Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Natawa ako, naiyak ako. Marami akong naramdamang emosyon.

Pero nung mga oras na ako’y


nagbabasa ang napansin ko lamang ay ang mga kwento ng pag-ibig, ang mga happy at not-so-happy
endings, ang mga sexy scenes. Hindi pa sumasagi sa isip ko ang tekstuwalidad ng nobela, ang pagka-
meta nito, o kahit ang mga sina-subvert nitong palagay.

At nung dumating sa oras na kailangan ko na talagang intindihin ang nobela, ang dami kong nahinuha
mula sa mga salitang nakalathala sa mga pahina. Napagtanto kong ang daming diskurso mula rito ang
naghihintay na pag-usapan, ang daming ideolohiya. Sa akin ay mayroong nabago– ang aking pananaw,
ang aking mga palagay, kahit ang aking pag-iisip. Na-attract ako sa nobela dahil pamilyar ito sa akin,
ngunit bukod doon na-attract ako rito dahil sa bawat pagbasa ko nito, may ibang bagay akong
nahihinuha, naiintindihan. Parang akong naglalakbay sa isang pamilyar na daan, ngunit sa dulo nito ang
nararating ko’y iba’t ibang destinasyon.

May isang short film na pinamagatang Irene Fucking Jordan na dinirek ni Paolo Herras. Ipinapalabas dito
ang isang eksena mula sa Para Kay B na itinakda para sa book launch ng nasabing nobela. Ipinapakita rito
kung paano nagsiping sina Irene at Jordan, na ginampanan nina Meryll Soriano at Joem Bascon, habang
nasa kuwarto ang aparisyon ng ina ni Irene na ginampanan ni Jaclyn Jose.

Si Irene ay isa sa limang bidang babaeng umibig sa buong naratibo. May kakayahan siyang magmahal,
ngunit wala sa kamay niya ang kahihinatnan ng kanyang buhay pag-ibig. Nasa kamay ito ni Lucas, isang
manunulat at siya ring kayang tagapaglikha. Si Lucas din ang bumuo sa katauhan nina Erica at Ester, mga
bunga ng kanyang imahinasyon. Ang kaibahan lamang nila Sandra at Bessie ay binase ang pagkakakatha
sa kanila sa mga totoong tao – tunay ngang nabuhay sina Sandra at Bessie at mga kakilala sila ni Lucas.
Ang pagiging manunulat at tagapaglikha ni Lucas ay isang layer lamang ng akda. Bilang mambabasa,
nararapat lamang na isipin din natin na si Lucas ay maaaring ginamit ding mouthpiece ng sarili nitong
tagapaglikha, ang tagapaglikha ng tagapaglikha, ang manunulat na si Ricky Lee – isa pang layer ng akda.

Sa akda ni Lee, nagawa niyang ilahad na ang pagsusulat ay isang therapeautic exercise na nakakatulong
sa isang tao na tanggapin at mapagtagumpayan ang kanyang mga pinagdadaanan. Sa nobela, ang
tauhang si Lucas sa kanyang kasawian ay bumuo ng mga kuwentong pag-ibig, ng mga babaeng
nagmamahal, para sa babaeng kanyang minahal, para kay Bessie. At sa kanyang pagbuo sa mga tauhang
ito ay pinagkaitan niya ang ilan sa mga babae ng happy ending, na tila ba nais niyang hawaan ang mga
ito ng sarili niyang kasawian. Sa simula ng kabanata ni Erica, siya ay isang babaeng hindi marunong
magmahal. At ayon sa tauhan nang hinarap niya ang sariling tagapaglikha na si Lucas, ginawa lamang
siyang ganon ni Lucas dahil si Bessie din mismo ay hindi marunong magmahal. Naging batayanan ng
katauhan ni Erica si Bessie, isang totoong tao sa buhay ni Lucas. Ang Bessie na minahal ni Lucas at ang
Bessie na siya mismong kinatha ni Lucas para sa kanyang mga kuwento ay magkaiba. Ang Bessie sa
kanyang kuwento ay mayroong kapasidad na mahalin siya, samantalang ang Bessie na nakikita niya sa
personal ay wala. Self-serving kung iisipin. Ipinapakita lamang na minsan ang pagsusulat ay hindi lamang
isang therapeutic exercise kundi isang narcissistic exercise o midyum. Si Lucas ay may kapangyarihang
bumuo ng isang bagong realidad, ng isang bagong nilalang na magmamahal sa kanya o kahit papaano’y
matututong mahalin siya.

Nagawa ni Lee ibalanse ang palagay na ito sa sarili niyang adbokasiya na sa aking opinyon ay ang i-
subvert ang mga nakasanayan na nating paniniwala. Ang mga babaeng tulad ni Irene at Bessie ay hindi
ang mga dalisay at taimtim na mga birheng pinukpok sa ulo natin na hulma ng isang ideyal na babae.
Handa silang makipagsiping sa gusto nila, kasal man sila o hindi. Sa kuwento ni Ester, vina-validate ng
manunulat ang pag-iibigan ng dalawang babae na sa mata ng Simbahan ay hindi isang natural na
pagsasama. Ang tauhang si Sandra naman, gayon din ang totoong taong pinagbasehan dito, ay umibig at
nakipagsiping sa sarili niyang kapatid – incest, na ayon sa batas ng tao at ng Diyos ay isang kasalanan. Sa
kuwento naman ni Erica, makikita ng mga mambabasa ang pagka-fabricated ng pag-ibig, na masyado
itong clean cut. Iyong tipong dalawa lamang ang uri ng tao sa mundo, ang marunong magmahal at ang
hindi, na para bang ganoon na lamang kasimple ang mga bagay-bagay. Kinukuwestiyon nito ang mga
limitasyon ng mga pagpapakahulugang binibigay natin sa pag-ibig.

Ang nobelang Para Kay B ay hindi lamang isang koleksyon ng mga kwentong pag-ibig, punung-puno rin
ito ng mga ideya, ideolohiya, diskurso na hindi ko maipaliliwanag ng buo sapagkat kailangan ko pang
basahin ito ng paulit-ulit hanggang sa makaya ko nang ibahagi sa iba ang halos lahat ng nakapaloob dito.

You might also like