Pormat NG Panunuri Sa Mga Maikling Kuwento

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pormat ng Panunuri sa mga Maikling Kuwento

Ni: _______________
I. Pamagat
Ano ang dahilan kung bakit iyon ang pamagat ng kuwento? Sa anong bahagi
o eksena lumitaw ang pamagat sa kuwento? Lantad ba ang pamagat? Bakit
oo o hindi?
II. May-akda
Paanomo nakilala ang may-akda sa kaniyang katha? Ano ang highlights sa
kaniyang buhay? Paano siya gumamit ng wika? Estilo ng pagsulat?
Pinaggagalingan? Adbokasiya?
III. Buod
Sa sariling pananalita, ilagom ang kuwento sa isang pahina lamang.
IV. Banghay
Ano ang simula? Ang papataas na kawilihan? Ang kasukdulan? Kakalasan?
Wakas?
V. Tauhan
Anong klaseng tauhan? Patunayan. Paano siya nagsasalita? Kumikilos?
Bakit ito ang kaniyang pangalan?
VI. Tagpuan/Panahon
Ilarawan ang tagpuan at/o panahon. Paano nakaapekto ang tagpuan at/o
panahon sa daloy ng kuwento o pagiging pagkamakatotohanan nito?
Kailangan o bagay ba ang tagpuan? May simbolo ba ito?
VII. Tunggalian
Ano ang nangyaring labanan? Patunayan. Sumipi ng mga linya o ilarawan
ang mga naging kilos bilang patotoo.
VIII. Kakintalan
Ano ang naiwan sa isip mo matapos magbasa? Ibahagi ang namamayaning
emosyon. Ano ang gagawin mo o dapat mong gawin sakaling maharap ka sa
parehong sitwasyon?
IX. Uri ng Maikling Kuwento
Saan ito kabilang sa iba’t ibang klasipikasyon ng maikling kuwento? Paano
mo nasabi? Bakit hindi ito sa iba?
X. Paboritong Linya
Alin ang pinakamagandang linya? Bakit? Gasgas ba ito o orihinal? Paano mo
ito magagamit sa tunay na buhay?

You might also like