Ang Kambal Na Agila

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Kambal na Agila

Mga Pangunahing Tauhan: Abdul & Ahmad(Agila), Suaco(Eaglet in Abdul)

Mga Ibang Tauhan: Ooga & Eggo,(Unggoy) Karabaw, Baboy-ramo, Tatay ng kambal na Agila, Mangangaso na ibon,
Mga Sundalong Agila, Amparo(Mangtotroso), Degayo(Mangtotroso), Alba, Micolob, at Dacudag

Tagpuan: Bundok Piapayungan/Kaharian ng Samir, Bundok Hamigutan (Soltani), Davao del Norte, Bundok Tagubud
(Saladin) (Lugar), Noong Unang Panahon (Panahon)

Banghay:

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOGO

Tagapagsalaysay: Noong Unang Panahon, mayroong kambal na agila; ang panganay na si Abdul(papasok ang mga aktor)
at ang bunsong si Ahmad. Mapayapa ang buhay nila. Nanirahan sila sa kaharian ng Samir, na kung saan namumuno ang
kanilang ama. Makikita ito sa isang parte ng Bundok Piapayungan, Mindanao.

(Galing sina Abdul at Ahmad sa pagsasaka)

Abdul: Ngayon na tapos na tayo sa pagsasaka, ano kaya gagawin natin ngayon?

Ahmad: Ano kaya?(Nagiisip)

Abdul:Karera kaya?

Ahmad: Sige igsoon(kuya)! Sisiguraduhin ko, mananalo ako.

Abdul: Tignan mo ang sinasabi mo dyan, Ahmad.

(Nagkarera ang dalawang agila at nanalo si Abdul)

Ahmad: Kainis! Ang daya mo talaga, kuya!

Abdul: Nagkataon lamang iyon, kamanghuran igsoon( kababatang kapatid). Misaad(pangako), mananalo ka rin.

Tatay ng kambal: Mga anak! Kain na! Luto na ang ulam!

Ang Kambal: Sige po Tatay! (Magpapaalam ang kambal sa mga kalaro at pupunta sa bahay )

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SIMULA

Tagapagsalaysay: Makalipas ng ilang taon ay ang kambal ay naging bagong mga sultan sa kanilang kaharian sina Abdul
at Ahmad. Nagkaroon ng anak ang panganay na itlog palang. Dahil dito, kaunti lamang ang pakikipag-ugnayan ng
magkapatid. Kahit di sila ganoon malapit kumpara noon, mas lalong masagana ang buong kaharian. Araw-araw ay may
kasiyahan. Mayroong pang bumibisita pang taga ibang kaharian at magbibigay ng napakamamahaling mga alahas,
pampalasa, at iba pang kayamanan.

Abdul: Hayy...Napakasayang tignan ang mga mamamayan na sila’y masaya’t masagana. Di’ba, kapatid?

Ahmad: Mas masaya kaya noong bata pa tayo. Masaya lang...Pati kasama si ama..
Abdul: (Magbubuntong-hininga) Oo nga, Ahmad. Ikaw ah!( Aakbayan niya si Abdul) Napakagaling mong magpa-iyak.

Ahmad: (Tatawa ng konti) Siyempre! Kapatid mo ako eh!

Adbul: Tingnan ko muna ang anak kong si Suaco( lalabas siya sa Sultanato)

(darating ang isang sundalo)

Sundalo: Kagalang-galang kapatid ng Sultan! Ikalulungkot ko po na matitigil ang pista dahil nauubusan tayo ng pagkain
at di pa handang i-ani ang mga prutas at gulay natin!

Ahmad: Gan’on ba? Sige, Magpapaunta ka ng mga mangangaso sa kagubatan.

(Aalis ang mga mangtotroso)

(Mga ilang sandali ay tatakbo papasok ang 2 mangangaso na may dalang pagkain na natatakot)

Mangangaso 1: Mga Mangtotroso! Taong Mangtotroso! Puputulin nila ang mga puno natin!

Mangangaso 2: Puputulin nila ang mga puno natin!

(Magkakagulo ang lahat at darating si Abdul)

Adbul: TUMAHIMIK!! (Biglang titigil ang lahat) Magpadala kayo ng mga sundalo! Lalabanin natin sila.

(Maglalaban ang mga sundalo at mga mangtotrosong tao)

Tagapagsalaysay: Ginamit lahat ng kanilang makakaya ang mga sundalo ng mga ibon, ngunit sila’y parin natalo sa
pwersa ng mga tao. Nasira ang mga puno ng bundok na kanilang tinuguriang tahanan nila. Ito ang tanging maaalala ng
bawat tao sa kaharian nila.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PATAAS NA AKSYON

Tagapagsalaysay: Dahil sa Malaking Pagkatalo ng kaharian, di masyado magkaintindihan ang dalawa. Halos laging mag-
aaway ang dalawa. Isang araw, pinag-usapan nila ang anong magagawa nila sa mga tao.

Abdul: Ano ba ang kailangan ko para huminahon ka, Ahmad?

Ahmad: Ano nga kasi gagawin natin sa mga taong sumira sa kaharian na ipinagtanggol ng ating ama?!

(Wala masabi si Abdul)

Abdul: Gusto ko lang payapa, yun lang.

Ahmad: Payapa sa pamamagitan ng hayop at tao? Nasisiraan ka na ba? Matapos siraan ang mga tanging mga puno natin
tapos ganyan?!

Abdul: Mayroon pa silang pagakakataon para makabawi, Ahmad! Isa pang pagkakataon!

Ahmad: Ayaw ko na! Ayoko nang makisama sa iyo, igsoon! Ayaw mo yung mga ideya ko eh!( Aalis si Ahmad at
mauuntog sa pader at susuntukin niya ito)

(Magbubuntong-hininga si Abdul sa kalungkutan)

Tagapagsalaysay: Pakatapos ng diskusiyon, pinuntahan ni Abdul ang anak niyang itlog. Pero pagdating niya
KASUKDULAN:

Tagapagsalaysay: Mula sa araw na iyon, nagwatak-watak ang kaharian ng Samir sa dalawang panig, ang Soltani, ang
panig ni Abdul, at ang Saladin, ang panig ni Ahmad. Lumipat ang Soltani sa Bundok Hamigutan habang ang Saladin ay
lumipat sa Bundok Tagubud.

Abdul: Bakit kayo sumama sa amin?

Sundalo 1: Magaling kasi po kayong maglinkod sa isang bayan. Kung hindi ka ipinaanak, di gaganda ang kaharian natin.

Sundalo 2: Marami pa tayong pagkain eh.

Abdul: Makinig kayo; ang totoong kasiyahan ay di galing sa materyal na ginagawa ninyo, kundi ang mga taong
mahahalaga sa inyo.

Tagapagsalaysay: Sa sumusunod na araw, ang Soltani ay naglakbay patungong Davao del Norte; ang teritoryo ng mga
taong sumira sa kaharian nila.

Sundalo 1: Sigurado bang dito nakatira ang mga nanira sa tahanan natin?

Mangangaso 1: Sigurado po ako, parehong-pareho yung mga kasuotan nila.

(papasok ang mga Soltani)

Sundalo2: Yung mga mangtotroso ng sultanatong ito ay lumabas sa mga tahanan nila!

(lalabas ang isang mangtotroso)

Sundalo 2: Isa lang? Akala ko dalawa yung mga mangtotroso.

Mangangaso 1: Tanga ka ba? Napatay natin ang isa, di ba?

Sundalo 1: Oo nga! Tanga ka talaga eh.

Sundalo 2: Ay oo nga pala...

Abdul: Ano ang iyong pangalan, mangtotroso?

Amparo: Ako po si Amparo. Paumanhin po kung naputol namin halos yung mga puno po ninyo.

Abdul: At bakit ninyo pala pinutol ang mga puno namin?

Amparo: Patawad po talaga, pinutol po namin iyon para makabuo lamang ng pader namin, para makaiwas po sa mga
hayop.

Abdul: Gan’on ba kamo? Sige, ipinapatawad ka namin, at patawaran mo kami dahil napatay namin si-

Amparo: Si Degayo? Ayos lang po iyon. Ayoko pa naman siyang kasama.

Abdul: Sino nga pala ang mga kaibigan mo sa likod?

Amparo: Sino? Ah..Sila nga pala sina Alba, Micolob at si Dacudag.

Alba: Kamusta po?


Abdul: Medyo gutom na kami. Matagal kami kasi naglakbay papunta dito

Dacudag: Gan’on ba? Sige! Pasok po kayo. Ipagluluto po kayo ni Micolob. Masarap ang pagkain na niluluto niya!

Tagapagsalaysay: Sa panig ni Ahmad, nakapaghanap na siya ng mga kakampi, ang magkakapatid na si Ooga at Eggo, si
Kalabaw, si Buwaya, at si Baboy-ramo, ang matagal na kaibigan ni Ahmad.

Baboy-ramo: Anong meron, Ahmad? Bakit ka pala nandito?

Ahmad: Tinaksil ko si Abdul dahil ayoko nang makasama.

Kalabaw: Gan’on ba?

Ooga: Bakit naman?

Eggo: Oo nga. Nakakainis ba siya?

Ahmad: Oo. Nakakainis.

Buwaya: Ano naman balak natin.

Ahmad: Sasakupin natin ang mga tao.Pinutol nila ang mga puno namin.

Buwaya: Puno lang mga iyan..

Ahmad: Di lang iyan basta puno, tirahan iyan ng mga mamamayan namin! At ang kalikasan ang pinaguusapan natin dito!

Ahmad: Mamayang gabi tayo pupunta sa teritoryo nila!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PABABANG AKSYON

(Sa bahay sa Davao del Norte)

Sundalo 2: Ang sarap nga ng luto mo, Micolob!

Micolob: Salamat kung gan’on...

(Biglang babato ng buko sina Ooga at Eggo sa mga bintana ng bahay at lalaban sina Amparo, Dacudag at Micolob gamit
ang kanilang mga itak)

(Lilipad patakas si Abdul malayo sa bahay)

(Susugod ang Kalabaw at dadaganan si Micolob at mamamatay)

(Kinagat ni Buwaya ang kaliwang kamay ni Amparo pero hiniwa niya ang mga bituka ng buwaya at sinaksak ang mata
ni Kalabaw)

(Hihiwain ni Dacudag sa kalahati ang katawan ni Baboy-ramo)

(Dahil sa takot ay umalis ang magkapatid na matsing. Hahabulin ng mga ito ng mga sundalong agila)

(Makakarating si Abdul sa isang burol, at darating rin si Ahmad)

Ahmad: Ano na, Abdul?! Lumaban ka!

Abdul: Ayaw ko talagang makipag-away, maliit na kapatid.


Ahmad: Di ba’y ikaw ay isang Sultan? Makipaglaban ka!

Abdul: Nasaan pala ang anak ko?

Ahmad: Anak mo? Dala-dala ni Kalabaw ang iyong anak sa isang kahon. Kung swerte ka, maaaring buhay pa ang
susunod na datu.

Abdul: Ganito na lang, Ahmad. Pataasan tayo ng lipad. Kung manalo ako, kukunin ko ang aking anak. Pero kung hindi,
sa iyo nalang ang itlog. Ahmad: O sige! Itaga mo sa bato na mananalo ako!

(Nagpataasan ang dalawa sa lipad at mananalo na si Ahmad. Biglang may naalala si Abdul)

Abdul: Tumigil ka, Ahmad! Wag ka nang lumipad ng sobrang taas! Mamamatay ka dyan!

Ahmad: Hindi ako maniniwala sa sabi-sabi mo dyan, Abdul!

Abdul: Huwag ka nang pasaway, Ahmad! Totoo ang sinasabi ko!

Ahmad: Hindi ako magpapatalo!

(Maya-maya’t mamamatay si Ahmad sa sobrang lamig at pagkawalan ng hangin na hinihinga)

(Bababa si Abdul para mahuli si Ahmad, Mahuhuli ni Abdul ang kapatid niya, pero lumagot ang leeg ni Ahmad)

(ikalulungkot ni Abdul ang kaniyang pagkamatay)

WAKAS

Tagapagsalaysay: Dala-dala ng patay na katawan ni Ahmad, babalik sa bahay sa Davao del Norte si Abdul para hanapin
ang kaniyang anak.

Abdul: Dacudag, Amparo, May nakita kayong kahon?

(Ipapakita ni Amparo ay isang kahon na nasa loob ay may itlog)

Abdul: O anak ko!

(Biglang pipitas ang itlog)

Abdul: Sa wakas! Matagal ko na ito hinihintay!

Dacudag; Nakakatuwang tingnan ang inyo lalaking anak.

Amaparo: Ano kaya pangalan niya?

Abdul: Ipapangalan ko sa kaniya ay...Suaco.

You might also like