Professional Documents
Culture Documents
Masamang Epekto NG Paninigarilyo Sa Mga
Masamang Epekto NG Paninigarilyo Sa Mga
Kabataan,Kalusugan at Pag-aaral
Panimula
Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kalalakihan ang kadalasang
gumumagawa at gumagamit. Sa panahong ito Malaya ng mga kabataan na gawin ang
paninigarilyo kahit saan at anumang oras. Ito ay nakakasama at maari itong mag dulot ng hindi
kaaya-aya sa pandinig ng mga tao sa lipunan at nag bibigay ng mga sakit sa ating katawan.
Marami ng mga kabataan ang pumasok sa bisyong ito. Ang paninigarilyo ay ginawa na nilang
libangan o pampalipas-oras ngunit maraming masamang ipekto ito sa ating kalusuga at pag aaral
Kabatan ang kadalasang biktima ng paninigarilyo. Kahit hindi na gimagamit o gumagawa ang
tao ng ganitong bisyo hindi maiiwasan ang mga dalang apekto nito sa kanya. Ang usok ng
sigarilyo ay naipapasa sa mga taong katabi ng naninigarilyo. Hindi na namamalayan ng mga tao
na ang usok na nalalanghap nila mula sa sigarilyo nakakasama na sa kanilang katawan. Ang
masasamang epekto ng paninigarilyo ay maaaring mag simula sa maliit na karamdaman
hanggang humantong sa kamatayan. Ito ay nag dudulot ng hindi maganda sa ating katawan at
maging sa ating kinabukasan.
Paglalahad ng suliranin
Sa panahon ngayon dito sa ating bansa ay pabata na ng pabata ang mga batang
naninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ngkamatayan sa buong mundo. Ayon sa
Department of Health, isang tao kada labing tatlong (13) segundo, o isang milyong katao taun-
taon, ang namamatay dahil sapaninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso,
baga,kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas nasanhi ng pag- atake
ng hika.Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapanghuminga, laging
bumabahing at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabagoang pang- amoy at panlasa. Ang
paninigarilyo ay maaari ringmakapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng
ngipinat mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.Kung ang taong
naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects,ang taong nakakalanghap naman ng usok ng
sigarilyo ang nakakakuha ngsidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi
kananinigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok
ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sananinigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng
mga masamangkemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi
namannaninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara samga taong
talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ngpagsakit ng ulo, at pagtutubig ng
mata. Ang mga passive smokers ay maymas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng
kanser.
C. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga epekto ng
paninigarilyo ng mga kabataan sa kanilang kalusugan at pag-aaral. Makakatulong din ito sa mga
hindi na ninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.
1. Tukuyin kung ano ang mga pwedeng maging epek to ng paninigarilyo sa
kalusugan ng kabataan.
2.Alamin kung paanu nakakaapekto ang paninigarilyo sa pag -aaral.
D. KAHALAGAHAN NGPAG-AARAL
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ngmga kabataang sa
murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ngpaninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan
makakatulong ito kung hindi na rinsa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo.
Makakatulong din ito sa mga hindi na ninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang
bisyona ito. Ayon sa mga mananaliksik ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ayang maka
paghatid ng impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo sa
kalusugan at pag-aaral ng mga kabataan ,at maipabatid sa publiko ang problema ng ating bansa
upang mabigyan ng solusyon at mabawasan ang bilang ng mga batang gumagamit ng masamang
bisyo tulad ng paninigarilyo.
Baryabol
.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA