Ang Kawayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

I. PANUTO: Salungguhitan ang salitang naghihinuha sa bawat pangungusap.

1. Bakit kaya tahimik si Ramil?Siguro may problema siya ngayon?


2. Matamlay ang batang iyon.Baka siya ay may malubhang sakit.
3. Tila nagbabadyang umulan ngayon.
4. Waring nagbabadyang pumutok ang bulkan dahil sa mga pagyanig nito.
5. Galit siguro sa akin si Lito,dahil hindi niya ako pinapansin.
6. Marahil naglaro nanaman dito ang mga bata,dahil napakadumi na naman dito sa loob.
7. Tila may malakas na ulan ang dadaan sa ating bayan,sapagkat napakadilim ng
kalangitan.
8. Siguro mabuting bata siya ,dahil maganda nag pakikitungo niya sa atin.
9. Waring napakasama ni Berto sa kanyang anak,dahil puro galos ang katawan ng
kanyanganak
10. Uulan yata ngayong hapon dahil napakainit ngayon.

II. PANUTO: Basahin ang maiksing kwento at punan ang mga elemento ng kwentong bayan
gamit ang burger graphic organiser.

Ang Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga


ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni
Niyog. Teka, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang ka kibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang
pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak,
nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging
ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang
nakatayo at di nasalanta.

PAMAGAT

TAGPUAN

TAUHAN

SULIRANIN

TUNGGALIAN

KAKALASAN

WAKAS

You might also like