Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata II

Ang Propesyonal na Pamantayan

Kapag sumusuri ng pinansiyal na pahayag, inaasahan ng tagasuri ang tiyak na mga propesiyonal na
responsibilidad. Ang opinyon ng tagasuri ay dapat nakabase sa pagsisiyasat na isinagawa nang nakaayon
sa propesyonal na pamantayan. Ang kakulangan sa pagsunod sa mga nakasaad na pamantayan ay
naglalantad sa tagasuri sa mga panganib katulad ng pagkawala ng pampublikong respeto o kahit
pagtatasa ng ligal na pinsala.

Ang mga pamantayan ay itinatag para masukat ang kalidad ng pagganap ng mga indibidwal at mga
organisasyon. Ang pamantayan tungkol sa propesyong pagtutuos ay nakaukol sa kanila kasama ng
propesyonal na kalidad ng Sertipikadong Pampublikong Tagatuos, ang paghuhukom na ginagamit ng mga
Sertipikadong Pampublikong Tagapagtuossa pagganap ng kanilamg propesyonal na kompromiso, at ang
kalidad ng kontrol sa mga polisiya at mga pamamaraan ng kompanya ng Sertipikadong Pampublikong
Tagapagtuos.

Ang Lupon ng Tagapagtuos ay nagpapalaganap ng sampung Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa


Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan para maitatag ang kinakailangang kalagayan ng kalidad para sa
pagsasagawa ng mga pinansiyal na pahayag na pagtutuos.

Ang Pilipinong Pamantayan sa Pagtutuos ay inilabas para ipaliwanag ang kahulugan ng sampung
Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan. Ang pamamaraang
pagtutuos ng kuwenta ay daan gamit ng mga tagasuri sa pagpapanatili ng kalidad na kailangan ng
pamantayan.

�Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan

Inilarawan ang mga hakbang ng kalidad ng pagganap ng tagasuri. Ang mga pamantayang ito ay dapat na
makita bilang pinakamababang pamantayan ng pagganap na dapat sundin ng tagasuri. Itong sampung
Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan ay igrinupo bilang
Pangkalahatan, Pagtatrabaho, at mga Pamantayan sa Pag-uulat.

Pigura 2.1 Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan

Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan

Pangkalahatang Pamantayan

◾Teknikalna Kasanayan at Kahusayan


◾Kalayaan

◾Propesyonal na Pag-aalaga

Pamantayan ng Pagtatrabaho

◾Pagpaplano

◾Panloob na Kontrol ng Konsiderasyon

◾Mapanghahawakang Bagay

Mga pamantayan sa Pag-uulat

◾Pangkalahatang Katanggap-tanggap sa Pagtutuos ng Kuwenta ng Pamantayan

◾Pagbabagu-bago

◾Paghahayag

◾Opinyon

Pangkalahatang Pamantayan

1. Ang pagsisiyasat ay isasagawa ng tao o ng mga taong sapat na teknikal na kasanayan at kahusayan
bilang tagasuri.

2. Sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kompromiso, ang kalayaan sa pangkaisipan ay dapat


panatilihin ng tagasuri.

3. Angkop na propesyonal na pag-aalaga ay dapat gawin sa pagganap ng pagtutuos ng kuwenta at


preparasyon ng pag-ulat.

Pamantayan ng Pagtatrabaho

4. Ang trabaho ay dapat may sapat na pagpaplano at ang mga katulong, kung mayroon, ay dapat
wastong inaantabayanan.

5. Mayroon dapat na wastong pag-aaral at ebalwasyon ng kasalukuyang panloob na kontrol bilang


basehan para sa pagkakatiwala at para sa determinasyon ng resulta sa abot ng mga
pagsusulit/pagsisiyasat kung saan ang mga pamamaraan ng pagtutuos ay nalimitahan.

6. Ang husting kakayahan sa mapanghahawakang bagay ay pananatilihin sa pamamagitan ng inspeksyon,


obserbasyon, mga katanungan, at mga pagsang-ayon para makayanan ang makatuwirang baseham para
sa opinyon tungkol sa mga pahayag na pampinansiyal sa ilalim ng pagsisiyasat.

Mga Pamantayan sa Pag-uulat


7. Ang ulat ay dapat magsalaysay kung ang pahayag na pampinansiyal ay nailahad na nakaayon sa
Pangkalahatang Katanggap-tanggap na Pagtutuos ng mga Prinsipyo.

8. Ang ulat ay dapat kilalanin ang mga sirkumstansya na kung saan ang mga prinsipyo ay hindi kailanman
naging masinsin sa pagmamasid sa kasalukuyang panahon kaugnay sa naunang panahon.

9. Ang mga nakakapagturong pagpapahayag ay ikinokonsidera bilang makatuwirang sapat maliban na


lamang kung ito ay ihinayag sa ulat.

10. Ang ulat ay dapat maglaman ng ekspresyon ng opinyon tungkol sa pahayag na pampinansiyal, kinuha
bilanh isang buo, o paninindigan sa epekto ng opinyon na hindi kayang ihayag. Kapag ang kabuuang
opinyon ay hindi kayang ihayag, ang mga rason samakatuwid ay dapat sabihin. Sa lahat ng sitwasyon,
kung saan ang pangalan ng tagasuri ay kaugnay sa mga pahayag na pampinansiyal, ang ulat ay dapat
naglalaman ng malinaw na indikasyon ng katangian ng pagsisiyasat ng tagasuri kung mayroon man at
antas ng responsibilidad ma kanyang tinatahak

Ang Pilipinong Pamantayan sa Pagsusuri

Ang Konseho sa Pamantayan ng Pagtutuos at Kasiguruhan ay naatasan ng gawain para ipalaganap ang
pamantayan ng pagtutuos, mga gawi, at pamamaraan sa Pilipinas. Ang kaayusan ng pagpoproklama ng
Konseho sa Pamantayan ng Pagtutuos at Kasiguruhan ay ipinapakita sa Pigura 2.2

�Pagkatanggap sa Pandaigdigang Pamantayan

Para pamunuan ang paghahanda ng Konseho sa Pamantayan ng Pagtutuos at Kasiguruhan ng kanyang


pagpoproklama at para mapanatili ang pagkakaisa ng mga pagpoproklama kasama ng Pandaigdigang
Pamantayan ng Pagsusuri, ang Konseho sa Pamantayan ng Pagtutuos at Kasiguruhan ay sumasang-ayon
sa pagkatanggap ng Pandaigdigang Pamantayan sa Pagsusuri, Pandaigdigang Pamantayan sa
Kasiguruhang Kompromiso, Pandaigdigang Pamantayan sa Pagrepaso ng Kompromiso at ng
Pandaigdigang Pamantayan na Kaugnay ang Pangserbisyo na inilabas ng Pandaigdigang Lupon ng
Pagsusuri at Kasiguruhan na ginawa ng Pandaigdigang Pederasyon ng Tagatuos.

Sa karagdagab sa mga nasabing pamantayan, ang mga pahayag ng gawi ay inilabas din para
makapagbigay ng praktikal na kalinga sa mga tagasuri sa pagpapatupad ng mga pamantayan at para
magtaguyod ng mabuting gawi sa propesyon ng pagtutuos.

Kaugnay nito, ang Konseho sa Pamantayan ng Pagtutuos at Kasiguruhan ay nagdaraos ng pagrepaso sa


mga pamantayan at pahayag na gawi na inilabas ng Pandaigdigang Lupon ng Pagsusuri at Kasiguruhan
para malaman kung kaya ba itong tanggapin ng Pilipinas kasama o kahit hindi kasama ng mga
pagbabago, matapos ipagsaalang-alang ang mga lokal na pangangailangan na itinalaga ng batas o gawi.
Insert figure

� Sistema ng Kalidad na Kontrol

Kung ang publiko ay aasa sa propesyonal na gawa mg Sertipikadong Pampublikong Tagapagtuos,


mahalaga na ang wastong higpit ay nakalagay sa lugar para masiguro na ang kanilang gawa ay
naalinsunod sa mataas na kalidad. Amg pangangailangan para sa kasanayan ng Sertipikadong
Pampublikong Tagapagtuos para maipatupad at mapanatili ang mga hakbang ng kalidad na kontril ay
galing sa katunayan na ang tagasuri ay madalas isinasagawa ng mga grupo ng tagasuri. Ang
pagpapatupad ng kalidad na kontrol sa polisiya at pamamaraan lamang na ang Sertpikadong
Pampublikong Tagapagtuos na kayang makasiguro na lahat ng miyembro ng mga grupo ng tagasuri ay
nagsasagawa ng pantay na antas ng kalidad na gawa.

Ang mga kalidad na kontrol ay mga polisiya at mga pamamaraan na tinanggap ng Sertipikadong
Pampublikong Tagapagtuos para makapagbigay ng makatuwirang kassiguruhan ng pagsunod sa
propesyonal na pamamaraan sa pagsasagawa ng pagtutos at kaugnayang pangserbisyo.

Sa ilalim ng Pilipinong Pamatayan sa Kalidad na Kontrol 1, ang kompanya ay mayroong obligasyon na


magtatag ng sistema ng kalidad na kontrol na idinisenyo para makapagbigay ng makatuwirang
kasiguruhan na ang kompanya at mga tauhan ay sumusunod sa propesyonal na pamantayan at mga
tuntunin at ligal na pangangailangan, at ang ulat na inilabas ng kompanya ay wasto sa mga sitwasyon. Sa
bagay na ito, ang grupong kompromiso:

◾Magpatupad ng pamamaraang kalidad na kontrol na naaangkop sa kompromiso ng pagtutuos

◾Makapagbigay sa kompanya ng may kaugnayang impormasyon para paganahin ang pagpapatupad sa


bahagi ng sistema ng kompanya ng kalidad na kontrol kaugnay ang kalayaan; at

◾Nararapat na dumepende sa sistema ng kompanya maliban kung ang impormasyon na ibinigay ng


kompanya o ng ibang partido ay nagsasaad ng taliwas.

⬛Elemento ng Sistema ng Kalidad na Kontrol

Isinasaad ng Pilipinong Pamantayan ng Pagtutuos 220 na ang kompanya sa pagtutuos ay dapat


magpatupad ng mga polisiya at mga pamamaraan na idinisenyo para masiguro na ang lahat ng pagsusuri
ay isinagawa nang nakaayon sa Pilipinong Pamantayan ng Pagtutuos.

You might also like