Professional Documents
Culture Documents
Nollie Me Tengene
Nollie Me Tengene
Nollie Me Tengene
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli
Me Tangere. Nang mga panahong yao'y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka
ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng
tinaguriang "makamandag" na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta
ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya’y giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib
ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal
sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.