Professional Documents
Culture Documents
Talumpati Ni Ayer
Talumpati Ni Ayer
Lahat ng tao nakakaranas ng pagbabago. At masasabi kong ang pagtapak sa senior high
school maraming pagbabago ang mararanasan at personal ko itong naranasan. Hindi masama ang
pagbabago ang masama ay hindi ka sumabay sa pagbabago. Sabi nila mahirap maging senior
high, sabi ko naman,"mahirap talaga. "Pero wala namang madaling gawa, may proseso kang
dapat pagdaanan upang maging madali ang mahirap.Aking isasalaysay ang pagbabagong aking
Noong June 3, 2019 unang araw ng pasukan, unang araw ng pakikipagsapalaran sa mundo
ng senior high school. Bagong kapaligiran, bagong kamag-aral, bagong guro at bagong
nakasanayan. Natakot ako sa pagbabagong ito, kasi hindi ako sanay. Naiilang ako sa mga bagong
tao na nakapaligid sa akin. Normal lang naman ang matakot sa pagbabago, pero hayaan natin na
tayo ay masanay sa pagbabagong ito. Bawat araw na lumipas ramdam kong ang takot ay unti-
unti nang nawawala at napalitan ng saya. Masaya pala ang maging senior high, masaya dahil sa
mga kamag-aral kong masayahin. Dahil sa paulit-ulit kong ginagawa nasanay na ako sa
pagbabago. Oo! mahirap ang maging senior high school pero sa tulong ng mga taong
nagmamahal sayo. Mahirap kung iisipin mong mahirap. Mahirap kung hindi mo seseryosuhin
.Mahirap kung di ka masaya. Laging nating tatandaan ang senior high school ay paghahanda sa
ating kinabukasan. Tayo ay nasa senior high dahil may pangarap tayo. Hinahanda tayo para
maging"professional. "Sabihin man nating dagdag 2 taon lang ang senior high school, pero ang 2
matuto. Nais ng mga guro na maging handa tayo.At nais nila tayong maging "professional.
"Mahirap man ang maging senior high school student ngunit napakalaki namang biyaya kung
sakaling matapos natin ito. Sa dalawang taon ng senior high school, marami tayong makikilala,
marami tayong matututunan, marami tayong malalaman at makikilala natin ng lubos ang ating
Bilang senior high school students hawak natin ang ating kinabukasan. Tayo ang
humuhulma sa sarili nating profession. Lagi lamang nating tatandaan ang katagang ito, "The
Longest Journey Starts With A Single Step. "Ang senior high school ay isa sa tinutukoy bilang"a
single step. "Hindi tayo magiging kung ano ang gusto natin sa isang kisap mata, kailangan ng
proseso. Ang buhay ay isang malaking proseso, sa pagtapak sa senior high school ay
pagsasagawa rin ng proseso. Kailangan natin magkaroon ng pangarap, dahil ang pangarap ang
siyang magtutulak sa atin na gumawa at kumilos. Uulitin ko na ang senior high school ay
talagang mahirap. Pero kayang-kaya naman kung pursegido at malawak ang pananaw sa buhay.
Sa pagiging senior high school ikaw ay mayroong katangian tulad ng pagyakap sa pagbabago at