Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

"KATOLIKO PO AKO, PERO...

"

May mga nagko-comment sa posts dito na ganyan sa titulo ng artikulo natin ang umpisa, Kasunod ang
"PERO", sa salitang Ingles, "BUT" - at dudugtungan nila ng mga pansariling pananaw o mga nadinig sa iba
na nagpapatunay na mali ang mga katuruang Katoliko. Tama kaya?

Una nating tatalakayin, "Katoliko ako pero I am Bible-centered" Obvious sa salitang 'pero;' na hindi
Bible-centered ang Catholic Church at mga Katoliko.

Ano ba ang ibig sabihin ng Bible-centered? Isa lang yan - believeing in the BIble Alone - doktrinang
Protestante na ang pinapahalagahan lang any kung ano ang mga nasusulat lang sa Biblia. Madaming
ignoranteng Katoliko ang napapaniwala ng mga sektang Made in the Philippines o kaya'y Born Again sa
aral na iito. Palibhasa, hindi nagbabasa ng Bible, biib na bilib sa bawat sitas na lumalabas sa bibig ng mga
ministro't pastor.

1. Hindi nila alam na mga Katoliko ang nagtipon, nangalaga ng mga sipi ng kasulatan na bumubuo sa aklat
na tinatawag nating "Biblia" ngayon. Mapapatunayan po ito historically at madami na rin tayong nailagay
dito sa page na ito.

2. Na iyang Bible-centered na sinasabi nila ay naging doktrina lamang noong taong 1517 AD, na kaisipan
ni Martin Luther. 1517 pabalik sa kapanahunan ng mga apostoles, wala tayong makikita sa kasaysayan ng
Kristiyanismong may nagtaguyod ng Biblia Lamang o Bible centered na doktrina.

BAKIT? Ang mga aral ni Kristo at mga apostoles ay ikinalat o ibinahagi sa mga tao sa pamamagitan ng
PANGANGARAL o SERMON - hindi sa pamamagitan ng aklat o babasahin.

Pruweba?

Mark 16:15
He said to them, "Go into all the world and preach the gospel to all creation. (New International Version)

And then he told them, "Go into all the world and preach the Good News to everyone. (New Living
Translation)

And he said to them, “Go into all the world and proclaim the gospel to the whole creation. (English
Standard Version)

At sinabi ni Jesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat
ng tao. (Magandang Balita Biblia)

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pansinin nyo:

"Preach", "Proclaim", "Ipangaral" may nakita ba kayong "Isulat", "Basahin" o kaya'y "Write down", "Let
them read..."?

Sa paglakad ng panahon, kinailangang isulat ang mga aral upang huwag makalimutan at upang
ipamahagi sa malayong lugar na di maaabot ng mga apostoles. Dyan na naipon ang mga kasulatan at
nabuo bilang Biblia sa panahon natin ngayon.

May isang habilin din si San Pablo sa mga taga-Tesalonica sa 2 Tesalonica 2:15...

"So then, brothers and sisters, stand firm and hold fast to the teachings we passed on to you, whether by
word of mouth or by letter." (NIV)

"Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo'y
itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat." (Ang Dating Biblia)
Pansinin ulit:

Paano natanggap ng mga Kristiyano ang mga aral sa kanila?

Sa English version:

"...by word of mouth or by letter."

Tagalog:

"...sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat."

Kapag sinabi mong BIBLE-CENTERED ka lang, lihis na sa aral ni Hesus mismo at ni San Pablo ang
paniniwala mo na dun ka lang sa mga NASUSULAT sa Bible. Walang ganyang aral si HesuCristo, mga
apostoles pati na rin ng sinaunang mga Obispo ng Simbahan.

ANO BA ANG TURO NG CATHOLIC CHURCH?

1. Ang Biblia ay Salita ng Diyos in written form. Meron ding ipinangangaral - tulad ng mababasa natin sa
Bible. Ang Salita ng Diyos HINDI ang nasusulat lamang tulad nang ikinakalat ng mga grupong kontra
Katoliko.

2. Ang Ama sa langit mismo ang nagungusap sa atin kapag tayo'y nagbabasa ng Biblia (Catechism of the
Catholic Church).

3. Kung gaano kahalaga ang Katawan at Dugo ni Kristo sa Simbahang Katoliko, ganun din ang kanyang
Banal na Salita. Magkapareho ang importansya ng dalawa.

4. Sa Banal na Misa, na nahahati sa Liturgy of the Word and Liturgy of the Eucharist - makikita natin ang
importansya ng Salita ng Diyos sa mata ng Simbahan - Tatlong sets ng reading mula sa Biblia ang
binabasa araw-araw (isa mula sa Old Testament, Acts of the Apostles or Paul's Epistles at ang Ebanghelyo
or Gospel of the day). Bukod pa dyan, ang Salmong Tugunan (Responsorial Psalm) ay hango din sa Biblia -
hindi ba pagpapahalaga sa Biblia yang tatlong readings araw-araw, taon-taon na walang patid?

Kung ang isang katoliko ay araw araw magmimisa o babasahin ang Daily Bible readings, tinataya na sa
loob ng dalawa o tatlong taon ay nabasa na niya ang buong Biblia.

5. Pwedeng magbasa ng Biblia na di kumokonsulta sa Simbahan - yan ang ginagawa natin sa araw araw
na "Pagninilay sa Ebanghelyo" dito sa page na ito. Madaming Katoliko ang nababago ang buhay,
nagkakaroon ng magandang pananaw sa buhay, napapalapit lalo sa Panginoon sa pagbabasa ng Biblia.
Napakaraming aral ang makukuha natin sa Buhay na Salita ng Diyos - pero paano sa mga bagay o aral na
hindi natin maintindihan? Diyan po minumungkahi na magkonsulta tayo sa mga Pari, Obispo, Church
leaders na nag-aral sa Salita ng Diyos. AT sa Katesismo ng Simbahang Katoliko na kung saan makikita
natin ang mga opisyal na turo o paliwanag ng SImbahang Katoliko.

Kaya't kung totoong Katoliko ka, dapat alam mong:

1. Hindi limitado sa nakasulat sa Biblia ang 'Word of God'

2. Alam mong napaka-halaga ang Biblia sa Simbahan - pero nasa tamang lugar ang pananaw, na balanse
ang turing sa nasusulat at pinapangaral (preaching) na katuruan.

2. Ang Biblia ay kaloob ng Panginoon na ihinabiin sa Simbahang Katoliko ng mahigit 2,000 libong taon na.
Hindi pwedeng sa Iglesia ni Manalo na 1914 lang itinatag sa Sta. Ana, Manila o kaya'y sa Iglesia ni Soriano
na 1977 lang at nag-ugat pa nga sa INC.

Ganun din sa mga Protestant (or 'Christian") groups na nagsimula nga noong 1517 AD lang.

HIndi po natin sinasabi na walang mabuting itinuturo ang mga Bible-centered groups, subalit sabi nga ng
isang pantas noong unang panahon, "The Church gave you the Bible, now let her explain to you what it
says"

You might also like