Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paghihinuha

— Ito ay ang pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o
sitwasyong naganap. Ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at pagkakaintindi
sa isang konteksto ng pangyayari.

Paghihinuha o Pagpapalagay (inferencing)


-Ipagpalagay na hindi mo pa nabasa ang isang akda o teksto. Magagawa mo kayang
mabigyang kahulugan ang pamagat nito? Sa paanong paraan? Makabubuo ka ng
maraming hinuha habang nagbabasa.

Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng


sariling kaalaman, ikaw ay gumagawa ng paghihinuha o pagpapalagay.

Ang pag-unawa sa diwa ng isang pahayag ay nagagawa sa iba’t ibang paraan. Di ba’t
minsa’y naipaliwanag mo ang kahulugan ng isang di-tuwirang pahayag sa teksto?
Naisagawa mo ito sa tulong ng mga pahiwatig at ng iyong sariling pagkaalam sa
paksa.

Ang hinuha o palagay at implikasyon ay halos nagbibigay ng iisang kahulugan.


Nagkakaiba lamang ang mga ito batay sa kung sino ang gumagawa o tumatanggap ng
ideya o kaisipan. Ang manunulat at tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng
implikasyon; ang mambabasa o tagapagsalita ang nagpapalagay o nagbubuo ng
hinuha.

HALIMBAWA NG PAGHIHINUHA AY:


- Baka
- Tila
- Wari
- Marahil
- Siguro
Halimbawa sa Pangungusap:
- Marahil totoo ang kanyang sinasabi.
- Si Maria ay tila maglalaba mamaya.
- Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.
May mga artikulo, salaysay, mensahe, kwetnro at iba pang kaugnay na uri na bitin at sa palagay ng
mambabasa ay hindi "buo" o "ganap" ang pagkakasulat, kaya hinuhulaan ang maaaring kalabasan.
Sa ganitong paraan ay nakapagpapalawak, nakapag-iisip ang mambabasa at nakapagsasanay sa
pagbibigay ng kongklusyon sa pangyayari.

You might also like