Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1

PALAKPAKAN

Talumpating Binigkas Ng Bb. Pilar J. Lázaro Hipolito Sa Look Ng Bagumbayan, Alang-

alang Sa Ika-Sampung Taon Ng Pagkakabaril Sa Ating Bayani

Bayan kong pinakaiirog: Ang unang pinasasalubungan ng maligayang pagbati at

pagpipitagan, sampu ng lahat ng mga napipisan, lalong lalo na ang mga ginoong bumubuo ng

pagpapaunlak sa karangalan ng dakilang Rizal na kasalukuyang ipinagdidiwang ng kapuluang

Filipinas, kayo’y hinahandugan ngayon ng di-mabilang na pasasalamat, sanhi ng pagkatanim sa

kaibuturan ng puso ng araw na itong di ko rin nililimot.

Ibig ninyong makilala? ah! wala akong karapatang tumurol at sukat na lamang ipatalastas

ang nakapanghihilakbot na usapan ng mga lahing Lakandula rin, upang mangakilalang sila’y dapat

pakasumpain, na anila’y: Si Rizal ang tunay na may kasalanan at nagkalat ng kaguluhan at

kahirapang tinatangkilik ngayon ng Bayan, mga pangungusap na di napag labanan ng puso kong

iwi at naramdamang lumuha ng dugo, at naipukol naman tuloy ang wikang: bakit hindi mangatal

at mapipi ang kumakatal ng walang katotohanan; datapwa’t ng makapaghunos dili sa paglalatang

ng galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang kapatawarang naisigaw ang

mahalagang bigkas ng Póong si Jesús, ng napapako sa Cruz ng kasalanan: Diyos ko sila’y

patawarin.

Bahagya pang tumutuntong sa guhit ng pagbibinata, ay nagpakilala na si Rizal ng

nakahahangang katalasan ng pagiisip, kaya’t minarapat ng magagandang pusong kanyang

magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas ng̃ katalinuhan,

at sa katotohana’y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at kumatha ng


2

melodramang tula, na pinamagatan ng: Junto al Pasig, at saka isinunod ang A la Juventud Filipina,

El consejo de los Dioses at iba pang nakalulugod.

Na walang napagkikilala ang mga Antropologo kundi ang mga lahi; na ang napagmamalas lamang

ng mga mapagmasid ng mga pamumuhay ng bawa’t nasyón, ay ang pagkakaiba’t iba ng kalagayan,

ng̃ mayama’t mahirap, ng̃ mahal at timawa. Na sa mg̃a nayong lalong mg̃a paham ng̃ Francia at

Alemania, ang lalong marami sa mg̃a nananahan doo’y kasing pantay rin ng̃ kalagayan ng̃ pag-

iisip ng̃ mg̃a tagalog, at ang kulay ng̃ balat, pananamit at wikang guinagamit ang bilang kaibhan

lamang.

Dito’y mahihinuha na ang kanyang katalinuhang kalakip ang pagsasangalang sa Bayan, sapagkat

tumanghal ang kanyang pang̃alan sa pamamag-itan ng̃ pakikibaka sa mg̃a kalapastanganang

kumakalat sa mg̃a paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay ng̃ hindi sa sakit kundi sa bilis

ng̃ punlong pamatay ¡Oh katiwalian ng̃ panahon! Bahagya pang umuusbong ang larawan

iguinuguhit sa dulo ng̃ mg̃a sandata ay isinabog na ang apoy ng̃ kapahamakan ng̃ isang

namamahalang nakuha sa kintab ng̃ kayamanan, dinaig ng̃ kapangyarihan at nagwasak ng̃ mahusay

na pananangkilik.

Si Rizal ang nag-ulat ng̃ mg̃a katotohanan, si Rizal ang humarap sa lalong pinakapang-ulo ng̃

kapuluan, si Rizal ang di nang̃iming maghayag ng̃ kanyang damdamin, si Rizal ang nagpakilala

ng̃ matuwid na niyuyurakan at siya rin, si Rizal, si Rizal ang ng̃ayo’y nakakaharap, iyang

kinainguitan ng̃ mg̃a manlulupig.

Hwag magugulantang mg̃a kapatid na nakikinig, dagdagan ang ating pagsisigla sa taón taón

yayamang ang Norte América ma’y nalulugod din kung pinupuri ang bayaning nagligtas sa Bayan,

sapagka’t silá ma’y nagkaroon ng̃ isang Washington na ipinagdidiwang: ang kulang lamang sa atin
3

ay ang magkaroon naman ng̃ isang araw na kaparis ng̃ kanilang ikaapat ng̃ Julio. ¡Oh kailan ka pa

darating! (Palacpacan).

Sulong tayo, pagpisanpisan ang hiyaw na: «¡Mabuhay ang Filipinas!» ¡Mabuhay ang Norte

América! ¡Mabuhay ang habilin ni Rizal

Nasabi ko na.

You might also like