Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

c 

1. Ang matibay na kalooban ang lahat ay nagagampanan.

2. Kapag ang tao¶y matipid, maraming maililigpit.

3. Hulí man daw at magaling ay naihahabol din.

4. Kung tunay nga ang tubó,matamis hanggang dúlo.

5. Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila.

6. Kapag may isinuksok ay may madudukot.

7. Walang binhing masama sa [may] mabuting lupa.

8. Di man magmamana ng ari,ay magmamana ng ugali.

9. May tainga ang lupa,may pakpak ang balita.

10. Wika, at batong ihagis,di na muling magbabalik.

11. Kung pinukol ka ng bato,gantihin mo ng puto.

12. Ang taong mapagbulaan ay hinlog ng magnanakaw.

13. Walang matibay na baging sa mabuting maglambitin.

14. Pag ang punla ay hangin, bagyo ang aanihin.

15. Walang mataas na bakod sa taong natatakot.

16. Ang maikli ay dugtungan, ang mahaba ay bawasan.

17. Pag ikaw ay nagparaan,pararaanin ka naman.

18. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.

19. Kapag tinawag na utang,sapilitang babayaran.

20. Malakas ang bulong kaysa hiyaw.

21. Kung saan ang gasgas,naroon ang landas.


22. Putik din lamang at putik,tapatin na ang malapit.

23. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.

24. Sa taong may hiya,ang salita ay sumpa.

25. Kahoy mang babad sa tubig, kapag nadarang sa init, pilit na magdirikit.

26. Ang mahuli sa daungan ang daratna¶y baling sagwan.

27. Sa kinanti-kanti ng munting palakol ay makabubuwal ng malaking kahoy.

28. Ang ulang atik-atik madaling makaputik.

29. Pag maaga ang lusong, maaga [rin] ang ahon.

30. Ang tao pag naumpog, marapat nang yumukod.

31. Matisod na sa bato huwag lamang sa damo.

32. Biro-biro kung sanlan, totohanan ang tamaan.

33. Sa lakad ng panahon,lahat ay sumusulong.

34. Ano mang talas ng tabak, mapurol kung nakasakbat.

35. Ang hinahon ay malakas nang higit pa sa dahas.

36. Sa payo ng nagigipit indi ka dapat manalig.

You might also like