Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan in Araling Panlipunan 6
Lesson Plan in Araling Panlipunan 6
II. NILALAMAN
Ang Pilipinas sa Panahon ng Bagong Republika
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino pp. 323–340
B. Iba pang Kagamitang Panturo Power point, kagamitang biswal tulad ng mga
larawan, manila paper, pisara at yeso.
IV. PAMAMARAAN
Estados Unidos
Dito ginugol ni Senador Aquino ang tatlong
masasayang taon ng kanyang buhay sa piling ng
kanyang pamilya habang nagpapagaling siya ng
kanyang sakit sa puso.
Kasama ang 28 mamamahayag ay dumating
siya sa Pilipinas sakay ng China Airlines. Ngunit hindi
pa man siya lubusang nakatutuntong sa tinubuang
lupa ay isang putok ang sumalubong sa kanya sa
tarmak ng paliparan ng Manila International Airport na
siyang naging sanhi ng kanyang kamatayan…
2. Pagkawala ng Tiwala ng mga Dayuhang
Mamumuhunan sa Pilipinas
Nagluksa ang sambayanang Pilipino sa pagkamatay
ni Benigno Aquino Jr. Ang di makatarungang
pagpatay kay Ninoy ay nagpasidhi sa galit ng mga
Pilipino sa pamahalaan na nagbunsod sa
pagsasagawa ng mga kabi-kabilang kilos-protesta
laban sa rehimeng Marcos. Dahil sa paglaganap ng
kaguluhan, maraming mga namumuhunang dayuhan
ang tumigil mamuhunan sa Pilipinas…
3. Pagbaba ng Halaga ng Piso
Ang debalwasyon ng piso o ang pagbaba ng
halaga nito sa pamilihang pandaigdigan ay isa rin sa
nagpahirap sa buhay ng mga Pilipino. Labis na
naghirap ang mahihirap na pamilya sapagkat ang
pangyayaring ito ang nagbigay-daan sa pagtaas ng
halaga ng mga pangunahing bilihin at ng langis na
nagpapatakbo sa mga industriya at transportasyon.
Dahil sa pagtaas ng halaga ng langis, tumaas din ang
halaga ng mga bilihin tulad ng bigas, asukal, mantika,
sabon, tinapay, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng mga mamamayan…
4. Paghahari ng Nepotismo at ang Maluhong
Pamumuhay ng Pamilyang Marcos
Sadyang laganap at tahasang nangyayari ang
anomalya sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ang
nepotismo at cronyismo o ang sistema ng pagbibigay
ng pabor sa mga kamag-anak at kaibigan ng Unang
Pamilya ay umiral noong panahon ni Marcos…
5. Pagpapatayo ng mga Gusaling di Kailangan
Kapansin-pansing lubos na pinagbuti ng
pamahalaan ng Bagong Republika ang pagpapatayo
ng malalaking gusaling pambayan na masasabing
hindi naman lubos na mahalaga.
H. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng
ekonomiya noong Bagong Republika?
J. (Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation Sa bond paper, gamit ang isang graphic organizer na
nakatala sa pisara ay isa-isahin ang mga dahilan ng
pagbagsak ng ekonomiya ng bansa noong panahon
ng Bagong Republika. Sa iyong palagay, alin sa mga
ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng
ekonomiya ng bansa. Bigyang paliwanag ang iyong
sagot. Itala ang iyong dahilan sa isang bilog.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
RICHARD P. PARZUELO J
Pre-Service Teacher