Malaya at isang
nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
a. Zionism c. Sistemand Mandato
b. Female Infanticide d. Holocaust
26. Ang pag-uwi ng mga Hudyo sa Palestine mula sa ibat-ibang panig ng mundo.
a. Zionism c. Sistemang Mandato
b. Female Infanticide d. Holocaust

27. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?


a. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand c. Pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa
b. Pagsikat ng Pabebe Wave d. Pagtatag ng Partidong Aldub
28. Ano ang magandang epekto sa mga bansa sa Timog Asya ng pagtatapos ng Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
a. Lumakas ang mga bansa sa Asya c. Natigil na ang pananakop ng mga Ingles
b. Nabigyan sila ng autonomiya d. Naghari na si Pres. World Peace

29. Paano nakatulong ang ideolohiya sa Nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
a. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga pagbabagong kaayusan.
b. Binibigyan nito ng opotunidad ang bawat bansa na magtatag ng partido political.
c. Nagbibigay lakas ito sa mga tao na lumaban sa mga mapang-aping namumuno.
d. Nakakatulong ito upang tangkilikin natin ang ating sariling produkto.
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang samga ideolohiyang nabuo sa Asya/
a. Demokrasya c. Komunismo
b. Sosyalismo d. Totalitaryanismo

31. Anong relihiyon ang umiral sa bansang China bunga ng pakikipagkalakalan nito ng mga Iranian
a. Budismo c. Zikhismo
b. Kristiyanismo d. Hinduismo
32. Ang Neokolonyalismo ay isang makabago at tahimik na paraan ng pananakop. Bakit tinanggap ng
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang Neokolonyalismo ng mga Kanluranin? Piliin ang pangunahing
dahilan.
a. Upang makabangong muli ang kanilang ekonomiyang nalugmok sa digmaan.
b. Upang matumbasan ang anumang kaunlaran na mayroon ang makapangyarihang bansa.
c. Upang makabuo ng mga samahang pang-ekonomiya.
d. Upang mabawi nila ang mga yaman na kinuha sa kanila ng mga Kanluranin.
33. May malaking ginampanan ang relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano. Makikita ang halaga ng
relihiyon hindi lamang sa mga dambana ng mga bansa kung hindi sa mga kaganapang nakaugat sa
paniniwalang relihiyon. Alin sa mga sumusunod ang gawaing panrelihiyon na itinututing nang tradisyong
panlipunan.
a. Pagsuot ng belo c. Suttee
b. Pagsusuot ng burka d. Di pagboto

34. Paano nakatulong sa bansang India ang pagtatatag ng mga Kilusang Pangkababaihan?
a. Nagkaroon sila ng karapatang bumoto.
b. Nagtalaga ang Mine’s Act na dapat hiwalay ang palikuran ng babae sa lalaki.
c. Ipinagbawal sa mga kababaihan na magtrabaho sa mga delikadong makinarya.
d. Lahat ng nabanggit

35. Ito ay isang uri ng ideolohiya kung saan hinihikayat ang mga mamamayan na kumilos ayon sa
ninanais nilang pagbabagong panlipunan.
a. Ideolohiyang pang-ekonomiya c. Demokrasya
b. Ideolohiyang pampolitika d. Komunismo

II. Panuto: Isulat ang E kung Ekonomiya, P kung Politikal, at SK kung sosyo-kultural ang epekto
ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya.

36. Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na nagagamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan,


ekonomiya at iba pang aspekto ng buhay.
37. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan at simbahan.
38. Nailipat sa Europe ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng mga Asyano.
39. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling Sistema.
40. Pag-unlad ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon.
41. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan ng
kolonya.
42. Sumulpot ang mga koloonyal na lungsod.
43. Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
44. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
45. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktonng
kanluranin.

III. Panuto: Piliin sa bawat bilang ang hindi kabilang sa pangkat.

46. a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Neo-Kolonyalismo d. Nasyonalismo


47. a. Krusada b. Holocaust c. Renaissance d. Marco Polo
48. a. France b. Portugal c. Belgium d. Spain
49. a. Gandhi b. Ali Jinnah c. Ataturk d. Nieto
50. a. White Man’s Burden b. Kapitalismo c. Relihiyon d. Nasyonalismo
KEY TO CORRECTION

1. A 26. A
2. C 27. A
3. D 28. B
4. C 29. A
5. A 30. D
6. B 31. A
7. B 32. A
8. A 33. C
9. A 34. D
10. B 35. B
11. A 36. SK
12. D 37. SK
13. C 38. E
14. A 39. P
15. D 40. E
16. A 41. SK
17. C 42. SK
18. A 43. SK
19. C 44. SK
20. D 45. E
21. A 46. D
22. B 47. B
23. D 48. C
24. A 49. D
25. C 50. C
BANGKAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN I
MAHABANG PAGSUSULIT sa IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan: __________________________________Antas:____________________Petsa:____________________

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


___1. Alin ang sumusunod ang mga hangaring nagbigay-daan sa mga Kanluranin na kontrolin ang karamihan ng
mga daungan sa Timog-Silangang Asya sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo.
1. Hangaring ipakilala ang sariling kultura 3. Hangaring makakuha ng mga ginto
2. Hangaring ipamalas ang kapangyarihan 4. Hangaring makontrol ang kalakalan ng pampalasa
a. 1 at 2 b. 2 at 3 c. 3 at 4
___2. Noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ang Pearl Harbor sa Hawaii ng anong bansa?
a. Japan b. Pilipinas c. Germany
___3. Bakit hinangad ng mga Kanluranin na sakupin ang mga bansa sa Silangang Asya sa unang yugto pa lamang ng
kolonyalismo at imperyalismo?
a. Madaling sakupin ang S.A. b. Mayaman ang S.A. c. Matatag ang pamahalaan
___4. Bakit itinuring sa kasaysayan na hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya sa Unang Yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanlauranin?
a. Mahusay sila sa kalakalan b. Ayaw nilang pasakop c. Matatag ang kanilang pamahalaan
___5. Aling paraan ang hindi ginamit ni Miguel Lopez de Legazpi sa pagsakop sa Pilipinas?
a. Sanduguan b. Kristiyanismo c. sphere of Influence
___6. Alin ang hindi dahilan ng pagpapatupad ng Isolationism ng China sa kanilang bansa?
a. Makasisira sa Tsino ang impluwensya ng mga dayuhan
b. Mataas na pagtingin ng mga Tsino sa kanilang kultura
c. Magdadala ng suliranin sa buhay ng mga Tsino ang mga Kanluranin
___7. Ang Laos, Cambodia, at Vietnam ay tinawag na French Indochina dahil sinakop sila ng bansang__?
a. England b. France c. Spain
___8. Ang tawag sa pagmamahal sa bayan ay ____?
a. Nasyonalismo b. Monopolyo c. Rebolusyon
___9. Ang tawag sa sapilitang pagbebenta ng produkto sa pamahalaan sa murang halaga.
a. Polo y Servicios b. Bandala c. Tributo
___10. Ito ang tawag sa sapilitang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan?
a. Tributo b. Encomienda c. Falla

II. Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Demokrasya ; Divide and Rule Policy ; Extraterritorility ; Ideolohiya ; Ika-2 Digmaang Opyo

Komunismo ; Nasyonalismo ; Open Door Policy ; Sphere of Influence ; Unang Digmaan Opyo

___11. Paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway ang mga local a pinuno.
___12. Karapatan kung saan ang nagkasalang British ay lilitisin lamang sa korte ng Britain.
___13. Mga rehiyon sa Tsina kung saan nangingibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa.
___14. Digmaan noong 1839-1842 na nagbunga ng pagangkin ng England sa Hongkong.
___15. Kalipunan ng mga ideya at kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at mga pagbabago
nito.
___16. Pambansang kamalayan kung saan nangingibabaw ang matinding pagmamahal ng tao sa sariling bansa.
___17. Ideolohiya na ay hangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o uri kung saan ang mga salik ng
produksyon ay pag-aari ng lipunan. Pantay-pantay ang tao.
___18. Ideolohiyang ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
___19. Ang tawag sa digmaan nagresulta ng kasunduang Tianjin san g China t England.
___20. Batas na nagsasabi nang pagbubukas ng China sa iba pang dayuhan bukod sa England para sa kalayaan.

III. Isulat ang T kung TAMA at M kung MALI


___1. Madaling nasakop ang mga katutubong Pilipino dahil sa wala tayong pagkakaisa.
___2. Maraming mga katutubong Pilipino ang humanga s makabagong kagamitan ng Kastila.
___3. Ang 20 milyong dolyar ang ibinayad ng US sa Spain kapalit ng pagpapatupad na ginawa ng Spain sa Pillipinas.
___4. Gurong Amerikano ang tawag ng mga Pilipino sa mga Amerikanong nagturo sa kanila ng pagbilang at
pagbasa.
___5. Ang falla ang tawag sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Polo Y Servicios.
___6. Ang Kowtow ay ang mga maliliit na insektong lumalakad sa ulo ng mga Tsino.
___7. Nagustuhan ng mga Tsino ang Sphere of Influence ng ginawa ng mga Kanluranin sa kanilang bansa.
___8. Ang Japan ay bansa na dating ayaw din magpapasok ng mga dayuhan.
___9. Ang Hongkong ay inangkin ng France ayon sa Kasunduang Tientsin.
___10. Ang Sinocentrism ay paniniwala noon ng Tsina na nakahihigit sa lahat ang kanilang kultura.

You might also like