Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Mga Namayapa Kong Kababayan

salin mula sa Ingles nina Myrna Cagampang at Camille Soriano

Ang aking kababayan ay namatay sa krus


Sila’y namatay habang ang kanilang kamay
Ay nakadipa sa gawing Silangan at Kanluran
Ang natitira nilang paningin
Ay nakatitig sa kadiliman

Nang matatag…namatay silang tahimik


Sapagkat ang sangkatauha’y nakapinid ang tainga
Sa kanilang pagtangis. Namatay sila
Dahil hindi nila nilingap ang kanilang kaaway
Namatay dahil mahal nila ang kanilang kapwa
Namatay sila dahil nagtiwala sila sa sangkatauhan
Namatay sila dahil hindi nila pinahirapan ang mga tampalasan

Namatay dahil sila ang mga dinurog


Na bulaklak at hindi ang mga nanyurak na mga paa
Namatay sila dahil sila ang tagasulong ng kapayapaan.
Namatay sila sa gutom sa lupain na sagana sa kabuhayan
Sila’y namatay dahil ang mga halimaw

Mula sa impyerno ay nabuhay at sinira ang lahat


Ang kanilang pinagyamang palayan at winasak
ang lahat at kahuli-hulihan na natira sa kanila.
Namatay sila dahil ang mga ulupong
At ang mga anak ng ulupong ay naghasik ng kamandag
Sa lugar ng Holy Cedars at ang mga rosas at jasmine ay nilalanghap
Ang kanilang halimuyak

You might also like