Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

A N

U N
LIP
A N
P
N G
L I R RA
A
RS G UE
ARICE E
SAAT NAU
T OTE
K
EAMA R AN

O Y C.
PDRENNIS
ARALIN 25
ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1914 - 1918
• Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig
noong Agosto 1914
• Kumplikado ang dahilan: Una ay ang pag-
aalyansa ng mga bansang Europeo at ang
pangalawa ay ang pag-uunahan nila sa
teritoryo
• Ang mga ALLIED FORCES at CENTRAL
POWERS ang magkatunggali
FRANCE

GERMANY

BRITISH EMPIRE ALLIED FORCES

RUSSIAN EMPIRE CENTRAL FORCES AUSTRIA-HUNGARY

JAPAN

OTTOMAN EMPIRE

UNITED STATES

BULGARIA
• Noong napatay si Archduke Ferdinand , nagsimula ang
mobilisasyon ng mga sundalo sa Europa at sumiklab ang
digmaan.
• Bagamat nakasentro ang digmaan sa Europa, nagkaroon
din ng labanan sa Asya dahil sa spheres of influence at
interes ng mga Kanluranin sa China.
• Sinakop ng Japan ang mga teritoryo ng Germany sa China
(Shantung) at Pasipiko (Carolina at Marianas).
• Ipinilt ng Japan ang 21 Demands nito sa China,
nagsumbong ang huli sa League of Nations pero hindi
nila ito inaksyunan.
• Sumali ang China (matapos pasabugin ang isang French
ship na may lulang mga Tsino) at ang United States sa
Digmaan noong 1917
• Sumali ang China sa digmaan upang makilala at
respetuhin siya ng mga Kanluranin
• Tumulong ang mga kolonya ng British Empire,
partikular ang India, nung kasagsagan ng Digmaan
• Nagkaisa ng mga Muslim at Hindu sa India upang
makamit ang kalayaan, si Mahatma Gandhi ang
nanguna sa ahimsa o non- violent movement
• Sa Pilipinas, binuo ang Guardia Nacional upang
ipadala sa Europa para makatulong sa tropa ng mga
Allies, na itinaguyod ni Gobernador-Heneral Francis
Burton Harrison at Pangulong Manuel Quezon
• Hindi naipadala ang mga tropang Pilipino sa Europa
dahil sa kakulangan ng pondo at suporta galing sa
United States
Woodrow
Raymond George V Nicolas II Wilson Yuan
Poincare BRITISH RUSSIAN Taisho UNITED Shikai
FRANCE EMPIRE EMPIRE JAPAN STATES CHINA

Wilhelm II Franz Josef I Mehmed V Ferdinand I


GERMANY AUSTRIA-HUNGARY OTTOMAN EMPIRE BULGARIA
MGA EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
• Natalo ang Central Powers sa digmaan at isinagawa ang pulong sa
Versailles, France upang pormal nang tapusin ang digmaan at pag-
usapan ang kaparusahan ng mga natalong bansa
• Humina lahat ng mga bansang Europeo ngunit ang United States at
Japan (dahil malayo sila sa lugar ng labanan) ay lumakas at itinuring
na mga superpowers
• Mga Pangyayari bago at pagkatapos ng pagpupulong sa Versailles
JAPAN: napasakamay ang Shantung at napunta sa kanya ang mga isla na
nasa dakong hilaga ng Ecuador na dati’y kolonya ng Germany,
ngunit hindi pinansin ng mga Kanluranin ang hiling ng Japan na racial
equality
CHINA: walang nakuha ang mga Tsino o nabawing lupain at hindi
pinirmahan ang Kasunduan ng Versailles, naganap ang May Fourth
Movement na siyang nagpayanig sa pamahalaang Tsino at New
Culture Movement na siyang nagtakwil sa Confucianism
• Naganap ang Russian Revolution noong 1917 na kung
saan napatalsik sa trono si Nicolas II at ang kanyang
pamilya at namuno ang mga Bokshelviks (mga
komunista) sa Russia
• Itinatag ang League of Nations noong June 28, 1919
matapos pirmahan ang Kasunduan sa Versailles
• Itinatag ang League of Nations upang maiwasan na ang
pagkakaroon ng isa oang digmaang pandaigdig
• Ang Japan lamang ang Asyanong nasyon na kasali sa
League of Nations
• Hindi sumali ang United States sa League of Nations
dahil ayaw nitong sumali sa mga bagay na hindi ukol sa
kanya at baka masali pa ito sa mga problema na walang
kinalaman sa kanya
• Isang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng
mga Kanluranin sa Kanlurang Asya.
• Humina at dahang-dahang bumagsak ang Ottoman Empire
kasabay ng pagkakatuklas ng langis sa Kanlurang Asya ng mga
Kanluranin noong 1917
• Isinagawa ang mandate system matapos sakupin ng mga
Kanluranin ang mga bansa sa Ottoman Empire
• PAGHAHATI-HATI NG LUPAIN SA KANLURANG ASYA:
BRITISH EMPIRE: Palestine
FRANCE: Syria at Lebanon
• Napanatili ng Saudi Arabia ang kalayaan nito sa ilalim ni Haring
Ibn Saud ngunit lahat ng mga kompanyang nanglinang ng langis
nito ay mga dayuhang kompanya
• Ang Balfour Declaration ay inilabas ng mga English na
nagsasabing ang Palestine ay bubuksan sa mga Jews
ANG ASYA SA GITNA NG DALAWANG DIGMAAN
• Nagsimula ang pag-aarmas ng iba’t ibang mga bansa, nagikaroon
ng arms race o paramihan ng mga armas pandigma sa pagitan ng
mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
• Dahil sa hinala na baka mauwi ito sa isa pang digmaan, tumawag
ang United States ng isang kumperensya sa Washington D.C. noong
1921
• Nilagyan ng mga limitasyon ang laki at dami ng mga battleships at
nagkasundo na hindi magtatatag ng ibayong pagpapalakas sa mga
base militar sa Asya.
• Sumama ang United States, England, Japan, France at Italy sa
pagpupulong
• Nagkasundo naman sa isang kumperensya ang United States,
Japan, England at France na rerespetuhin ang kolonya ng bawat
isa at rerespetuhin ang integridad ng China
• Nagkaroon ng malakas na pamahalaang republika sa China sa
pamumuno ni Chiang Kai Shek, ngunit hindi pa rin pantay ang mga
kasunduan ng mga dayuhan sa mga Tsino kaya nagkaroon ng mga
boykot laban sa kanila
• Itinatag ang Partido Komunista ng Tsina na pinamunuan ni Mao Ze
Dong na kung saan kinalaban ang Kuomintang na naging sanhi ng
pagtugis at pagtulak sa kanila papuntang Hilagang Tsina o Long March
• Sinakop ng Japan ang Taiwan noong 1895 at sinakop ang Korea noong
1910 sa takot na baka maapektuhan ang kanyang mga interes sa
buong China mismo ng mga protesta ng mga Tsino laban sa kanya
• Bukagsak ang stock market ng United States noong 1929 at doon
nagsimula ang Great Depression, na kung saan nahirapan ang mga
bansa sa kanilang ekonomiya, lalo na ang Japan na dahang dahang
ipinasok ang kanyang bansa sa militarisasyon upang manakop sa mga
karig nitong mga lupain
• Sinulusyonan ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ang
Great Depression sa United States sa pamamagitan ng New
Deal, na kung saan binigyan ang mga Amerikano ng trabaho
• Lumakas sa India ang kilusang nasyonalismo at nagkaisa ang
mga Hindu at Muslim pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig, na nagsagawa ng mga rally, demonstrasyon,
boykot, at civil disobedience, na naging resulta sa pagbabago
sa pamahallan ng mga English dun noong 1935 at pagpasa ng
isang batas na nagbibigay awtonomiya sa pamahalaan ng India
• Sa Pilipinas, tuloy tuloy ang pagpapadala ng mga independence
missions sa United States upang ipahatid ang hinaing mga mga
Pilipino na lumaya, na siyang nagbunga ng pagpasa sa Batas
Tyding-McDufIe na naging susi sa pagkakatatag ng
Pamahalaang Komonwealth at pagkatapos ay kalayaan
PATUNGO SA IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
• Nilusob ng Japan ang Manchuria noong Setyembre 1931 dahil sa pagiging
sagana nito sa hilaw na materyales na kailangan ng Japan at sa pagiging
malawak nito na maaring tirahan ng mga migranteng Hapon dahil sa
paglaki ng populasyon nito
• Itiinatag ang Republic of Manchukuo na isang puppet state ng mga Hapon
na pinamunuan ni Emperor Puyi (huling Emperor ng China at pinakahuling
pinuno ng Qing dynasty) na nagsanhi ng pagprotesta ng League of Nations
at ang United States, ngunit hindi ito pinansin ng mga Hapon
• Noong 1935, tumanggi ang Japan sa kasunduan na naglilimita sa mga
warships at noong Hulyo 1937, biglang nilusob ng mga Hapon ang China
• Sa paglusob ng Japan, nakatuon ang pansin nito sa Nanjing na kapitolyo ng
China, dito naganap ang malagim na Rape of Nanking na kungg saan libo-
libong mga Tsino ang pinatay, ginahasa at pinahirapan at nagsagawa ng
malawakang kaguluhan
• Upang palakasin ang kanyang pwersa, nakipag-alyansa ang Japan sa
Germany at Italy, na siyang naghudyat sa pagpirma ng Tripartite Pact
noong Setyembre 1940, na kung saan tinawag silang Axis Powers,
tinawag namang Allied Forces ang United States, France, British
Empire at iba pang mga bansang sakop o kakampi nila
• Bilang sagot sa mga protesta, nagpalabas ng deklarasyon ang Japan na
nagsasabing ang layuunin nito ay ang pagbuo ng Bagong Kaayusan sa
Asya na kung saan hangarin niyang bumuo ng Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere na kung saan ang Asya ay para lamang sa mga
Asyano at ang mga Kanluranin ay dapat paalisin sa Asya
• Tinugunan ng United States ang pagiging agresibo ng Japan sa
pamamagitan ng paghinto ng pagluluwas ng langis at raw materials sa
Japan at pag-freeze ng mga pera ng Japan sa United States at Pilipinas
• Dahil dito, binalak ng Japan na atakihin ang Ttimog Silanagng Asya at
pakinabangan ang mga yaman nito , na kailangang gawin ng biglaan
upang sa gayon ay maparalisa nito ang hukbong pandagat ng United
States na nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
1939-1945
• Nag-umpisa sa Europa noong Setyembre 1939 ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, dahil ang India ay kolonya ng British Empire, binigyan ng suporta
nito ang British Empire, ngunit ayaw ni Mahatma Gandhi ang ginagawa ng mga
British kaya siya inaresto, na nagresulta sa malawakang demonstrasyon
• Huling nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya, na nagsimula
nang nilusob ng Japan ang Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 sa Hawaii
(Disyembre 8 sa Asya), kasabay ng pagsalakay ng mga Hapon sa Thailand,
Malaya, Hong Kong, Pilipinas (binomba ang Maynila, Baguio at Davao) at iba
pang mga kolonya ng mga Kanluranin sa Timog Silangang Asya
• Bumagsak ang mga teritoryong sakop ng British Empire, Netherlands at United
States, na naging hudyat ng mabilis na pananakop ng Japan sa Timog Silangang
Asya at sa Pilipinas ito bumagal (pagkatapos ay bumagsak ang Bataan noong
Abril 9, 1942 at Corregidor noong Mayo 6, 1942) ngunit nasakop nila ito at
tuluyang napasakamay ng Japan ang buong Timog Silangang Asya
FRANCE

NAZI GERMANY

BRITISH EMPIRE ALLIED FORCES

UNITED STATES
AXIS FORCES ITALY

SOVIET UNION

CHINA JAPAN
Winston Franklin
Charles de Churchill Roosevelt Joseph Stalin Chiang Kai-
Gaulle BRITISH UNITED SOVIET Shek
FRANCE EMPIRE STATES UNION CHINA

Adolf Hitler Benito Mussolini Hirohito


GERMANY ITALY JAPAN
• Kinailangan ng Japan ang Timog Silangang Asya dahil sa likas na
yaman nito tulad ng langis, rubber, mineral, bigas, bulak, asukal at
iba pang mga produktong agrikultural
• Ang Thailand ay nagsilbing neutral ngunit pinayagan nito ang mga
Hapon na dumaan sa kanilang teritoryo papuntang Malaya at
Burma
• Maluwag na tinanggap ng mga Indonesian at Malay ang mga
Hapon dahil sa propaganda ng Japan na susuportahan nito ang
paglaya ng mga dating kolonya ng mga Kanluranin
• Idineklara ng Japan na malaya ang:
BURMA (Ba Maw)
PILIPINAS (Jose P. Laurel, noong Oktubre 1943)
• Tumawag ang Japan ng isang kumperensya para sa Kalakhang
Silangang Asya na naganap noong Nobyembre 1943 na siyang
unang kumperensya para sa mga pinuno ng mga bansang Asyano
Wan Waithayakon Subhas
THAILAND Chandra
Ba Maw Bose
BURMA Wang Jose P. Laurel INDIA
Jingwei PHILIPPINES
Hideki
CHINA
Zhang Jinghui Tojo
MANCHUKUO JAPAN
• Nabuo ang mga kilusang pangkalayaan na sinusuportahan
ng mga Hapon katulad ng Indian Independence Army.
• Nagkarong ng problema sa ekonomiya ang mga bansa sa
Timog Silangang Asya dahil panahon ng digmaan at
kinukuha ng Japan ang kanilang mga likas na yaman,
naging masama ang pagtrato ng mga Hapon sa kapwa
nilang Asyano na naghudyat ng pagkakatatag ng mga
kilusang nais ang pabagsakin ang Japan tulad ng United
States Armed Forces in the Far East o USAFFE at ang Hukbo
ng Bayan Laban sa Hapon o (HukBaLaHap) sa Pilipinas,
nagkaroon din ng mga pag-aaklas sa Indonesia
• Matapos makabangon muli ang United States mula sa
pagsabog ng Japan sa Pearl Harbor, pinagtuunan nito ng
pansin ang digmaan sa Europa; pagkatapos nito, hinarap na
ng mga Amerikano ang Japan
• Unti-unting natalo ang mga Hapon sa labanan sa Pacific:
Midway at Guadalcanal (1942)
New Guinea (1943-1944)
Guam
• Nahinto ang pagsugod ng Japan sa India at Australia, hindi
nagapi ng mga Hapon ang mga Tsino bagamat labis ang
hirap na dinanas ng mga Tsino dito
• Noong Agosto 1945, tuluyan nang sumuko ang Japan
matapos bagsakan ng bomba atomika ng United States ang
Hiroshima nong Agosto 6, 1945 at Nagazaki noong Agosto 9,
1945
MGA EPEKTO NG IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG
• Dahil sa digmaan, maraming mga lungsod ang nasira sa Asya,
milyun-milyong katao ang namantay dahil sa haba ng digmaan,
maraming naghirap at nagutom sa Japan matapos ang digmaan, na
inokupa ng mga Allies sa pamumuno ni Heneral Douglas
MacArthur
• Nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang Japan at binuwag ang
hukbong sandatahan nito; mula noon nabago ang pagtingin ng
mga Hapon sa kanilang emperor bilang isang divine being o
maladiyos dahil itinakwil na niya ang paniniwalang ito, ngayon ay
isa na lamang siyang ordinaryong tao bagamat simbolo siya ng
Japan
• Naging demokratiko ang pamahalaan at natapos ang Allied
Occupation of Japan noong 1952 matapos pirmahan ang Peace
Treaty sa San Francisco, California
• Nagkaroon ng digmaang sibil ang China pagkatapos ng
digmaan, sa pagitan ng Kuomintang sa pamumuno ni
Chiang Kai-Shek at ng Partido Komunista ng China sa
pamumuno naman ni Mao Zedong
• Noong 1949, natalo ang Kuomintang at tumakas sila
patungo sa isla ng Taiwan, doon ipinagpatuloy nila ang
Republika ng China
• Samantala, ang kabuuan naman ng China ay napasakamay
ng mga komunista at itinatag ni Mao Zedong ang People’s
Republic of China
• Sa India, lalong sumidhi ang kampanyang pangkalayaan
ngunit hati ang mga grupong Hindu at Muslim
• Pinagkaloob ng British Empire ang kalayaan ng India noong
1947 ngunit nahati ito sa dalawa, ang India ay napunta sa
mga Hindu samantalang ang mga Muslim ay nagtatag ng
sarili nilang bansa, ang Pakistan
• Lumaya ang Pilipinas noong Hulyo 4, 1946
• Ipinahayag ng Vietnam at Indochina ang kanilang kalayaan
noong 1945 bagamat hindi ito kinilala ng France
• Pinagkalooban ang Malaysia at Burma ng kanilang
kalayaan mula sa mga British
• Nag-umpisa ang armadong pakikipaglaban ng mga
Indonesian para sa kanilang kalayaan laban sa mga Dutch
• Sa isang banda, napabilis ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang paglaya ng mga bansa sa Timog
Silangang Asya dahil nahirapan ang mga Kanluranin
na pasunudin ang kani-kanilang mga kolonya matapos
silang bumalik dun
• Dahil sa nakita nilang pagpapalayas ng Japan sa mga
Kanluraning bansa at dahil kailangan nilang lumaban
sa mga Hapon, nagbuklod-buklod ang mga
mamayanan sa Timog Silangang Asya
• Dahil naarmasan sila sa pakikipaglaban sa mga
Hapones, nang bumalik ang mga Kanluranin,
maraming mga bansa sa Timog Silangang Asya ang
handa nang makipagdigma para makamtan ang
kanilang kalayaan

You might also like