DEKALOGO NG WIKANG Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DEKALOGO NG WIKANG filipinO

JOSE LADERAS SANTOS


Punong komisyoner
(2011)

I. Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan


ng Diyos ng kani-kaniyang wika na pagkakakilanlan.
II. Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika bukod pa sa paghiram ng mga
banyagang wika.
III. Ang pambansang wika ng pilipinas ay FILIPINO. Si Pangulong Manuel Luis Quezon
(1878-1944) ang Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay katuparan ng
pangarap na wikang panlahat.
IV. Ang wikang pambansa ay pinayayabong, pinayayaman at pinatatag ng lahat ng
wikang ginagamit sa Pilipinas.
V. Ang wika ay psuo at kaluluwa ng bansa para sa ganap na pagkakakilanlan.
Nakapaloob ito sa Pambansang Awita, Panunumpa sa watawat at sa lahat ng sagisag
ng kalayaan at kasarinlan.
VI. Tungkulin ng bawat Pilipino na pag aaralan, gamitin, pangalagaan, mahalin at igalang
ang Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit sa lahat ng
katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.
VII. Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng pagmamahal at paggalaang sa
sarili. Tumiyak ito upang igalang din ang kapuwa. Taglay ng lahat ng katutubong wika
ang kagitingan, dugo at buhay ng mga bayani at ng iba pang dakilang anak ng bansa.
VIII. Malaya na gumamit at pagyamanin ng iba pang wikang gustong matutunan. Sa
pagkatuto ng iba ay lalo pang dapatdapat pakamahalinang mga kinagisnang wika.
Ano mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay wikang hiram. Hindi matatanggap
bilang ating pagkakakilanlan at hindi rin maaangkin na sariling atin.
IX. Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nananaginip sa Wikang Filipino o wikang
kinagisnan.
X. Ang bawat pagsasalita ay pagsusulat gamit ang wika ay pagdiriwang at pasasalamat
sa Maykapal sa pagkakaloob ng wika bilang dakilang biyaya sa sangkatauhan.
baleleng

Mutya ka Baleleng sa katahum


Timgas pa sa puti nga baybayon
Sa kasingkasing ka panganduyon
Perlas ka nga angay gyud angkonon

Pila na Baleleng layo-layo


Si Tangkay Baleleng pasibuto
Bangkaw-guna Baleleng matuyo
Uro ka Baleleng pamalayo

Kon ikaw Baleleng ang mawala


Kon ikaw Baleleng di ko makita
Gugma ko Baleleng magahulat
Taliwala ning lawod sa mga luha

Narration (with Instrumental):


Mutya ka Baleling sa katahum
Timgas sa puti nga baybayon
Sa kasingkasing ka panganduyon
Perlas ka nga angay gyud angkonon

SI PILEMON
Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan.
Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba—
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura,
Igo lang ipanuba.
BITUING marikit

Bituing marikit sa gabi ng buhay


Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag ako’y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig


Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning laging nasasabik
Ikaw ang pangarap Bituing marikit

Lapitan mo ako, halina bituin


Ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa’y huwag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na pag-giliw

Pakiusap

Natutulog ka man, irog kong matimtiman


Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam
Dahan dahan mutya, buksan mo ang bintana,
Tanawin mo't kahabagan,
Ang sa iyo'y nagmamahal.

Kung sakali ma't salat sa yama't pangarap,


May isang sumpang wagas,
Ang aking paglingap.
Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako,
Kahit mamatay, pag-ibig ko'y minsan lamang.
Inibig kita, magpakailanman pa man
USAHAY

Usahay magadamgo ako


Nga ikaw ug ako nagkahigugmaay
Nganong damguhon ko ikaw
Damguhon sa kanunay sa akong kamingaw

Usahay magamahay ako


Nganong nabuhi pa ning kalibutan
Nganong gitiaw-tiawan
Ang gugma ko kanimo, kanimo da

Nga ikaw ug ako nagkahigugmaay


Damguhon sa kanunay sa akong kamingaw
Usahay magamahay ako
Nganong nabuhi pa ning kalibutan

Nganong gitiaw-tiawan
Ang gugma ko kanimo, kanimo da
Nganong gitiaw-tiawan
Ang gugma ko kanimo, kanimo da
Alamat Ng Pinya

Si Pina ay nag-iisang anak ni Aling Rosa mahal na mahal niya ito kung kaya ninais
niyang lumaki itong may kaalaman sa mga gawaing bahay. Ngunit si Pina ay hindi
mahilig sa paggawa ng mga ito. Ang tangi niyang nais ay makipaglaro sa kanyang
mga kaibigan. Isang araw na nagkasakit ang kanyang ina napilitan si Pina na
gumawa ng mga gawaing bahay. Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang sandok. Kanya itong itinanong sa kanyang ina, sa inis ng ina sapagkat
lahat na lamang ay tinatanong ni Pina sinabi niya dito na sana ay magkaroon ito
ng maraming mata upang makita nito ang mga bagay na hinahanap nito. Umalis si
Pina sa silid ng ina ng di umiimik. Kinagabihan hindi na bumalik si Pina sa kanyang
silid. Agad niya itong tinawag ngunit walang sumasagot sa kanyang tawag. Hindi
niya na ito nakita. Isang umagang nagwawalis si Aling Rosa sa kanilang bakuran
nakita niya ang isang halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Kinuha niya
ito at itinanim sa kanilang bakuran. Pagkaraan ng mga araw ito ay lumaki at
namunga. Nagulat si Aling Rosa sa itsura ng bunga ng halaman sapagkat ang
bunga nito ay napapalibutan ng mata. Kanyang naalala ang kanyang anak na si
Pina at ang kanyang sinabi dito. Naiisip niya na ang sinabi niya kay Pina ay
tumalab dito. Kung kaya ang halaman ay tinawag niyang itong Pinang. Nang
magtagal ito ay tinawag ng Pinya.
Alamat ng saging

Noong unang panahon, may magkasintahang nag iibigan ng labis. Sila ay sina
Aging at Juana. Bagamat hindi sang ayon ang mga magulang ni Juana ay
pinagpatuloy pa din nya ang pag iibigan nila ni Aging.Isang araw, noong galing sa
bukid ang ama ni Juana, natanawan nya si Aging sa kanilang bukas na bintana. Sa
galit ng ama ni Juana ay hinugot nito ang tabak at tinaga ang braso ni Aging.
Naputol ito.Agad na tumakbo si Aging papapalayo, hinabol sya ng umiiyak na si
Juana. Nang hindi na maabutan si Aging, ay nakita nya ang naputol nitong braso at
agad na inilibing.Lumipas ang mga araw, nagulat na lamang ang ama ni Juana
nang matagpuaan nito sa bakuran ang isang misteryosong halaman. Itoy kulay
luntian na may mahaba at malalapad na dahon. Kulay dilaw ang bunga nito na tila
hugis ng kamay at mga daliri ng tao."Juana, Juana pumanaog ka"Pagkakita sa
puno ay naalala ni Juana ang brasong ibinaon sa lupa kung saan mismo ito
tumubo."Ang halamang iyan ay si Aging!" saad ni JuanaMula noon, ang punong
iyon ay tinawag na "Aging" at kalaunay naging "Saging"
Alamat ng sampaguita

Napaka-gandang dalaga nitong si Liwayway. Hindi na kataka-taka kung marami


siyang naging manliligaw.Nang minsang may isang binata na ang pangalan ay
Tanggol na inatake ng baboy-ramo, dinala ito sa ama ng dalagang si Liwayway
upang mabigyan ng pangunang lunas.Sa maikling panahon ay nagkaibigan sina
Liwayway at Tanggol. Nang magaling na ang binata ay nagpaalam itong uuwi
muna sa kanila upang sunduin ang kanyang mga magulang at pormal na hingiin
ang kamay ng dalaga.Lumapas ang maraming araw ngunit hindi pa rin bumabalik
si Tanggol. Isang dating manliligaw ni Liwayway ang siniraan si Tanggol at sinabing
hindi na raw ito babalik dahil may asawa na ito.Napuno ng sama ng loob, lungkot
at pangungulila si Liwayway na siyang naging dahilan ng pagkakasakit nito. Ilang
linggo lamang ang lumipas ay namatay ang dalaga.Bago namatay si Liwayway ay
naiusal nito ang mga katagang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”Makaraan ang
ilang araw makalipas ilibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang
kanyang mga magulang. Hindi pala agad ito nakabalik dahil nagkasakit ang
kanyang ina. Labis ang paghihinagpis ng binata sa pagkawala ng kanyang
pinakamamahal.Hindi na muling bumalik sa kanyang bayan si Tanggol. Sa halip ay
araw-araw itong pumupunta sa puntod ni Liwayway upang bisitahin. Nadilig ng
kanyang luha ang puntod ng dalaga.Isang araw ay napansin nitong may
tumutubong maliit na halaman sa puntod ni Liwayway. Namulaklak ang halaman
at ito ay ubod ng bango. Tinawag ang halamang ‘sumpa kita’, ang mga huling
salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Sa kalunan, ang ‘sumpa kita’ ay
naging ‘sampaguita’.

AralHuwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi


totoong kwento tungkol sa iba dahil wala itong mabuting maidudulot
kaninuman.Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may
tiyaga, siguradong may magandang kahihinatnan ang iyong paghihintay.

You might also like