hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan, ang mga kawal na Kastila sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorador na si Fernando Magallanes. Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko sa mga baybayin ng Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Raha Kulambu at Raha Siagu na pinuno ng Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu. Ang hari ng Cebu na si Raha Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Raha Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang kapangyarihan ni Raha Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Raha Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa pulo ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Raha Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng ika-28 ng Abril, 1521. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raha Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay, "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu. Noong 16 Marso 1521, natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng ngayo'y Samar habang nasa isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa mga kapuluang Maluku para sa Espanya. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastián Elcano bilang komander ng ekspedisyon na nag- utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtataksil ni Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng daigdig. LABANAN SA MACTAN