Ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na ginamitan ng paglalaping
pang- at -an, at siyang katapat ng ''literatura'' sa Kastila at ''literature'' sa Ingles. Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo.
Ang pag aaral ng panitikan ay may 4 M's
Maipakilala Mapailalim Makatulong Makabuo
DALAWANG ANYO NG AKDANG PAMPANITIKAN
Ang Unang Anyo ay ang PATULA - ito ay masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na maaaring may sukat at tugma.
Apat na Uri ng Tula:
Liriko o tula ng damdamin - nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni o damdamin ng may-akda. Tulang Pasalaysay- mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Tulang pandulaan- mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag at sarsuwela. Tulang patnigan- tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula,kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
Ang ikalwang Anyo ay ang Tuluyan
- maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nagsususlat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Teoryang Pampanitikan - Ito ay isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa. DALAWANG SANGAY SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN • Ang Unang sangay ay ang PAGDULONG • Mga Uri: • Pormalistiko - pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o pagkabuo. • Moralistiko - pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda • HALIMBAWA: ‘Ang Ningning at Ang Liwanag’ ni Emilio Jacinto • Sikolohikal - antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayanng may akda. • HALIMBAWA: ‘Aloha’ ni Deogracias Rosario • Sosyolohikal - ng layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. • HALIMBAWA: ‘Ang Ama’ ni Mauro R. Ravena
• Ang ikalawang Sangay ay ang PANANALIG.
• Mga Uri: • Klasisismo - layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay karaniwan ang daloy ng mga pangyayari. HALIMBAWA: ‘Florante at Laura’ ni Francisco Balagtas • Romantisismo - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas; pagtakas mula sa realidad o katotohanan. • HALIMBAWA: ‘Lyrical Ballads’ nila Coleridge at Woodsworth • Naturalismo - isang pilosopikal na pananaw ayon sa kung saan ang lahat ng bagay ay nagmumula sa mga likas na katangian at mga sanhi. • HALIMBAWA: ‘Walang Panginoon’ ni Deogracias Rosario • Impresyunalismo – isang teorya at kasanayan sa panitikan na nagbibigay-diin sa mga agarang aspeto ng mga bagay o mga aksyon na di binigyang pansin sa mga detalye. • HALIMBAWA: ‘Heart of Darkness’ ni Joseph Conrad • Peminismo - pagkilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan • HALIMBAWA: ‘Sandaang Damit’ ni Fanny Garcia • Ekspresyunalismo – pagbabago at pagaiba ng mga bagay o mga kaganapan upang kumatawan ito sa pananaw ng karakter ng isang panitikan. • HALIMBAWA: Mga akda ni Alfred Doblin • Simbolismo - paggamit ng mga simbolo upang magpahiwatig ng mga ideya at mga katangian • HALIMBAWA: ‘Noli Me Tangere’ ni Dr. Jose Rizal • Eksistensiyalismo - binibigyang-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan; ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili • HALIMBAWA: ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla • Surrealismo- Sa pananalig na ito, maraming bagay ang nagaganap sa guniguni ng tauhan. Pinagsasama ang realidad at superealidad. • HALIMBAWA: ‘Surrealist Manifesto’ ni Andre Robert Breton • Istruktururalismo - Binibigyang-pansin dito ang istruktura ng wikang ginamit, ang denotasyon at konotasyon, antas ng mga salita at kaangkupan nito, istruktura ng nilalaman at ugnayan ng mga bahagi ng isang akda. • HALIMBAWA: ‘A World on the Wane’ ni Claude Levi-Strauss • Siko- Analitiko - Nakatuon sa kalagayan ng isang tao. Maaaring sa pag-iisip o sa kanyang pag-uugali. • HALIMBAWA: ‘Civilization and its Discontents’ ni Sigmund Freud • Dekonstruksyon - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. • HALIMBAWA: ‘Tata Selo’ ni Rogelio Sicat • Kultural - Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. • HALIMBAWA: ‘Bannawag Magazine’ ng Liwayway Publications • Queer - Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer. • HALIMBAWA: ‘Orosa-Nakpil, Malate’ ni Louie Mar Gangcuangco • Arkitaypal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. • HALIMBAWA: ‘Ang Guryon’ ni Ildefonso Santos • Markismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. • HALIMBAWA: ‘Di Masilip ang Langit’ ni Benjamin P. Pascual • Imahismo - Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. HALIMBAWA: ‘Panambitan’ ni Myrna Prado • Historikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. HALIMBAWA: ‘Dekada ‘70’ ni Lualhati Bautista • Bayograpiyal - Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. • HALIMBAWA: ‘Sa Mga Kuko ng Liwanag’ ni Edgardo Reyes