Cheating

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Cheating/ Pandaraya

Pangongopya, Ito ang numero unong bad habit ng mga mag-aaral na Pinoy
ngayon.
Pero, bakit ba nangongopya ang kabataang Pinoy?
Well, base sa aking pananaw bilang isang mag-aaral na aminadong
gumagawa ng ganitong klaseng bad habit, nangongopya tayo dahil gusto natin ng
mataas na grado.
Hindi natin maitatanggi na laganap ang pandaraya at pangongopya sa mga
estudyante ng ika-dalawampu’t isang siglo. Mas madali nang mangopya ngayong
panahon dahil wala nang konsensya ang mga mag-aaral ukol dito (Hayden, 2008).
Iniisip nating maliit na kasalanan lamang ito at hindi dapat pagkaabalahan. Sa una
ay nakatatakot itong gawin, ngunit kapag nasanay na ay tila wala na lang. Kung
hindi tayo mahuhuli, hindi tayo malalagot at patuloy natin itong gagawin. Hindi
naman ito gaanong masama eh. Hindi natin napagtatanto na may malaki itong
epekto sa buhay natin sa hinaharap.
Ang hindi natin nakikita ay unti-unti tayong hindi na tinatablan ng pagsisisi,
konsenya at kulpabilidad (Hayden, 2008). Mas malimit nating ginagawa itong
pangongopya ay mas lalo tayong nasasanay. Magsisimula ito sa pangongopya ng
mga asignatura. Iniisip nating asignatura lamang ito at maliit na porsyento lamang
ng grado. Hindi naman ito masama, diba? Para naman ito sa grado ko.Pagkatapos
nito ay matututo na rin tayong mangopya sa mga maiiksing pagsusulit. Isang
beses lang naman. Hindi na mauulit. Ngunit uulitin natin ito hanggang gagawin na
rin natin sa mahahabang pagsusulit. Hindi magtatagal ay pati sa Quarter Exams ay
mangongopya na rin tayo. Palagi tayong maghahanap ng dahilan para bigyang
hustisya ang kasamaang ating ginagawa. Matututo tayo ng iba’t ibang istratehiya
sa pangongopya tulad ng kodigo, mga signal, at iba pa.
Kabataan, habang ginagawa natin ito, nagiging bahagi na siya ng ating
pagkatao at dadalhin natin ito sa ating paglaki. Ito na ang maglalarawan sa atin.
Dahil sanay na tayo, hanggang sa Board Exams, hanggang sa ating pagtratrabaho
ay mandaraya tayo. Hindi lamang siya pangongopya—pandaraya rin siya. Hindi
natin maiiwasang maging kurakot kapag tayo ay naging opisyal sa gobyerno o
kapag tayo ay nagkaroon ng mataas na posisyon sa ating trabaho. Dadayain na rin
natin ang ibang tao. At hindi natin mababatid na masama ito dahil nabigyan na
natin ito ng hustisya sa pamamagitan ng ating mga dahilan. Isang beses lang
naman. Hindi na mauulit. Para naman ito sa pamilya ko. Wala namang
masasaktan. Wala na, sanay na tayo.
Ngayon pa lang, itigil na natin itong pagsasanay sa ating sarili. Habang hindi
pa huli ang lahat, habang hinuhubog pa lang natin ang ating katauhan. Hindi natin
malalaman ang tunay nating kakayahan kung tayo ay mandaraya lamang. Ang
hayskul ay ensayo pa lamang. Gusto ba nating maging pangit ang kalabasan sa
totoong buhay?
Tayong mga kabataan ang pagasa ng ating baying Pilipinas. Atin nang itigil
ang pangongopya at pagkatutoy lalong pagsikapan upang balang araw ay
makamtan natin ang magandang kinabukasan.

You might also like