Kabanata 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kabanata 2

Ang

Ang lahat ng ito'y kay amang talastas,


kaya nga ang luha ni ina'y hinamak,
at ipinadala ako sa Atenas,
bulag na isip ko'y nang doon mamulat.

Sa oras ng pag-alis ni Florante papuntang Atenas ay


kapwa luhaan ang mag-ina sa pagpapaalamanan. Tila
nagpapahiwatig nang di na muling pagkikita ang mag-ina
sa pag-iyak ng ina. Kahalintulad ng bagyo na nagpabago sa
daloy ng alon sa karagatan. Ito ang naging bunga ng
matinding damdaming nadarama ng mahal na Prinsesa.
Halos mawasak ang kanyang puso. Kung pwede lamang
pigilan ang anak sa kanyang pag-alis; pigilan siya na huwag
ng umalis upang sila'y di na magkalayo o ipagpaliban muna
kaya ang kagustuhan ng Duke na papag-aralin ang anak sa
malayong pook!

"Florante," nagsasalitang yumakap sa kanyang anak,


di ko sukat akalaing ikaw na buhay ng aking buhay ay
malalayo sa aking piling! Inaasahan kong ito'y isang
salamimsim

"Di ka dapat umiyak mahal kong ina. Di ba't sabi mo'y


magiging masaya ka dahil malalaman ko ang tunay na
kaalaman."

"Tama ka anak, dapat akong magsaya sa karunu-ngang


iyong matutuklasan." Nakangiting pinapahid ang mga
luhang tumulo sa kanyang pisngi.

"Samakatuwid lilisan akong naliligayahan ka. Masdan


mo si ama na naliligayahan din dahil sa pag-aaral ng kanyang

mahal na anak sa sikat na paaralan sa Atenas."

"Pakatandaan mo anak na ang damdamin ko'y iba sa


damdamin ng iyong ama. Kasing tibay ng muog ang
kanyang puso at sing-kapal naman ng pader ang kanyang
dibidb. Ang kanyang kalooban ay kasing-tigas ng bato."

"Dahil ba dito'y di niya ako minamahal?"

"Ilagay mo sa iyong puso't isipan na ang pagmamahal


niya sa iyo ay walang hanggan. Ikaw ang lahat sa kanya
kaya naman pinipilit niyang mapaghandaan at mabigyan
ka ng isang maganda at maningning na bukas."

"Ganoon din ba ang pagtingin mo sa akin ina?"


"Siyang tunay mahal kong anak."

"Napakadakila mo ina! Babalik ako sa mas madaling


panahon upang alisin ang luha sa iyong mga pisngi."

"Mahal kong Florante!"


Lumapit sa kanya ang Duke. Maaaninag sa kanyang
mga mata ang mga luhang gustong lumaglag sa kanyang
mga pisngi. Nagsisikip ang kanyang dibdib.
"Aalis na ang sasakyan. Ito na ang tamang oras ng ating
paghihiwalay.

"Bakit ganito ang mga pangyayari? Briseo, ano itong


aking ginawa?" Yumakap sa kanyang asawa.

"Panatagin mo ang iyong puso," nakangiting turing ng


duke. "Tandaan mo na babalik din sa atin ang kagiliw-giliw
nating si Florante."

"Magtitiis ako aking asawa.'

"Tandaan mo na nasa pagtitiis ang tagumpay. Ang


kaginhawahan ay makakamit sa likod ng pagtitiyaga.
Kaluwalhatian ang katumbas ng pagsisikap."

home

end

num
lock

"Magpakabait ka anak. Huwag mong kalimutang


makisamang mabuti sa iyong kapwa. Ang mabuting
pakikisama ay sandata sa pakikibaka. Tandaan mong lagi
ang mga tulang baon mo sa iyong puso't isipan

"Paalam mahal kong anak!"

Naghiwalay ang mag-ina na tanging karagatan ang


naging tagapamagitan nila. Samantalang papalayo ang
kanyang sasakyan mula sa Albanya upang sapitin ang
malayong pook ng Atenas ay lalong tumitindi ang sakit ng
kalooban ng bawat isa.

Ang kanilang pagkakalayo ay magsisilbing kawalan ng


ningas ng maliit na lampara. Katulad ng pagkalagas ng mga
dahon sa tangkay ng panahon. Tila pagtitiklop ng pahina
ng mga aklat na magsisilbing tikom sa pagkakabasa at mga
titik nitong nagsilbing panghilam sa kanyang mga mata.
Subalit agad namang pagbubutihin ng panahon ang sugat
na dulot ng mga pangyayaring ito.

Itinuturing na may mataas na uri ng kabihasnan ang


Atenas. Kapitolyo ito ng sikat na Gresya na sentro ng kultura
at karunungan. Sikat dito ang mga pilosopo, mga kilalang
pintor at dakilang mga tagapagturo.

Ngayo'y tumapak ang mga paa ni Florante sa siyudad


na ito. Dito pabilisin ang kanyang isip, aayusin ang
kanyang kaisipan at bubuksan ang puso sa iba't ibang sangay
ng kaalaman.

Talaga namang di nagkamali ang mag-asawang duke at


prinsesa sa pagpapadala dito sa kanilang anak. Mabait at
marunong ang gurong magtuturo kay Florante, siya ay si
Antenor na sikat sa buong Atenas dahil sa husay nitong
pagbibigay ng karunungan sa batang kaisipan ng mga bata.
Ang lahi niya'y nagbuhat pa kay Pitako na isa sa pitong
marurunong sa buong Gresya.

ins
prt sc

dalola

May sambuwan halos na di nakakain,


luha sa mata ko'y di mapigil-pigil;
ngunit napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.

Ang kalungkutan ay di pa nawawala kay Florante kahit


na mag-iisang buwan na siya sa Atenas. Di mawala sa kanya
ang maamo at malungkot na mukha ng kanyang mahal na
ina. Ang kanyang tinig at pagpapaalam sa kanilang
paghihiwalay ang di mawala sa kanyang alaala. Ang
panahong ito'y isang buhay ng pakikitungo sa bago niyang
kalagayan. Isang buwan ng kalungkutan sa pagkakalayo sa
mahal niyang ina.

Tumigil ka na sa iyong pagluha Florante, payo ng


kanyang guro. Talagang masakit na malayo ka sa iyong
minamahal ngunit di naman ito makatutulong na iyong
malimutan ang mga pangyayaring ito.

Matatagalan ko kaya ang ganitong kalungkutan? Lagi


kong nagugunita ang lumuluha kong ina na nagdurusa sa
aking paglisan.

Tama kang magdamdam dahil sa mga pangyayaring ito


ngunit tanggapin mong ang buhay ay parang halaman.
Isipin mong ang punong tumigas ay mahirap ng baguhin.
Ipagpalagay mong ikaw ay isang halaman na taga sa
panahon kaya dapat ka nang ihapay sa mga dakilang bagay.

Tunay namang nasisiyahan ako sa piling ng aking mga


minamahal na magulang. Nararanasan ko sa kanila ang
talagang tamis ng kanilang paglingap. Natututunan ko sa
kanila ang tama at kabutihan.

Tama, anak ng isang hari ang iyong ina at isa namang


duke ang iyong ama na tanyag naman sa kabaitan at
katapangan. Puwede bang magbunga ng santol ang mabulo?
Ito ang dahilan kaya kahit sila'y nadaramdam sa iyong pag
alis ay pinapunta ka pa rin nila dito sa Atenas. Gusto nilang
matutunan mo ang kabantugan at mga kaalaman sa buhay.

Pinaniniwalaan ng iyong ama na ikaw ang tatahak sa


nilalakaran niya sa buhay. Huwag ka ng lumuha at ialis
ang pangamba na kakambal ng kalungkutan. Tanggapin
mo ang hamon ng buhay at harapin ang bagong pag-asa na
namamanaag sa sikatan ng iyong pamumuhay.
Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyo mahal kong guro.
Pinahid ni Florante ang mga luhang nanga-lalaglag sa
kanyang mga mata. Susundin kong lahat ang inyong mga
payo at utos mula sa araw na ito. Pag-aaralan kong lubos
ang lahat ng inyong itututo at mag-papakasaya ako upang
maging dapat sa inyong pagka-kandili at higit sa lahat ay sa
aking mga minamahal na magulang.

Iyan ang tunay na lalaki, ang natutuwang sagot ni


Antenor. Tandaan mong di umaatras ang tunay na lalaki.
Ang puso'y singtigas ng bato na di matitinag ng malakas na
alon sa may dalampasigan. Florante, magpakadakila ka
sapagkat may kasabihang "ang bayani habang nasusugatan
ay nag-iibayo ang tapang."

Kaya nga mula ngayon ay magpapakatigas na ako at


gagawin ang lahat upang maging tunay na lalaki. At sa huli,
ako'y magpapakadakila.

Iyan ang nais kong gawin mo. Di mo dapat dibidibin


ang iyong pangungulila sa mga minamahal mo sa buhay.
Sa paaralang ito'y mayroon kang kababata at kababayan.

Anong ibig ninyong sabihing kababata at kababayan?


Tanong ni Florante.

Kasi may nauna sa iyo sa Atenas. Mas matanda siya ng


dalawang taon sa iyo at pinopoon siya ng kanyang mga
kamag-aral.

Totoo po?
Matalino siya, laging nangunguna at pinaka-marunong

sa lahat. Adolfo ang kanyang pangalan at anak ng


kinikilalang konde ng Albanya.
Nakangiting natuwa si Florante sa sinabi ng guro. Kahit
mag-iisang buwan na siya sa Atenas ay wala pa siyang
kakilala sa mga kasama niya doon.

Gusto ko siyang makilala mahal kong guro, sabi ni


Florante.

Pamaya-maya nama'y dumating ang mga bata at siya'y


nilapitan. Alam nilang lahat ang kalungkutang nadarama
ni Florante sanhi ng pagkalayo sa kanyang mga magulang.
Si Menandro na pamangkin ni Antenor ay naroroon din.

"Ayan na sina Menandro," natutuwang sabi ni Antenor.


Makipagkaibigan ka sa kanila upang mabawasan ang
nilalaman ng iyong dibidb.

Ipinakilala ng guro si Menandro kay Florante.

Ako si Florante at iyong magiging kaibigan mula sa araw


na ito.

Kasamahan mo rin ako at kaibigan ninyong lahat.


"Magyakap tayo!" nagyakapan ang dalawang bata sa harap
ng kanilang mga kamag-aral.
Ipagbunyi si Florante! Malakas nilang sigaw.

Mabuhay si Menandroo! Mabuhay tayong lahat! Tugon


naman ni Florante,

Naligayahan ang guro sa kanyang nasaksihan. Nakita


niyang lumiwanag ang mukha ni Florante at nasisiguro na
niyang nawala na ang kalungkutan na kanyang nadarama
sa pagkalayo sa kanyang mga magulang.
Wala doon si Adolfo, ito ang napansin ng guro, kaya
itinanong kay Menandro.

Asan si Adolfo?

18

home

Marami daw ginagawa kaya di namin nakasama.

Gusto ko siyang makilala, sabi ni Florante. Kasi


kababayan ko raw siya.

Ipinatawag si Adolfo.
Mabuhay si Adolfo! Sigaw ng mga bata.
Mabuhay kayong lahat! Natutuwang sagot ni Adolfo

Ipinakilala ni Florante ang kanyang sarili kay Adolfo at


gayon din naman si Adolfo hanggang mapag-alaman nga
nilang sila'y kapwa taga-Albanya.

Anak ako ni Konde Sileno, sabi ni Adolfo.


Anak naman ako ni Duke Briseo, tugon ni Florante.

Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay! Mga sigawan ng


natutuwang mga bata, Iba-ibang laro ang kanilang ginawa
sa loob ng bakuran ng paaralan.

Ito ang naging simula ng pagkakaibigan nina Florante


at Menandro. Higit pa sa tunay na magkapatid ang kanilang
pagsasamahan. Kapag nakikita ni Menandrong dinadalaw
ng kalungkutan si Florante ay agad niya itong aaliwin.
Kadalasan sila'y nagkakatapan ng kanialng kalooban at
pinag-uusapan ang kagandahan at kagalingan ng malayong
bayan ni Florante.

Sa pag-uwi ko sa aming bayan ay ipagsasama kita, sabi


ni Florante kay Menandro. Ang aming bansa'y sikat sa
buong pook at pinupuntahan ng iba't ibang bansa sa mundo.
Mas masaya doon kay sa Atenas dahil sa mga magagandang
kaligayahang dulot ng aming kaparangan na nagbibigay ng
lakas at kalusugan ng katawan.

Ang ibig mo bang sabihi'y sikat pa sa Atenas ang iyong


bayan?

Sa karununga'y sikat ang Atenas ngunit ang aming


19

prf s

baya'y sikat sa kagitingan at kabayanihan, sabi ni Florante.


Gusto kitang maisama doon upang makita mo ang
katapangan ng mga mandirigma doon. Sa pook na ito'y higit
kang mabibigyan upang maipakilala ang mga katangiang
iyong taglay
Nahihikayat akong makarating sa iyong bayang
Albanya. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataong makasama
mo doon, titiyakin kong hindi kasikatan ang pakay ko kundi
ang pagnanais ko lamang di na mawalay pa sa iyo habang
nabubuhay

Napakadakila ng iyong puso Menandro, sabi ni Florante.


Nabibigyan ako ng walang hanggang kasiyahan at sigla ng
iyong tapat na pakikisama na nagpapadama sa akin ng
pagmamahal ng aking mga magulang.

Di ko nga maunawaan, Florante kung ano na itong


nadarama ko para sa iyo bilang aking matalik na kaibigan,
tugon ni Menandro. Nagayuma ako ng iyong mabuting
kalooban. Ipinababatid ko sa iyo na nabuhos ko nang lahat
ang pagtitiwala ko sa iyo mula ng tayo'y magkasama.

Ganoon din ako Menandro, sabi ni Florante. Huwag


mong isipin na ikaw ay pinupuri ko samantalang nandito
naman ang kababayan kong si Adolfo. Ewan ko ba, kung
bakit napansin ko sa aking sarili na malayo ang kalooban ko
sa kanya.

Buti naman at sinabi mo io sa akin. Sasabihin ko na rin


sa iyo na hindi rin malapit ang kalooban ko sa kanya at di
ko rin naman siya kinagigiliwan, tugon ni Menandro.

Di ba't kinikilala siya ng iyong mga kamag-aral na


pinakamarunong sa klase?

Tama, noong wala ka pa. Ang talas ng kanyang isip ang


nakaakit sa amin. Ako, mga kamag-aral ko at ang aming
gurong si Antenor ay humanga din sa kanya. Ito rin ang
pagkilala ko sa kanya. Dinadakila siya, tanungan at

20

end

pg up

halimbawa. Kaya lamang sa lahat ng ito'y nangingilag pa


rin ako sa kanya at di nagtitiwala.

Magkaisa tayo sa ganitong paniniwala. Sa kabila ng


kanyang mga ipinamamalas ay di pa rin ako lubos na
nakikisama sa kanya at nagtitiwala. Gusto kong malaman
mong di ako naiinggit sa kanya subalit ibinubulong ng aking
konsensya ng di tunay na kaibigan si Adolfo at di dapat
pagtiwalaan.
Talaga nga kayang siya'y di dapat pagtiwalaan.
Nakapanghihinayang naman, gayong anak siya ng marangal
na konde ng Albanya. Ano pa ang iyong napapansin nitong
mga nakaraang araw.

Talaga siyang malihim. Makikita mong di natural ang


kanyang mga kilos. Sa kanyang pagsasalita'y tila isa siyang
likas na maginoo. Mapapansin mong sa kanyang mga
paglalakad ay laging nakatungo na tila may malalim na
iniisip. Di ko rin naman siya naringgan ng paninirang puri
sa kanyang kapwa. Wala siyang hilig sa pakikipagdebate.
Di magulo at mapag-paumanhin naman siya.

Di padalos-dalos na nakikigulo kung kaya naman di


pinagsisimulan ng gulo.

Kahanga-hanga nga siya! Dahilan kung bakit ganoon


na lamang ang papuri at paggalang sa kanya ng kanyang
mga kamag-aral. Sabagay, nasabi ko lamang ito sa iyo
Florante dahil sa sarili kong palagay. Basta ang alam ko'y
natatakot akong siya'y pagtiwalaan.

Si Menandro'y napatawa na sinang-ayunan din ng tawa


ni Florante. Hinawakan ni Menandro si Florante sa balikat
at nagwika...

Gagawa ako ng paraan na makasama mo sa Albanya


mahal kong kaibigan. Tandaan mo rin naman na ako'y
kakampi mo sa kalungkutan, kasawian, kasiyahan at
tagumpay.

21

Maraming salamat Menandro. Nasisiyahan ako sa


Atenas dahil nakilala kita Menandro na aking
napagsasabihan ng aking nadarama. Mayroon akong isang
matalino at mabait na guro. Menandro, sandata kita at
liwanag ko naman ang mahal nating guro.

Mabilis na lumipas ang panahon katulad ng tulin nang


paglalakad.

Ito ang simula ng pag-ani ni Florante ng paghanga ng


kanyang mga kamag-aral. Nagliwanag na parang buwan sa
kabilugan ang paligid bunga ng mahusay na
pakikipagkapwa at kahanga-hangang katalinuhan niya.
Nagulat ang guro at mga kamag-aral niya sa kagulat-gulat
na bilis ng kanyang pagkatuto sa tatlong sangay ng kaalaman
gaya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika. Kahit unang
nag-aral si Adolfo kaysa kanya ay nalagpasan niya ito.
Nakapagtataka ang mabilis niyang pagkatuto at sa loob ng
anim na taong paglipas ng panahon ay inawit na sa buong
Atenas ang kapurihan at karangalang kanyang nakuha.
Sumikat ang kanyang pangalan na naging usap-usapan ng
mga tao, mula sa kanyang kabataaan hanggang katandaan.
Naging tampulan siya ng usap-usapan sa kakaibang
katalinuhang kanyang ipinakita. Bulaklak ng papuri ang sa
kanya'y inihahagis. Bango ng kamanyang ng paghanga ang
isinuob sa kanya. Iniluklok ang kanyang kapurihan. Kinanta
ang kanyang kasikatan. At niluhuran ng mga nagsisipag
aral

Natarok ang lalim ng pilosopiya,


aking natutuhan ang astrolohiya,
natantong malinis ang kataka-taka
at mayamang dunong ng matematika.

Sa loob ng anim na taong lumakad


itong tatlong dunong ay aking nayakap,
tanang kasama ko'y nagsipanggilalas,
sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak.

22

me,

end

num

lock

Ang pagkatuto ko anaki'y himala


sampu ni Adolfo Ay naiwan sa gitna
maingay na pawang tagapamalita,
sa buong Atenas ay gumala-gala.

Ipinagmamalaki ka hindi lamang ng ating paaralan


kundi pati ng buong Atenas, Florante, wika ng guro. Sa
mahaba at maraming taon ng pagtuturo ko sa paghubog ng
kaalaman ng mga kabataan ay ngayon lamang ako nakakita
ng taong di mapapantavan ang katalinuhan.

Isang kahali-halinang ngiti ang ipinakita ni Florante sa


kanyang guro; ngiting gustung-gusto ring makita ng
kanyang mga kasama. Sa pamamagitan ng mga ngiting yaon
ay naipaabot ni Florante ang kanyang pagtanaw ng utang
na loob sa guro.

Guro kong mahal, sabi ni Florante; di po ba ang katibayan


ng bakal ay nasa gumawa nito? At ang inilulusog ng
halaman ay nasa nag-aalaga nito?

Napangiti si Antenor. Naintindihan niya kung ano ang


ibig sabihin ni Florante. Ibinabalik ni Florante ang papuri
sa kanya at itinatampok sa kanya ang karangalan.

Ikaw naman Florante ang bakal na naging ginto. Ikaw


ang ginto.

Di po ako ginto lalong di brilyante. Bakal akong inyong


pinanday at hinubog upang maging isang kasangkapan. Di
ko pa po masasabi kung ano ang aking gagampanan para
pakinabangan ng nag-mamay-ari sa akin. Nawa'y maging
araro ako upang magamit na pambungkal ng mga bukirin.
Maging sangkap nawa ako ng isang patalim upang magamit
akong pamputol ng kahoy na di nagbubunga.

Ano ka man, bakal, ginto, brilyante o alinman, kinikilala


ka na ngayon ng buong Atenas. Ang iyong pangalan
Florante ay kikilalaning bantog ng buong kamunduhan sa
takdang panahon.

23
Natigilan sa pangangatwiran si Florante. Pumaitaas ang
kanyang kawalang alam sa kahambugan at nanaig ang
pagkamababang loob.
Ang lahat kong tinatamo ngayong kapurihan na kapit
sa aking pagkatao ay utang ko sa inyong lahat. Binuksan
ninyo ang tulog kong diwa. Hinubog ninyo ako at binuksan
ang puso't kaisipan. Tama kayang ihandog ko sa inyo ang
karangalang tinamo ko sa inyo? Tulad ng nasabi ko na, na
ang halaman ay di yayabong kung di naging mabuti ang
dito'y nag-aalaga.

Niyakap ng guro si Florante.

Nagbibinata ka na Florante. Masaya ang iyong kinabu


kasan. Lipos ng kaningningan ang iyong hinaharap.
Maaalala mo pa kaya ang iyong guro kapag ika'y sikat na?

Napuno ng pag-aalala ang pagkatao ni Florante.


Tumagos sa kanyang puso ang sinabi ng guro. Nadama niya
ang bigat ng tungkuling nakaatang sa kanyang balikat. Agad
niyang nagunita ang magagandang itinuro ng kanyang ama.

Itinuturing ko na kayong pangalawa kong magulang.


Ang inyong kapaguran sa pagtuturo sa akin ay di ko
malilimot at kahit anong tagumpay ang aking matamo sa
inyo ko pa rin ibibigay ang mga alaala.

Samantalang ipinagbubunyi ang kapurihang nakamit ni


Florante ay mayroon namang nalulunod ng kanyang
panibugho at kasamaang ugali. Si Adolfo na may maruming
puso na balot ng pagkukunwari. Mula ng mawala sa kanya
ang paghanga ng mga kamag-aral at malipat sa kanyang
kababayan ay napuspos na ang kanyang kaluluwa ng poot
at lihim na galit. Ang pagkainggit ay tila dugong
gumagapang sa ugat ng kanyang pagkatao. Tumindi ang
pagkagalit niya kay Florante.

Ang katotohanan nito'y nangingilag din sa kanya si


Florante. Layo ang loob niya dito. Pakiramdam niya'y di

24

end

maliwanag ang paligid kapag ito'y kanyang katabi. Alam


niyang may bahid ng kataksilan ang kanyang hinaharap sa
pakikitungo sa kanya. Dahil dito, lalong bumibigat ang puso
nila sa bawat isa na hindi naman nahahalata. Kasing lalim
ng dagat ang kalooban ni Adolfo na mismo ang kanyang
guro ay nahirapang ito'y matarok. Mabuti na lamang at
pinapayuhan ni Antenor at Menandro si Florante upang
ang guni-guni niya ay mawala at maglahong kasama ng mga
ulap sa kalangitan.

Aral:
Makalagakin ang duwag at gamitin sa kabutihan.

TALASALITAAN

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1.
kabutihan
9. naggsipanggilalas
2. guniguni
10.
tampulan

3.

mahalagahin
11.
karunungan
4.
ipinagbubunyi
12.
panibugho
5. kabayanihan
13.
kaibuturan

6.
hinubog
14.
nangipuspos
7. yayabong
15. kataksilan
8. kaningningan

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang higit


na maunawaan ang nilalaman ng kabanata:

1. Sino si Antenor?
2. Anong klaseng guro si Antenor?
3. Ano ang relasyon ni Antenor kay Menandro?

25

prf sc

4. Ilarawan kung anong klaseng tao si Menandro.


5. Sino si Adolfo?

6. Ano ang ipinakita ni Florante sa paaralan na


ikinagulat ng guro at mga kamag-aral niya.
7. Ano ang nadama ni Florante sa mga papuring
natanggap niya?
8. Anong klaseng mag-aaral si Florante? Ipaliwanag.
9. Ano sa palagay mo ang hinaharap ni Florante sa

Atenas?
10. Ipaliwanag ang aral.

You might also like