G. _________________ Brgy. Panganiban, Tayug Pangasinan
Madam Supnad:
Sumulat ako upang ikaw ay bigyan ng huling palugit na
magbayad ng iyong pagkakautang na nagkakahalaga ng DALAWAMPU’T WALONG LIBONG PISO (P28,00.00).
Matatandaang ikaw ay humiram sa akin noong Disyembre taong
2017 ng halagang APATNAPU’T LIMANG LIBONG PISO (P48,000.00). Napagkasunduan natin na ang itong halagang ito ay babaybayaran mo ng buwan ng Enero taong 2018. Subalit mula noong hiniram mo sa akin and halagang nabanggit, ikaw ay nakabayad lamang ng LABIMPITONG LIBONG PISO (P17,000.00).
Ang iyong pagkakautang ay kinilala mo sa pamamagitan ng
paglagda mo ng dokumentong pinamagatang “PROMISSORY NOTE” na inilakip ko sa sulat na ito.
Upang maiwasan paghabla sa iyo sa korte, ikaw ngayon ay
binibigyan ko ng pitong (7) araw mula sa petsa ng pagkatanggap mo ng sulat na ito upang bayaran ang halagang P28,000.00 na balanse ng iyong utang.
Umaasa ako na tumalima ka sa aking hiling upang maiwasan ang
abala at gastos mula sa ganitong uri ng litigasyon sa korte.