Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik Ayon Sa Mga Dalubhasa
Pananaliksik Ayon Sa Mga Dalubhasa
Pananaliksik Ayon Sa Mga Dalubhasa
Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na
nangangailangang bigyan ng kalutasan.
Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga
bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin
tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.
Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap
ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan.
Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang
bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha
ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa
isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. Ayon kina Calderon at
Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap,
pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na
nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at
pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao.
Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal
na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural
na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na
nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya.
Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay
nakaplano.
Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at
kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o
aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang
komposisyon sa musika.
Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,
konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan
ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at
malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat,
kapakipakinabang na pagpupunyagi.
Layunin ng Pananaliksik
1. Makadiskubre ng bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng penomena.
2. Makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.
3. Mapagpabuti ng mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati ng kilalang subtances at elements
6. Mapalawak ang mga umiiral na kaalaman
Kahalagahan ng Pananaliksik
Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga nais pang manaliksik sa mga pag-aaral na may kinalaman
sa paksang ito sa hinaharap. Maaari nilang gamitin ang mga nakalap nang impormasyon at maaari
rin sila magdagdag ng mga panibagong kaalaman.