Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANANALIKSIK

-Napaka halaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga mag- aaral kundi sa iba’t-ibang uri ng tao.
Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang
larangan.

Ginagamit ang pananaliksik upang:


1. Maging sulusyon sa suliranin
2. Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto, at inporamsyon
3. Makita ang kabihasnan na umiiral ng isang bagay
4. Umunlad ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral
5. Mapalawak na kaalaman ng mga mag-aaral.

-Ayon kina Bernales et al.(200?), ang isang mabuting pananaliksik ay nararapat magtaglay ng
mga sumusunod:
1. Ang katangian ay sistematik.
2. Ang pananliksik ay kontrolado
3. Ang panaliksik ay empirikal.
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.
5. Ang pananaliksik at obhetibo, lohikal, at walang pagkiling.
6. Ang pananaliksik ay gumagamit na kwantiteytib o istastikal na metod.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.

*sa pamamagitan ng isang pananaliksik ay nararapat lamang na maghanap ng paraan o


prosesong maarong gamitin upang maging maayos ang isang pag-aaral.1. Pamamaraang
Pangkasanayan (Historical2. Pamamaraang Eksperimental (Experimental).3. Pamamaraang
Palarawan (Descriptive).. Pag-aaral ng Kaso (Case study). Serbiyon (Survey). Pagsubaybay
na Pag-aaral (Follow-up Studies). Pagsusuri ng Dukumento. Kalakarang Pagsusuri (Trend
Analysis).

1. Pagpili ng paksa. Sinasabing ang pinakamahirap na bahagi ng isang pananalkiksik ay ang


paghahanap ng paksa o suliraning pag-aaralan.
2. Pangangalap ng datos. Ang pangangalap ng datos ay nangangailangan ng tiyaga at oras dahil
kailangan magsagawa ng pananaliksik, pagbabasa, at pagtatanong.
3. Pagsusuri sa mga talang nakalap. Matapos makakalap ng datos ay nangangailangan itong
suriin upang malaman ang mga inpormasyon na magkakasama o kaya’y ang mga datos na di
gaanong mahalaga.
4. Paggawa ng balangkas. Nagiging sistematiko ang isang pananaliksik kung maisasagawa
muna ng balangkas na siyang magiging gabay sa maayos na pagkakabuo nito.
5. Pagsulat ng draft. Ang pananaliksik ay hindi natatapos ng isang upuan lamang kaya’t
nanganga ilangan na igawa ito ng draft o burador upang maiayos ng mabuti ang mga ideyang
isinulat dito.
6. Pagtitiyak sa Dokumento at pormat na papel. Ang bawat pananaliksik ay may tiyak na
pormat na sinusunod kaya’t nararapat lamang na tandaan ang mga ito.
7. Pagrerebisa sa Draft. Matapos magawa at maisulat ang burador at dokumentasyon ay
masagawa uli ng parerebisa upang maiwasto ang ilang kamalian na napansin sa draft, bigyang
diin din ang mga gramatika na ginagamit sa pagkamalian na ginamit sa pag-aaral.
8. Pagsulat ng Pinal na Papel. Ito ang huling hakbang na isinasagawa ng mga mananaliksik.
Laging tandaan ang kaayusan, kalinisan, kawastuhan at pagiging makakatotohanan ng
isinasagawang pag-aaral.

KABANATA I Ang Suliranin at Kaligiran


Dapat na talakayin sa kabanatang ito ang mga sumusunod:
a) Ang Introduction o Panimula -Rasyonale o kadahilan ng pag-aaral
b) Ang Pagpapahayag ng mga suliranin -Sa bahaging ito ipinapaHayag ang ibig pag-aralan
tungkol sa paksa. Dapat magkaroon ng panlahat na pagpapahayag ng suliranin kasunod ang mga
tiyak na tanong.
c) Salaw at Delimitasyon ng Pag-aaral- Tumutukoy sa simula at hanganan na ng pananaliksik o
ang panahonng sasakupin ng pag-aaral.
- Lokasyon, pook na pagdadarausan ng pagaaral at kung saan makukuha ang mga inpormasyon o
datos.
-Ang populasyon kung saan manmggagaling ang mga kalahok o respondents
-Kasama dito ang mga kahinaan o kakulangan ng pag-aaral na hindi kayang kontrohin o
maiwasan ng mananaliksik.

KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Sa bahaging ito ipakikita ang ganap na kaalaman tungkol sa mga kaugnay na pag-aaral at mga
pangunahing kaisipan.-ang bahaging ito ay naglalahad ng ilang mga impormasyon tungkol sa
paksang tinatalakay.
MGA DAPAT TANDAAN:
1) Kailangang matukoy ng mananaliksik ang mga may-akda o taong pinagmulang mag nakalap
niyang datos.
2) Hanggang maari ang mga likal na literatura sa banyagang literature.
3) Ihiwalay ang mga lokal na literatura sa banyagang literature
4) Paglalahad at pagtalakay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga nakaraang pag-aaral.

KABANATA III Metodolohiya


Sa kabanatang ito , ipinapaliwanag ng mananaliksik ang pamamaraang ginagamit sa pag-aaral.
Tinatalakay din dito ang mga paraan sa panagangalap ng mga datos at ang instromentong
ginagamit sa pagtatamo nito (Aban at Cruz, 1998)
a) Pamaraang Pangkasalukuyan (Historikal Method)
b) Pamaraang Eksperimental (Experimental Method)
c) Pamaraang Palarawan (Descriptive Method)
d) Pamaraang Batay sa Pamantayan (Normative Studye)
e)Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)

KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


Ayon kina Aban at Cruz (1998), sa kabanatang ito ginagawa ang pagsusuri, pahlalahad at
pagpapakahulugan ng mga Datos
May tatlong paraan ng paglalahad ng mga Datos
1.)Tekstwal. Ginagamitan ng mga pahayagan kasama ang mga tambling sa paglalarawan ng mga
Datos.
2.) Tabyular. Ito’y sistematikong pagsasaayos ng mga magkakaugnay na Datos.
3.) Grapikal na Paglalahad. Layunin ng grap na maipakita ang mga pagkakaiba.

KABANATA V Buod, Konklusyon at Rekomendasyon


Ayon kina Aban at Cruz (1998), ito ang pinakamahalagang kabanata ng isang pananaliksik dahil
ipinahahayag dito ang bunga o kinalabasan ng pag-aaral.Buod. Pinagsama-sama ang mga datos
at impormasyong nakalap na mananaliksik.Kongklusyon. Mga hinuha, implisyon, interpretasyon
o mga paglalahat batay sa mga napatunayan.Rekomendasyon. Maaring magmungkahi ng
pagpapatuloy sa dati nang naisagawang pag-aaral.

1. Pagkilala sa mga may-akda o pinagmulan ng lahat ng datos na pinagkunan.


2. Pagtala sa mga hiram na salita o termino at pananaw ng iba.
3. Pagsipi at pagbibigay ng karapatang pagkilala sa mga pahayag o mga salitang ipinapahayag ng
iba.
4. Di nagtatago ng datos para lamang pagtibayinb ang kanyang pananaw, argumento o dili
kaya’y ikiling sa isang partikular na pananaw ang kanyang ginagawang pananaliksik (Atienza, et
al., 1996).
5. Mapagtitibay, mapatotohanan at mapapanindigan ang mga ginawang interpretasyon batay sa
mga nakalap na datos bunga ng isang masusi at mapanuring pag-aaral.
6. Tuwirang pag-iwas sa plagyarismo. Kaugnay ng eyika sa pananaliksik, ang isyong
plagyarismo ay kaylangan ding isaalang-alang ng isang mananaliksik

1. Anu-anong mga dahilan sa pagsulat ng Paksa?


2. Anu-ano at paano makukuha ng mananaliksikng mga datos na sapat sa napiling paksa?
3. Paano ilalapat ang mga datos sa paksa upang maipamalas ang kahulugan at kaugnayan nito?
4. Sino ang babasa ng teksto? Para kanino ito?
5. Pano maipararating sa mambabasa ang layuning nais maiparating ng may akda na nauukol sa
paksa?
6. Ilang oras dapat gugulin sa pagsulat ng paksa?
7. Anu-ano ang mag dapat gawin upang m,apaunlad o mapagbuti pa ang pagtalakay sa paksang
isusulat.

Isahang Gawain Pangkatang Gawain Pagsulat ng Diary o journal Pangkatang talakayan


Pakikipanayam Debate Pananaliksik Brainstorming Pagbabasa Group dynamics Pakikinig
Lakbay- aral Pagninilay-nilay Role-playing
a) Panahon
b) Edad/Gulang
c) Kasarian
d) Perpektib
e) Pook/lugar
f) Prospeksyon o sektor na kinabibilangan
g) Partikular na halimbawa at iba pang batayan

Paraan sa paggawa ng Bibliography sa ginawang Pananaliksik

May dalawang akda.Calamori, L/P ., et al Calamori, M.A (1989). Method of Research and
Thesis Writing. Lungsod Quezon: Rex Book Store.*May higit pa sa dalawang may-
akda.Arrogate, J., et al. (2003). Pag-unlad na Pagbasa at Pagsulat. Mandaluyong: National
Bokkstore.
Walang may-akda ngunit may patnugot (editor) o tagapagsalin (translator).Constantino, P. ed.
2001. Pagpaplanong Pangwika: Ikalwa Sourcebook ng SANGFIL. Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino.
Dalawang aklat na iisa ang may-akdaChomsky, N. (1956). Syntactic Structure. The Hague:
Mouton.Chomsky, N. (1997). The Minimalist Program.Cambridge: Massachusette Ins.

Kahulugan-ang anumang uri ng pagsulat ay laging ngangailanganng pagbabalangkas.


Layunin ng Pagbabalangkas*
• Upang ang ideya ay maiayos nang mabuti.
• Upang magsilbing gabay sa pagsulat
• Upang mapili ang ideyang mahalaga na dapat bigyang-pansin at kakailanganin.
• Upang makatuklas pa ng mga kakailanganing impormasyon.
• Upang lalong maging madali ang pag-unawa sa aralin.
• Upang makatulong lalo na sa pagbibigay ng ulat.

1. Balangkas na paksa.
2. Balangkas na papangungusap.
3. Balangkas na patalata.

Paraan ng Pagbabalangkas
1. Pumili at gumamit ng isang uri lamang ng pagbabalangkas.
2. Tukuyin at isulat ang pamagat o pangunahing ideya.
3. Gamitin ang mga Roman Numeral I,II,III atbp para sa mga pangunahing paksa, ang mga
malaking titik A, B, C, para sa di gaanong mahalagang paksa.
4. Nakasulat at nakahanay pababa ang mga titik at bilang (Vertical column)
5. Nagsisimula sa malaking titik ang unang salita ng bawat paksa.
6. Ang mga pangunahing paksa ay dapat bahagi ng mga subtopic.

Dapat tandaan sa pagbuo ng Balangkas (ayon kina Cruz at Morong, 2004)


1. Unang suriiin ang mga ditalye ayon sa kaugnay at kahalagahan sapangunahing ideya.
2. Gawing ispesipiko ang pangunahing ideya.
3. Panatilihin ang konsistensi sa paggamit ng malaking at maliliit na titik, bilang romano arabiko
at pagbabalangkas.
4. Pagsama-samahin ang mga kaisipang magkakatulad at magkaka-ugnay. Ang magkakauri ay
itala sa ilalim ng isang pangunahing ideya o paksa.
5. Huwag malito sa pangunahin at pansuportang detalye.
Ang mga datos ay mahalaga para maging batayan ng pananaliksik. Ito ang maglalahad ng mga
patunay sa suliraning binubuo mula sa paksa.Sa pagkuha ng mga datos, kailangan maglaan ang
mananaliksik ng panahon, tiyaga, diterminasyon at salapi para sa pangangalap nito. Kailangan
din ang kritikal na pag-iisip. Nakaayon din sa uri at disenyo ng pananaliksik ang paraaan ng
pangangalap ng datos, maaring kwantitatib o kwalitatib.Kwantitatib(quantitative)-hinahanap sa
uri ng pananaliksik na ito ang mga datos na kayang bilangin: kung kaya’t bilang din ang
ginagamit at iniinterpret para makuha ang kasagutan. Isa sa mga ito ay sarbey.Sarbey(survey)-ito
ay praan ng p[agkuha ng datos na kung saan ang mga mananaliksik ay kakailanganing bumuo at
magbigay ng mga talatanungan.

Pagkuha ng mga Tala Kumonsulta sa central catalougue sa paghahanap ng mga pantulong na


aklat at reference sa iyong pananaliksik. Isulat ang nakuhang datos sa index card upang mapag-
aralan kung kailangan pa ito. Maari mong baguhin ito ayon sa sarili mong talino at kakayahan.
Tatlo ang panlahat na paraan sa pagkuha ng mga tala;
1. Samari (summary)
2. Paraphrasing o muling pagpapahayag
3. QuotationHuwag kalimutan ang resource, ang awtor, kumpletong pangalan ng pinaghaguan ng
tala. Dito tulad ng nasabi na sa unahan , papasok sa field research kung hindi sapat ang nakuhang
reference sa laybrari.

Paggamit ng sanggunian (Atlas, Encyclopedia, Internet atba.) Mahalaga ang atlas sa


paghahanap ng mga lugar, ilog, dagat, daan at iba pang may kinalaman sa direkyon. Ang
encyclopedia ay reference na lang, karamihan sa nilalaman nito ay nasa Internet na. Madali
mong makuha ang gusto mopng mag impormasyonsa Internet. Marunong ka ng paggamit ng
Internet? Ang pahayagan, magasin ay hanguan din ng mga impormasyon gaya ng balitang lokal
at pandaigdigan, editoryal, sports, entertainment ads, comics page.Aklatan at LibraryIsa sa mga
lugar na pangkaraniwang pinupuntahan ng mga mananaliksik ay ang silid aklatan dahil naririto
ang iba’t-ibang uri ng sanggunian na maaring gamitin sa pananaliksik. At dahil sa lahat ng
sanggunian ay halos naririto na ay kailangan na lamang na maging sistematiko ang isang
mananaliksik upang maging maayos ang kanyang paghahanap. Ayon kina Bernales, et al.2009
may tatlong yugto na maaring gamitin sa pananaliksik sa aklatan, ito ay ang mga sumusunod:

Yugto-1Panimulang paghahanap ng kardf catalog, sanggunian aklatan, bibliograpi, indeks at


internet.
Yugto-2Pagsusuri na kiunasasangkutan ng browsing, skimming, at scanning ng mga aklat at
artikulo ng pagpilli ng mga citation mula sa mga babasahin.
Yugto-3Pagbabasa at pagtatala mula sa mga aklatan, sanaysay, artikulo, computer printouts at
iba pang sanggunian.
1. Author card. Matatagpuan sa unang linya ng kard ang pangalan ng awtor o ng may-
akda F 89933 a164d Abueg, Efren R., Et al. Sandiwa Merriam Webster Inc. 1992, 210p.
2 Tittle card. Matatagpuan sa unang linya ng kard na ito ang pamagat ng aklat.

Internet/ hanguang ElekronikoIsa sa mga pinakagamitin at sinasabi ng ilan na pinakamadali at


mabilis na paraan ng paghahanap ng datos ay ang paggamit ng internet o eletronikong
kagamitan.Mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng internet ;
1 Ilista ang pangalan ng mga websayt na gagamitin at pinagkunan ng mga datos.
2 Tiyakin kung anong uri ng websyt ang ginagamit.

3 Tiyakin kung sino ang sumulat ng naturang impormasyon


4 Siguraduhing ang mga impormasyong nakuha ay makatotohanan at may pinagbatayan.
5 Suriin kung ang impormasyon nakuha ay kaugnay ng paksang sinasaliksik.

Mga dapat isaalang-alang bago isagawa ang pakikipanayam


1 Siguraduhing ang dahilan at layunin sa pagsasagawa ng panayam.
2 Tiyakin na ang taong kakapanayamin ay awtoridad sa paksang sa paksang pag-uusap.
3 Pag-aralan ang paksa at mag kaugnay na paksa upang maging maayos ang usapan.
4 Humingi ng pahintulot sa taong kakapanayamin.
5 Tiyakin ang oras ng pag-uusap.
6 Maghanda ng balangkas ng mga katanungang itatanong.
7 Maghand ng sulat para sa kakapanayamin.

Presentasyon ng mga Datos Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahalaga ang presentasyon ng


mga datos dahil dito maipakikita ng mananaliksik ang ilang mahahalagang impormasyon
nakalap sa mas sistematiko at maayos na paraan. Ayon kina Beranales 2006 tinutukoy nina
Calderon at Gonzales (1973) sa kanilang aklat ang tatlong paraan na maaring gamitin ng
mananaliksik sa presentasyon ng kanilang mga pag-aaral. Ito ay ang tekstwal na presentasyon,
tabyular na presentasyon at grapikal na presentasyon.

Isa sa karaniwang ginagamit na mga paraan ng presentasyon ay ang tekstwal o patalatang paraan.
Dito ay gumagamit ng mga salita upang ipakita ang resulta ng ginagawang pag-aaral. At dahil sa
gumagamit ditong mga salita sa presentasyon ng mga datos, nararapat na hindi maligoy sa
paglalahad. Kinakailangang ito’y malinaw upang maiwasan ang pagkakalito sa anumang
impormasyong inilalahad. Gumagamit ng mga salitang simple lamang upang maihatid nang
maayos ang mensaheng nais iparating ng isinasagawang pag-aaral.

You might also like