Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Anu ano ang mga nangyaring

nagbigay daan sa pagtakda ng


batas militar

1) Suliranin sa kahirapan
2) Suliranin sa komunistang
rebelde - nabuo ang New People's
Army (NPA) at Communist Party of
the Philippines (CPP)
3) Mga kilos protesta ng mga
mag-aaral, manggagawa at
propesyonal na naghahangad ng
mga pagbabago sa lipunan, at
bumabatikos sa malawakang
nagaganap sa pamahalaang
Marcos. Kabilang din sa mga kilos
protesta ang mga sumusunod:
a) di-makatarungang pagtingin sa
mga Pilipino ng mga Amerikano sa
kanilang base-militar sa ating
bansa
b)di konstitusyonal na pagpapadala
ng mga sundalong Pilipino sa
Digmaang Vietnam
c) pagbagsak ng ekonomiya ng
bansa
d) paglabag sa mga karapatang
pantao
e) malawak na katiwalian sa
pamahalaan
f) militarisasyon sa kanayunan
4) Karahasan ng pamahalaan -
pambobomba sa iba't-ibang lugar
na nagbunga ng pagsasara ng ilang
gusaling pangkalakalan at iba
pang establismiyento, paaralan, at
tanggapang pampubliko at
pampribado.
5) Ang kaguluhan sa Plaza Miranda
kung saan may sumabog na
granada habang nagsasagawa ng
political rally ang Liberal Party.
Ginamit ni Pangulong Marcos ang
pangyayaring ito upang suspindihin
ang writ of habeas corpus
(karapatan ng mga nahuli na
maiharap sa korte at pag-usapan
ang kanyang kaso.)
6) Suliranin sa mga rebelde sa
Mindanao - ang pagkakatatag ng
Bangsa Moro Liberation
Organization (MBLO) at Moro
National Liberation Front (MNLF),
na naitatag dahil sa pagtututol ng
mga Muslim sa malawakang
pagdami ng mga Krisiyano sa ilang
lugar sa Mindanao, kahirapan, at
Jabidah Massacre.

You might also like