Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Casey Andrei N.

Magtibay December 4, 2019


X-LOVE ANEKDOTA

“Ang Pagpapahalaga”

Noong ako ay bata pa, ako ay isang batang pasaway, lagi akong nagtuturo ng mga bagay na aking nakikita
na aking gusto sa tuwing kami ay namamasyal sa mga mall at ang sabi ko sa aking ina, “Ma! Bilhan mo ako
nun.” Isang magandang laruan na may kamahalan sa presyo, at dali-dali rin naman itong binili ng aking ina
para saakin. Sumunod naman ang isang kawili-wiling gadyet na tinatawag na PS4 na may kamahalan rin sa
presyo. Ngunit, sa ilang pagsapit ng linggo, ang mga binibili saaking laruan ay hindi tumatagal dahil ito ay aking
nasisira. Gayundin sa biniling gadyet na PS4 para sa akin na tumagal lang ng ilang buwan.

Noong ako ay bata pa, at nag-aaral sa elementarya, hindi ko binibigyan pansin o halaga ang kaayusan ng
aking mga gamit tulad ng mga kuwaderno at mga libro. Kaya dahil sa pagiging burara ko sa aking mga gamit,
ay minsan nawawala ko na ang mga ito at hindi ko na nahahanap, kaya ang mga sinulat kong pinag-aralan sa
ibang asignatura ay nasasayang at dahil doon, kailangan kong maghabol ng mga sinulat upang dagdag puntos
sa aking grado, at minsan naman ay nasesermonan na ako ng aking ina, “Yan! Ang burara mo kasi sa mga
gamit mo kaya nawawala ang mga gamit mo!”, sermon ng aking ina. Minsan ay napapalo na ako dahil sa aking
kakulitan dahil sa tuwing may kinukuha akong gamit sa aking ina ay minsan ay nawawala ko ito at hindi
naibabalik sa pinagkuhanan. Naalala ko rin ang mga binibiling krayola saakin ng aking ina ay madami upang
magamit sa mga aktibidad, at akalain mo binilhan pa ako ng lalagyan ng mga ito, ngunit nasisira ko naman ang
mga krayola na ito, nahahati ang katawan dahil sa malakas na pagkukulay at minsan naman ay nawawala ko
rin dahil sa kaburaraan ko. Kaya sa tuwing kailangan ko ng tiyak na kulay para sa aking aktibidad, hindi ko
nagagampanan ang tamang kulay para sa parte ng aking aktibidad. Naalala ko rin sa mga panahon ng aking
pagiging estudyante sa elementarya, hindi ko gaano binibigyan halaga ang mga pagkakaibigan ko sa iba kong
kamag-aral, sapagkat lagi kaming nagkakaroon ng tampuhan, kaya sa pabago-bago ng oras, nagkakaroon ulit
ako ng panibagong kaibigan, pero sa pagsapit ng mga araw, mawawala rin ang pagiging malapit namin sa isa’t
isa bilang kaibigan.

Nadala ko rin ang aking pagiging burara nung ako ay naging hayskul na estudyante. Ganun pa din, walang
bago, hindi ko nabibigyan halaga ang mga kagamitan ko, kaya ang loob ng aking bagay parang lamang
basura dahil sa hindi pagiging organisado. Nung binilhan rin ako ng gadyet ng aking ama, at nasira ko ito sa
loob lamang ng tatlong buwan, nawala ang tiwala niya sa akin lalo na sa paghawak at sa pag-ingat ng mga
gamit. Kaya sa isang araw, kinausap ako ng aking ama, “Anak, dapat mong pahalagahan ang mga bagay o
gamit na binibigay saiyo sapagkat ang mga gamit na iyan ay pinaghirapan ng mga taong nagbibigay sayo, at
ang mga gadyet na binibigay sayo ay dapat mong ingatan sapagkat pinaghirapan kong pag-ipunan iyan.” Kaya
sa pagsapit ng oras, naging maingat na ako sa aking mga kagamitan at isinabuhay ko ang payo ng aking ama.

Magmula nga noon ay naging aral sa akin na dapat pahalagahan ko ang mga bagay o gamit na binibigay
sa akin ng aking mga magulang o kaibigan, sapagkat ito ay kanilang pinaghirapan at ang pagpapahalaga nito
ay katumbas rin ng pagpapahalaga sa nagbigay. Ang pagpapahalaga ay isang magandang gawi, upang tayo
ang maging responsable sa ating mga kagamitan, at upang hindi tayo maabala sa paghahanap ng mga gamit
na nawawala at dapat magkaroon rin tayo ng pagpapahalaga sa maliit na bagay upang mapahalagahan mo rin
ang malaking bagay.
Casey Andrei N. Magtibay December 4, 2019
X-LOVE ANEKDOTA

You might also like