Ang Pinagmulan NG Pangalang Mindoro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LEA B.

CABRITO
BSBA 1

Ang Pinagmulan ng Pangalang Mindoro


May nagkuwento na noong unang panahon ay may isang masungit na datung namumuno sa isang isla.
Siya'y maraming asawa at mga anak.

Siya'y malupit sa kanyang mga anak.

Si Minda ay paborito sapagkat siya ang pinakamaganda.

Napagkaugalian ng datu ang mangaso. Maraming usa at baboy-ramong naglipana sa gubat.

Samantalang wala ang ama, si Minda ay naliligo sa ilog o di kaya'y namumupol ng mga bulaklak sa
parang.

Isang araw may dumating sa ilog na isang lalaking galing sa Luzon. Ang kanyang pakay ay humuli ng
inahing usang lunas sa kanyang inang maysakit.

Nagkataong si Minda ay naliligo sa batis. Nabighani si Doro sa gandang taglay ng dalaga kaya siya'y
nagpakilala. Sa pagkikilala nagsimula ang pagtatangi sa isa't isa hanggang sa humantong sa
pagmamahalan.

Binigyan ni Doro si Minda ng isang kuwintas na may palawit na krus, isang regalong nagpaligaya sa
dalaga.

"Nakahuli na ako ng isang inahing usa kaya makababalik na ako sa Luzon. Ito'y ibibigay ko sa aking inang
may karamdaman. Orasna magawa ko ito, ako'ymagbabaliksa piling mo. Kayapaalam!"

"Paano ko malalaman na tunay ka ngang babalik?"

"Ako'y babalik at hihingin ko ang iyong kamay sa iyong amang datu!"

"Tunay? Wala bang ibang paralumang naghihintay sa iyo?"

"Wala. Kung mayroon, iya'y si ina na may karamdaman!"

"Bukas ka na umalis. Mayamaya ay magdaratingan dito ang mga babae't lalaki na manguguha ng ginto
sa ilog. Manood ka!"

Langkay-langkay na mga bata't matatanda ang mga nagsirating. Sila'y may mga dalang bilao. Sila'y
nagsimulang maghanap ng mga pirasong ginto sa buhangin at putik na ilalagay sa bilao bago ito agagin.
Samantalang sila'y nag-aag-ag. si Doro'y nagmamasid.
Mula kay Minda, "Kung gusto mo, Doro, gayahin mo sila. Maghanap ka na rin," tuloy bigay ng bilaong ag-
agan.

Nakiag-ag na rin si Doro. Hindi nagtagal at siya'y nakaipon ng maraming piraso.

Si Minda ay nagsalita, "Kita'y bibigyan ng ginto. Marami ako sa bahay. Dalhin mo sa Luzon sa iyong pag-
uwi. Ipagbili mo. Lalong mabuti kung maipagawa mong hikaw, singsing, pulsera at kuwintas sa platero.
Pagbalik mo rito ang mga alahas ay ating ipagbibili. Maaari ring ipagbili iyan sa Batangas. Dahil ririwasa
ang ating pamumuhay!"

Umalis si Doro. Siya'y umuwi sa Luzon.

Matapos makainom ng dugo ng usa ang ina ni Doro, siya'y gumaling.

Makailang araw, si Doro'y nakaalaala ng naipangako kay Minda - ang gawang bumalik. Kanyang
ipinagtapat sa ina na yayamang siya'y magaling na, siya'y babalik kay Minda sa lalong madaling panahon.

"Doro, huwag ka nang umalis. Baka pagkaalis mo ay kung ano ang mangyari sa akin!"

Walang nagawa ang ina sa pagpigil sa anak. Siya'y bumalik kay Minda.

Anong galak ni Minda nang magbalik si Doro!

Si Doro'y nagprisinta sa Datu, "Kamahalan, narito kami ni Minda. Hinihingi ko sa inyo ang kanyang
kamay!"

"Ano? Di yata't ang anak ko'y umibig sa ibang lalaki nang higit kaysa pag-ibig sa akin?" Siya'y galit na
galit.

Ipinahuli ng Datu si Doro. At ipinag-utos sa mga kawal, "Itapon sa latian, sa tahanan ng mga buwaya!"

Nang sumunod na araw, sa pinagtapunan kay Doro ay nakita ang bangkay ni Minda. Siya'y nagpatiwakal
dahil sa nangyari sa minamahal!

Ang Datu ay nagsisi sa kanyang kataksilan!

Mula noon ang lunang sumaksi sa malagim na trahedya ay pinangalanang Mindoro - kinuha sa
pinagsamang pangalan ni Minda at Doro.
Ang Pinagmulan ng Marinduque
Noo'y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan ng mga Kastila. Sa balangay ng Batangan,
ngayo'y Batangas, ay kalakip ang Mindoro at mga lupalop ng timog-kanluran ng Laguna hanggang
Kamarines.

Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga balangay sa karatig nito. Sila'y mayaman at
makapangyarihan.

Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda,
mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya. Siya'y kayumangging
kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong,
linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya'y may nunal sa batok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman
ang taas. Ang baywang ay hugis hantik. Manipis ang alak-alakang nagbabadyang siya ay masipag, ayon
sa matandang kasabihan.

Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang kaharian
niya'y kilala sa tawag na Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwil ng Laguna at Datu Kawili ng Kamarines
ay mga tagahanga rin subali't ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang dukhang mang-aawit, si
Garduque, manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan. Siya'y taga-Taal at isang mandaragat sa
lawang Bunbon.

Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyo bilang parangal sa mga anito. Ang mga
manlalaro ng iba't ibang kaharian ay nagsidalo.

Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mga pambato ng sarisaring palakasan.
Angunang labanay pagbinitng palaso. Ang nakatamo ng gantimpala ay bantog na Mangyan ng Mindoro
na si Balindada.

Ang ikalawang paligsahan ay palayuan ng pagbato sa ibayong ilog. Ang nagkamit ng karangalan ay Igorot
na kinatawan ng Bulu-bundukin.

Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe. Sinumang makatalo kay Mutya Marin ay
siya niyang paka-kasalan. Subali't lahat ay nabigo. Sa bilis, si Mutya Marin ay kawangis ng limbas. kaya
napahiyang lahat ng kanyang tagasuyo.

Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan at siya'y pinutungan ng korona ng karangalan. Ang
nagkapalad magputong ng korona ay walang iba kundi ang makatang kasintahan.

Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mga panauhin.

Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati.

Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga kapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob at labas ng
kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang dalaga. Sa kabilang dako naman, ang binatang
makata ay di-mamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag makipagkita sa kanyang
butihing anak.
"Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang wala akong pahintulot?" ang minsa'y tuligsa sa
kaawa-awang makata.

"Ako po'y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak."

"Mula ngayo'y di ko gustong makita ang pagmumukhang iyan, pangahas," ang pagbabala ng datu.

"Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si Mutya Marin. Ako po'y pinabibigkas ng mga tulang
kanyang kinagigiliwan."

"Magtigil ka, walang-turing!"

Umalis ang makatang ang mukha'y nasa talampakan.

Hindi na matiis ni Mutya ang paglait ng kanyang ama sa minamahal. Kaya minsa'y ipinagtanggol ni Marin
ang binata.

"Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin ang aking kasintahan. Siya ang tumutugon sa
aking mga saligan sa buhay."

Hindi pa nakatapos si Marin sapagka't si Datu Batumbakal ay nagsalita. "Ikaw ay nabubulagan.


Ipagpaliban natin anghinggil sabagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-usapan."

Napipi si Marin at siya'y hindi na nakaimik kaputok man.

Maluwat ding panahon ang lumipas na di pumapasok ang mang-aawit sa palasyo. Likha palibhasa ng di-
matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang nagliwaliw sa kaparangan sa
pagbabaka-sakaling matagpuan doon ang abang makata. Nakarating siya sa matulaing Hog Pansipit.
Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito'y maraming mga buwaya na
sumisilangtao.

Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangis na buwaya, ay siya namang pagdating ng
makatang kasintahan. Sa kabutihang-palad kapagkaraka'y buminit ang binata sa palaso. Natudla and
buwaya kaya nasagip si Marin sa nakaumang na sakuna.

"Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mga anito!"

"Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alam na ikaw ay kagigiliwan ng nuno sa punso?


Kung magkagayon, hindi ka na makababalik sa palasyo."

"Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kita makita. Maluwat nang hindi mo ako sinisipot. Kay dali
mong makalimot!" ang pagtatampo ng dalaga.

"May babala sa akin ang iyong ama."


"Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit kamataya'y
iyong susuungin kung dahil sa akin."

"Marin, tunay nga bang ako'y iyong minamahal? Ako'y isang dukha, kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si
Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas. Bakit ako ang
pag-uukulan ng iyong kalinga?"

"Ang puso ko'y iyong sinusugatan," pakli ng dalaga.

"Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa akin. Ano nga naman ang iyong mapapala sa
isang mang-aawit na tulad ko? Maaari ka bang pakainin lamang ng aking mga tula?"

"Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal ang iyong kaluluwa."

"Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkita mong ito sa aki'y ipinagbabawal ng datu?"

"Oo."

"Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki'y nanga-ngahulugan ng pagtagpas sa aking ulo? Baka
pati ikaw ay maparamay."

"Nababatid ko. Ako'y nakipagtagpo sa iyo upang minsan pa nating sariwain ang sumpaang sa ating
dalawa ay walang mamamagitan kundi kamatayan!"

"Isinusumpa ko. Kita'y mamahalin hanggang langit."

"Magmamahalan tayo hangga't may daigdig. Magsadya ka mamayang gabi sa palasyo, sa halamanang
dati nating tagpuan. Mayroon akong ipagtatapat."

"Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama."

"Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama."

Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan.

Nang kinahapuna'y ipinatawag si Marin ng ama. "Bakit ka ba nakikipagtagpo nang lihim sa dukha mong
kasintahan? Ito'y sinsay sa aking mga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang maharlika ay sa maharlika
at ang alipi'y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutan ang iyong kasintahan."

Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya ang bawa't sabihin ng ama'y masusunod.
Napakasungit ng datu! Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumating ang tipanang oras ay
walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga.

Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroon ang hinahanap. Sumagi sa kanyang hinala
na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo.
Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni't paano niya maaakyat iyon? Wala siyang
mahagilap na lubid o anumang tali. Siya'y naupo at nag-isip. Namataan niya na may aninong gumagalaw
sa bintanaat ilang saglitpa'y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si Marin ay gising.
Nahinuha niyang batid ni Marin na siya'y nasa paanan ng tore at naghihintay. "Dapat sana siyang mag-
ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka't baka mahalata ng bantay," ang bulong ng makata sa sarili.

Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-muni, bigla siyang namangha nang makita si
Marin sa kanyang harapan. Ang dalaga pala'y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at mga piraso
ng damit na pinagbuhol-buhol.

"Giliw," ang Simula ni Marin, "bukas ay papupugutan ka."

"Ako'y nakahanda. Pumapayag ka ba?"

"Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon akong kinasabuwat na mga alipin na
gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayo hinihintay."

"Saan tayo tutungo?"

"Tayo'y tatakas. Tayo'y pasasatimog... saan man... doon sa walang amang makapanghihimasok sa pag-
ibig ng anak."

Ang dalawa'y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak ng karagatan.

Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datu na si Marin ay wala na. May
nakapagsumbong na siya'y tumakas. Inihanda at iniutos ng datung habulin ng mabilis na batil pandigma
ang magkasintahang tumalikod sa kaugalian ng balangay.

Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil ay madaling
tumugon.

Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gustong pagpakasalan kay Marin. Si Datu Bagal ay
sumama rin nang magdaan sa Mindoro ang mga humahabol.

Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan ng magkasintahan? Walang pagsalang sila'y


aabutin! Lima lamang oras ang nakalipas matapos makapag-almusal ang datu nang abutin ng
dambuhalang sasakyang humahabol ang mga nagsitakas.

Binuo ng magkasintahan sa kanilang sarili na sila'y di pabibihag nang buhay, kaya sinabi na mangyari na
ang dapat mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang magpatihulog sa karagatan.
Pinagtali ang dalawang kamay ng matibay na lubid at ito'y ikinabit sa mabigat na bato upang sila'y
magtuloy-tuloy sa kailaliman ng dagat.

Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwat ng maliit na sasakyan sa malaking
sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa kailaliman ng
tubig dahil sa mabigat na pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan.
"Paalam, Batumbakal," ang sabi ni Garduque

"Paalam, Amang," ang sabay ni Marin.

Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulang hinigop ng buhawi.

Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nang makita ang isang malaking pulo sa dakong
tinalunan ng magsinggiliw. Mula noon ay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE, galing kina Marin at
Duque.

Nagsisi si Datu Batumbakal nguni't huli na. Bilang pagtitika sa kanyang nagawang pagmamalupit, siya'y
nagpakatino. Siya'y naging mapagmahal sa kanyang mga sakop. Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan
ng pagtingin na higit sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sa balangay. Ang mga alipin at mga
maharlika ay naging pantay-pantay sa dambana ng mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa puso.

Ang Marinduque ngayon ay isang pulong may magaganda at matulaing tanawin. Pinilas ang ganda kay
Marin at hiniram ang tula sa dakilang mang-aawit.

You might also like